Chapter 1

16 2 0
                                    

Bas Played Louise

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bas Played Louise


Louise's POV



   He's looking at her like she means the world to him, and she's looking at him like he's the greatest decision she's made, and then there's me. I'm the person na palagi lang nakamasid sakanila, palaging naka tingin, palaging nananalangin na sana ako siya, sana ako nalang siya. Pero wala eh, kahit kailan hindi siya magiging ako at kailangan kong tanggapin na hinding hindi niya ako titignan kung paano niya tignan ang babaeng nasa harap niya. A shame indeed. Bakit ba kasi sa dinarami-rami ng taong mamahalin ko siya pa, sa taong imposibleng ibalik ang pagmamahal na kaya kong ibigay.

But damn, who cares, i love him and i don't care kung wala lang ako sakanya. Ang mahalaga naman ay kung mamahalin ko man siya ay patago and i made sure na saaming tatlo, ako lang ang nasasaktan. Yes, iyong lalaki ang lihim kong minamahal and not the girl, the girl is my bestfriend and here i am secretly loving her boyfriend. How ironic.

I rolled my eyes when i saw him kiss her cheeks after siya nito pahidan ng ice cream sa pisngi. Cringy i sighed at tumayo mula sa kinauupuan ko. Lumapit ako sakanila

"Hey, i have to go." Pagpapaalam ko. They both look at me "Nagtext si Yasmin, kailangan ako sa Org ngayon eh. I need to make an update about sa upcoming event ng school." Pagpapaalam ko.

"Oh! Oo nga pala. Sorry, tara na?" Sabi ni Ashly, My bestfriend. Tumango lang ako at pilit na ngumiti sakanila. Wala namang sinabi si Harris at tumayo nalang din at nagpunta na kami sa sasakyan.

Our usual arrangement is, syempre nasa backseat ako't nasa front seat si Ashly. Nakita kong hinawakan muna ni Harris ang Kamay ni Ashly. I looked away immediately para hindi ko masaksihan. Nasa isang fastfood chain kasi kami at nagyaya si Ashly na kumain. Nag suggest ako na sa Mcdo nalang since tight budget ko ngayon, ayokong magpalibre sakanilang dalawa. Mas gusto ko na ako parin ang gagastos para sa sarili ko.

"Pwede ba, less pda sana kapag kasama ako, respeto sa single" pabiro kong turan sakanila. Pareho naman silang napatawa sa sinabi ko

"Bes naman kasi, puro ka libro't pagaaral. Pwedeng pwede ka naman lumandi eh" sabi ni Ashly

"Easy for you to say. Hello, itong histura ko? No. Mas okay na libro ang palagi kong hawak" sabi ko sakanya. Hindi ko lang masabi na boyfriend mo ang gusto kong landiin pero hindi pwede bukod sa ayokong masira ang friendship namin, alam kong Straight si Harris.

"You know, may mga babae akong pwede na ireto sayo. Kung gusto mo, or baka gusto mo may mga barkada din akong lalaki na bisexual. I can you know, pwede kitang ireto sakanila" sambit naman ni Harris, but his nickname is 'Harvin' ako lang ang natawag sakanya ng harris, well at least in my mind. Mas bagay kasi sakanya ang first name niya.

"Thanks for the offer, but i'll shut that down too" sabi ko sakanya at pilit siyang nginitian

"Bes! May gwapong bestfriend din itong boyfriend ko and he's totally single.—hon diba? Single si Marco?" She asked. Agad naman akong tumanggi "Ano ba ash, first stop calling me 'bes' naiilang ako and of course, wala akong panahon sa babae o sa lalake ngayon. Mas gusto kong pagtuonan ng pansin ang pagaaral ko lalo't scholar lang ako sa Blizzard noh. Mahirap na" sabi ko sakanya.

Interior design ang course ko, then si Ashly ay Business Ad, then si harris naman ay Architecture. Habang tinatahak namin ang daan pabalik sa university ay may nadaanan kaming Cafe, hiring daw sila ngayon. Naisip ko na sana tumatanggap sila kahit partimer lang. i really need extra job para sa sarili ko. I sighed at napatingin sa harap at nakita kong pasulyap-sulyap saakin si Harris

Nginitian ko nalang ito at kinuha ang cellphone na bagong regalo lang saakin ng guy bestfriend kong si Nathan, nate for short. You'll meet him soon. I insisted na huwag na niya akong regaluhan pero nag insist siya kasi nga badly needed din ito for school kaya tinanggap ko na saka nag aalala daw siya baka daw in case of emergency ay kailangan ko siya hindi ko siya matawagan.

Sakto namang may text galing sakanya

From: Nate

Hope, sunduin kita mamaya. Miss kana ni mommy, gusto daw niya mag dinner kasama ka.

Yep. Second name ang tawag niya saakin, ewan ko don. Mas gusto niya daw kasi unique. I didn't mind though, hinayaan ko siya kasi paranf kapatid ko na siya. Dati kasi ay Si mama at papa lang ang natawag saakin sa pangalan na iyon.

"And we're here na sa school Bes—este louise" sabi ni Ashly

I nodded "Thank you sainyong dalawa. Well, see you around nalang" sabi ko

"Huh? Hindi kaba sasabay samin paguwi?" Tanong ni Harris

I shooked my head "Ugh, hindi eh. Sasabay ako kay nathan ngayon, nagyaya ang mommy niya ng dinner sa bahay nila" sabi ko

"Uhmm. Edi louise sumabay ka parin samin, doon ka nalang namin ihahatid, diba Hon?" Sabi ni Harris

Ano bang problema ng isang 'to? Bakit hindi nalang niya ako hayaan na umuwi magisa mamaya. Baliw yata ito.

"Oo nga naman louise, ihahatid kana namin doon ni Harvin" sabi ni Ashly

"I'll try and talk to Nate. Again salamat" sabi ko sabay labas na ng kotse ni Harris

Habang naglalakad naguguluhan parin ako at bakit pinipilit ni Harris na isabay parin ako paguwi hindi naman nila gawain iyon. Madalas kapag uwian ay umuuwi na ako magisa. Magkakaiba din kasi kami ng schedule na labas. Hay nako kahit kailan talaga ay ang gulo nila. Lalo niyang ginugulo ang puso't isip ko.

"Presideeent! Lets gooo may discussion daw tayo ngayon tungkol sa upcoming event!" Sabi ni Moira at hinila ako papunta sa student council, yes i'm also the student council president, at ako rin ang Student leader ng Journalism Org ng school namin.

Hi! I'm Louise Hope Angeles, 19 years old, 3rd year college student. And this, this is the start of my one sided love.








VOTE | COMMENT | SHARE

VOTE | COMMENT | SHARE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Elioohh 🌷

Hawak Bitaw (Bxb) (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon