Prologue

766 40 61
                                    



"Octavio, anak. Come here." Pagtawag ni Ma'am Tavia sa anak niya.

Muntik na akong masamid.

'Ambantot naman ng pangalan.' Sa isip ko.

Nakapamulsang lumapit sa kinaroroonan namin ang lalakeng tinawag niyang anak.

"Kaizer right?" Tukoy ni Ma'am Tavia sa pangalan ko.

"Ma'am, Kai nalang po." Magalang na sambit ko.

"Alright Kai, this is Octav--"

"Mom, it's Rey. Not Octavio!" Angal ng lalake. Na sinabayan ng pagbusangot.

Daig niya pa si Dory ng finding nemo sa pagkakanguso.

"Whatever. So Kai, this is Rey." Sabay turo sa anak niya. "And Rey, siya naman si Kai. Anak siya ng nanay Maring mo. From now on, sa kwarto mo na siya magstay. Nagpadeliver na rin ako ng bagong bed para sa kanya, tutal malaki naman ang kwarto mo."

"Po?" Ani ko.

"What??!" Angal naman nung Rey.

Halos pareho kaming nagulat. Ang inaasahan ko kasi ay sa kwarto ako ni mama tutuloy.

"Oo, magiging roommate mo siya. Matalino itong si Kai, kaya matutulungan ka niya sa mga homeworks mo dahil magiging classmate mo siya."

"Mom! Malaki na ako at ayoko ng may kasama sa room. Tsaka mukhang hindi mapagkakatiwalaan yan!" Pag-angal niya sabay duro sa akin at tinitigan ako ng ubod ng sama. Pinanlakihan naman siya ng mata ng mama niya.

''Aba! Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng isang to! Alam mo bang marunong akong mandukot ng mata ha? Umaatittude ka ha! Judgemental!' Binantaan ko siya sa isip ko. Kala mo naman gusto ko siyang kasama sa kwarto. Hoy! Wala lang akong choice noh!

"I'm the mother, kaya ako ang masusunod dito. Or else kakausapin ko ang Daddy mo na bawasan ang allowance mo." Paninindigan ng ginang.

Napabusangot lalo ang mukha nitong si Rey habang nagkakamot ng ulo dahil sa pagkadisgusto.

'Hmmm hindi pala si Dory ang kamukha mo, mas kamukha mo si Squidward ng Spongebob'

"Narinig mo naman ako Kai, tama?" Baling na tanong niya sa akin.

"Yes Ma'am." Napipilitan kong tugon.

"Tita nalang ang itawag mo sa akin, pamilya narin naman ang turing namin kay Maring. Maging ikaw, isipin mo na lang din na kapamilya mo kami." Nakangiting sambit ng ginang.

Mabait naman ang impresyon ko kay Ma'am este Tita Tavia. Malumanay kasi itong magsalita at nasasalamin sa mata nito ang totoong pagkatao niya. Hindi ko lang talaga gusto ang ideya na makakasama ko itong busangot na lalake sa kwarto. Kung makatingin sa akin para akong isang "kutong-lupa" na gusto niyang tirisin. Kala mo naman gwapo! Pwe!

"O siya, Octavio, samahan mo na si Kai sa room niyo."

"Okay mom!" Sinabayan ng malawak na ngiti.

Bigla atang nagbago ang mood nitong mukhang tambakol na ito. Parang kanina lang ay gusto niyang sipain ang mura at babasagin kong katawan. In fairness, cute siya kapag ngumingiti. Pero NO!Panget parin siya dahil sa ugali niya.

'May sa bipolar pala tong creature na ito. O may binabalak na masama ito.'

"Teka lang po ma'am este... tita. Kukunin ko lang po yung gamit ko sa kwarto ni mama."

Madali naman akong nagtungo sa kwarto ni mama. Halos magkandaligaw pa ako sa laki ng bahay nila.

'Dito ba yon? O dito sa kabila'

Napapakamot nalang ako ng ulo. Mahina pa naman ako sa direction. Lalo ngayon okupado ang isipan ko. Maging ako ay ayokong makasama sa kwarto ang lalakeng yon. Mukhang sakit lang sa ulo ko yon.

Pero wala akong magagawa nakikitira lang kami ni mama.

Hindi naman sa pagiging mapanghusga, pero marunong kasi ako magbasa ng ugali ng tao kahit sa unang tingin pa lang, napapatunayan ko sa bandang huli na totoo ang pagkakabasa ko sa ugali nila.

***

"Hoy bubwit! Ako ang may-ari ng kwartong ito kaya ako ang masusunod. Ayoko ng sakit ng ulo, nakakasira yon sa pagkagwapo ko. Huwag mong pakikialaman ang mga gamit ko, ayoko silang madumihan ng isang dukhang katulad mo. Lahat ng iuutos ko susundin mo ng walang reklamo. Maliwanag??!!"

'Aba kakasimula lang ng istorya ko sa bahay na ito, nasa climax agad?'

Andami niyang sinabi pero mas nakuha ng atensyon ko ang mga binanggit niyang "bubwit" "gwapo" at "maruming dukha". Nagpanting ang tainga ko. Naku naku naku! Hindi ko talaga makakasundo itong isang to.

'Bubwit pala ha.'

Tiningnan ko siya na tila sinusuri ang mukha niya. Saka napatawa ng bahagya.

"Gwapo??!! Hoy hindi ka gwapo oi! Mas mukha kang takure.!"

Mula sa kaninang pagtawa ay bigla akong sumeryoso na parang wala akong sinabi.

Ito na nga sinasabi ko, masama talaga ugali nito, kakapasok ko palang ng kwarto ay kung anu-anong rules niya ang isasalubong sa akin. Mas malakas pa sa hanging habagat ang kayabangan niya. Akala niya magpapatinag ako sa kanya. No way, hi-way.

Napanganga siya sa sinabi ko.

Ibinalik ko naman sa ginagawa ang tingin ko.

"Anong sabi mo?! Hoy! Tindi din ng mukha mo no! You're in my house! You piece of shit!" Pikong sabi niya.

"Magtigil ka Octavio! Hindi ako shit no. Ako lang naman si Kaizer Paul D. Avila o mas kilala sa pangalang KAI as in capital K.A.I. And by the way mas mukha kang tae sa paningin ko. Hindi ako natatakot sayo. Baka nakakalimutan mo ako ang magiging disciplinarian mo. Kaya yang kagaspangan ng ugali mo, paplantsahin ko yan." Sambit ko habang abala pa rin sa pag-aasikaso ng damit.

Kapag may katuwiran, ipaglaban mo. Yan ang paniniwala ko sa buhay. Tsaka hindi ako basta-basta nagpapagapi noh. Wala sa bukabularyo ko yon, duh! Mabait ako kung sa mabait pero kung kagaspangan ng ugali ang ipapakita ng iba sa akin, ay nakakapag adjust naman ako. Mas gagaspangan ko rin.

Tsaka kabilin-bilinan din ni Tita Tavia kaninang nag-usap kami bago niya pa ako ipakilala kay Rey or Octavio, basta itong lalake na ito na mukhang bisugo. Ang sabi ni Tita, huwag daw ako magpapa under dito sa anak niyang timawa dahil magaspang daw talaga ugali nito.

"Matigas ang ulo ng anak ko na yan, pero huwag kang magpapaapi diyan. Makipagbangayan ka kung gusto mo. Pero sana mapatino mo rin siya kahit na sa tingin ko ay imposible. Sana lang naman. Ang magagawa mo nalang para sa akin ay tulungan siya sa studies niya. Sumbong mo lang sa akin lahat ng kalokohan niyan. Ako ang bahala sayo."

Yan mismo ang sinabi sa akin ni Tita.

"You'll regret na napunta ka sa bahay na ito. I will make your life a living hell." Pagbabanta ni Rey.

Napalingon ako dahil kinilabutan ako. Hindi dahil sa sinabi niya kundi sa english niya.

"Hoy, huwag na huwag mo akong iniingles diyan ha. Akala mo hindi kita naiintindihan? Pwes! Hindi!!! Akala mo diyan! PANGET!"

Saka balik sa pag-aayos ng damit na parang wala lang.

***

Sa sitwasyon nila, paano kaya mangyayaring magkakainlaban silang dalawa. 🤔

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE!!!

The Go-Between (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon