✧ 053

332 30 4
                                    


JUNGHWAN'S

Dali-dali akong nag-ayos ng gamit sa locker at dumiretso na papunta sa room nina Areum. Sobrang excited lang ako kasi magkakasabay ulit kami ni Areum pag-uwi.

Kahit na ang daming tao dito sa hallway, patuloy pa din akong naglakad ng mabilis. Ayokong maghintay si Areum, ang bilis pa naman mag-ayos ng gamit non. Basta marinig niyang tumunog yung bell, pupunta na agad 'yong sa locker niya.

Pilit akong sumiksik sa pagitan ng mga taong nakatayo at naglalakad din dito sa hallway, sobrang crowded, aish, ang hirap makagalaw. Tinangka ko ulit bilisan ang paglalakad pero naramdaman kong may nabangga ako dahil doon.

Nilingon ko siya at nakita ang kalat-kalat na papel―

"Dahyun?"

"Aish." bulong niya lang ng hindi tumitingin sakin at pinagpupulot yung mga answer sheets na nagkalat na sa daanan dahil sa aksidenteng pagbangga ko sa kanya.

Naisipan kong tumulong na lang muna, tutal malapit na lang din naman yung classroom nila mula dito.

"Sorry.. Hindi ko sinasadya." imik ko habang mabilis na nagpupulot ng mga papel at inaayos ito sa harap niya.

"Tsk, excited na excited lang umuwi? Lahat naman tayo makakalabas dito, jusko."

"May kasabay kasi ako, ayoko siyang paghintayin.." bulong ko.

Napatigil siya sa ginagawa niya at napatingin sakin.

"Yah. Umamin ka na ba kay Areumi?"

"P-Paano mo nalamang si Areum―"

"Pabo." at saka niya ako binatukan.

AREUMI'S

"Huy, ang fake news mo kamo!"

"Bakit nanaman ba?"

"Sabi mo hindi na M.U. sina Junghwan, eh bakit magkasama ulit yung dalawa doon?"

I-memessage ko na sana si Hwan kung nasaan na siya pero pagkatapos kong marinig 'yon mula sa mga kaklase ko ay mas naisipan kong tumingin na lang sa labas ng classroom.

At hindi nga sila nagkakamali, magkasama nga yung dalawa.

Masama ang tingin ni Dahyun kay Junghwan pero nakangiti lang si Hwan sa kanya habang tinutulungan nito ang kasama na ayusin yung mga papel na dala siguro ni Dahyun kanina.

Hindi ko maiwasang iritang mapangisi.

Wala talagang nagbago no? Siguro, kahit na hindi na sila mag-M.U., gusto pa din ni Junghwan si Dahyun.

Siguro si Dahyun pa din ang parating uunahin ni Junghwan, at ako? Ako ang lagi niyang paghihintayin.

Bakit nga ba lagi na lang ako ang naghihintay? Dahil ba alam niya na hindi ako aalis sa tabi niya kahit na anong mangyari?

Dahil sa bestfriend niya ako?

Sorry Junghwan, pero hindi ako habang buhay na ganon.

Ngayon, mas gusto ko ng isipin muna ang sarili ko kaysa sayo. Tutal masaya ka pa din naman diba?

Ako lang naman ata ang hindi.

Hindi ko na hinintay pa si Junghwan at tuluyan ng umalis ng room. Malaki na kami, hindi na namin kailangang magkasama parati.

JUNGHWAN'S

"Umamin ka na bago ka pa maunahan ng iba." 'yan ang huling sinabi sakin ni Dahyun bago ako umalis at pumunta sa classroom nila.

Pero wala na si Areum doon.

Minessage ko siya kung saan siya pumunta pero hindi siya nag-oonline.. Hindi ko maiwasang manghinayang.

Bakit naman siya umalis kaagad? Ayaw niya na ba akong kasabay? Sabi niya maghihintay siya sakin tulad noon..

Naiisip ko tuloy ngayon.. Na siguro nga, wala na akong pag-asa kay Areum.

Pero kahit na ganon, gusto ko pa din na malaman niya kung ano yung totoo.

Kaso bakit parang lagi na lang may hadlang?

na-eenjoy niyo pa ba yung story? HSHSHS di kodin talaga sure kung ano magiging ending nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

na-eenjoy niyo pa ba yung story? HSHSHS di ko
din talaga sure kung ano magiging ending nito

LOVE MAZE 'ʲᵘⁿᵍʰʷᵃⁿWhere stories live. Discover now