Chapter 2

15 1 1
                                    

Mean Played Ashly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mean Played Ashly


Louise's POV



"ANO?! BAKIT KA PUMAYAG?!" Nakakabinging boses ni Nate ang bumungad saakin nang sagutin niya ang tawag ko. I mentally rolled my eyes

"Hindi pa ako pumapayag, sabi ko itatanong ko pa sayo" paglilinaw ko sa best friend kong Exagge kung mag react.

"Well ang sabi mo sakin papunta na siya jan diba? He texted you already. Edi wala ka nanamang choice" sabi niya saakin.

I sighed, totoo naman na wala na akong choice. Kasalukuyan akong nandito sa Student Council Office at natanaw ko na siya sa labas na naghihintay pero nakakapag taka na siya lang ang nasa labas, nasaan kaya ang magaling kong bestfriend?

"Hays, natanaw ko na siya sa labas, what do you want me to do?" Sabi ko sa bestfriend ko

"Tinatanong paba iyan? Decline it. Tell him you can't dahil nakapangako kana saakin na sakin ka sasabay" he said, seryoso na ang tono ng boses nito. I stood up and pick up my things at lumapit sa may bintana, there i saw him na naka sandal sa pader at naka cross arms pa

"Nate, sakanila ako sasabay. Nakakahiya eh, nandito na siya" banggit ko

Narinig kong humugot ng buntong hininga si nate tanda na isinusuko na niya saakin ang pag dedesisyon

"Fine. Basta bilisan niyo, i'll be waiting at the porch" sabi niya

I hung up at tuluyan nang lumabas ng SC Office, nakita ko naman na agad nagliwanag ang mukha ni Harris nang makita niya ako. I smiled at him at akmang lalapitan siya nung batiin ako ni Alfred

"Oh president, uuwi kana?" Tanong nito. Marahan naman akong tumango "Yeah, ikaw ba ay wala pang balak?" Balik na tanong ko sakanya. Tumawa naman ito ng pagak "kukunin ko lang ang mga gamit ko sa gym tapos ay uuwi na rin ako, ingat ka paguwi pres!" He said. Napaka jolly talaga ng isang iyon, siya ang Treasurer ng aming SC

Tapos ay napansin naman niya si harris, member ng basketball varsity si Harris, same goes for alfred

"Oh Captain, ingat ka din paguwi" bati ni alfred. Ngumiti naman si Harris sakanya "Ikaw din"

Nang makaalis si Alfred ay binalingan ako ng tingin ni Harris "Let's go?" Tanong niya i nodded "Si Ash?" Tanong ko

"Ahh, nasa kotse na." Maikling sagot nito. I nodded at sabay na kaming naglakad palabas ng building

"Pasensya kana at natagalan, nahirapan din akong kumbinsihin si Nathan eh, tapos ay marami din akong inaasikaso for our up-coming event" sabi ko

"Oo nga no. Malapit na nga pala ang Sports Fest" he said "Wish me luck sa mga practice" he said

3 weeks from now ay start na ng Sports Fest. Kaya ginugugol din sila sa practice. Magkakaharap kasi ang ilan sa pinaka malalaking universities para sa Sports Fest, kaya busy kami sa mga darating na linggo, and besides 3 months from now ay mag ko-kompleto na kami ng requirements dahil malapit na ang graduation, well, Graduation nila Harris at Moving up ko to be a fourth year student.

Tahimik naming narating ang kotse niya at nandoon sa loob si ashly, halatang hindi nakapatay ang kotse ni Harris dahil siguro binuksan ni Ash ang AC, nang makita niya kami binaba niya ang bintana ng kotse

"Omg! Ang tagal niyo namang dalawa, mauubos na yata ang gas nitong kotse ni Hon dahil ang tagal niyo" reklamo ni Ash

Agad naman ginawaran ng halik sa Labi ni Harris si ash na nagpapula ng pisngi niya, ps. Nasa labas pa kami ng kotse nakadungaw lang si Ash. Iniwas ko ang tingin ko at nagkunwari na may nagtext sa phone. Argh, dapat sanay na ako eh.

"Sorry hon, alam mo naman kung gaano ka busy si louise ngayon dahil sa Up-coming event diba" pagpapaliwanag ni Harris

"Sabi ko naman kasi sainyong dalawa, kaya ko naman. Hindi naman natin kailangan magsabay sabay" sabi ko as i open the back seat door, umikot naman sa may drivers seat si Harris at binuksan ang pinto. Nang nasa loob na kami ay nagsalita din kaagad si Ashly "Ewan ko ba dito kay hon, sinabihan ko naman siya na pwede namang wag na magsabay sabay ayaw, gusto talaga niya na ihahatid ka namin pauwi today"

Agad akong napasulyap kay harris and he just chuckled "Napansin ko kasi na never naman kami nagkaroon ng bonding ni Louise, except sa kapag nag thi-thirdwheel siya saatin. So i want to bond with him kahit bago manlang tayo maka-graduate. 3 months nalang oh" pagpapaliwanag ni Harris

It's not that i expected anything pero hindi ko rin talaga inexpect na sasabihin niya ang bagay na iyon. Like, bakit naman niya ako gustong maka bonding? Bigla talaga?

"Hmm fair point, anyway tara na nga, kanina pa ako hinahanap nila daddy soooo~ una niyo akong ihatid ngayon" sabi ni Ash

Nanlaki naman ang mga mata ko hindi pwede! "huh? Teka mas malapit ang bahay ni Nathan ah!!" Sabi ko

"My boyfriend said he wants to bond with you, so i suggest na kahit out of way na kapag inuna niyo ako ay okay na din kasi makaka bonding na kayo ngayon palang" suggestion ni Ashly

"That sounds good to me" segunda ni Harris

"Nakakahiya naman. Masasayang ang gas mo" pagpipilit ko. My gosh ayoko!! Mas kampante ako na kasama namin si Ashly kahit masakit kesa maiwan kaming dalawa ni Harris!

"Harvin likes the idea bes! Hayaan mo na, okay din na may interaction kayo ng boyfriend ko" sabi ni Ash

Nagkabit balikat ako. "Sainyo ayos lang, paano naman sakin at sa nararamdaman ko?! Juice colored naman oh!"

Nathan, send help T^T










VOTE | COMMENT | SHARE

[ A/N: I am so sorry kung ngayon lang. i'm so distracted because i'm reading an online BL Manga/manhwa these days soooo hehehh. Sarreh. ]

Elioohh 🌷

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Elioohh 🌷

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hawak Bitaw (Bxb) (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon