COLLISION TWENTY TWO

19 6 0
                                        

[hola_soy_Saros:] Hey Astrid! Click the link I had sent you in your gmail account. You've got to see that!

Chat sa akin ni Saros sa IG ng muli kong binuksan yun dahil nga nagpop sa notifications ko yun. Still, ghost town pa rin yung IG ko, napaka tahimik talaga.

Dahil wala rin namang ibang nag message sa akin o nagcomment sa post ko na kailangan kong pagtuunan muna ng pansin, binuksan ko yung gmail ko sa laptop ko at ni-click ang link na sinend sa akin ni Saros.

"Hello, this is Astrid 38 and I'm a goddess"

Unang bungad nung magplay yung video doon. Siyempre nagulat naman ako dahil medyo creepy nga lang ang mukha ng robot na yun dahil unfinish pa siya. Yung mga wires palang niya at iba pang mga laman loob ng isang robot. Wala pa siyang skin.

"So, I am here with my boss, Sir Joseph Martin." Sabi nito.

Para talaga siyang tao kung magsalita at gunalaw, kahit nga ang pag hawak niya ng camera eh. Hindi mo talaga mahahalata na robot ito kapag tapos na siya. Kung may buhok, balat at damit ito.

"Good evening!" Bati ni Doc.

Para siyang nagvvlog, actually di pa uso sa mga panahon nayun ang vlog eh. Ngayon lng talagang 21st Century nag umpisa yun eh.

Ipinakilala pa niya yung iba pa niyang mga kasamahan na nasa loob ng operating system. Dun ko lang talaga narealize na nasa space center sila dahil may malaking screen doon na galaxy ang display. Ang ganda sobra.

"What about introducing you my daily food?" Ipinakita naman niya yung pagkain niya and actually pagkain talaga ng tao. Kaso nga lang hindi siya pinapakain sa medyo matubig. More like dry foods ang kinakain niya.

Hala, pano yan? Human-like robot at hindi ko akalain na kung ano ang galaw ng tao magagawa niya rin, kahit pagkain nga. Hanep talaga!

"So, my boss just got doing some experiment making an artificial flesh for me!" She cheered up. "Actually, it just made of silicone and sensors that give a real-life look and feel. Don't tell anyone about the secret I had told you, understand?"

Lumapit naman ito kay Dr. Joseph at tinulungan siyang mag tagpi tagpi nito. Para talaga siyang tao, hindi ako makaka get over. Ang astig talaga niya.

"There's Archer!" Sabi niya habang may itinuturo saka naman bumalik ulit sa camera.

"Archer was my playmate, he was an adopted boy together with these four ladies, Sav, Sunny, Sadie and Sam—"

Agad ko naman ni-pause yung video clip at napansin ko nga ambata pa nila. Si Saros yan diba? Turo ko naman sa lalaki na medyo kamukha ni Saros, kaso nga lang naka salamin ito at magulo din ang buhok. I think nasa mga edad niya yan ngayon, not really sure.

"Archer is 15 years old and I have the same age with him. He was born on November 3, 1989" natigilan naman ako sandali.

Seryoso? 1989?

Agad ko naman chineck yung IG ko at binabaha na nga ng chat niya. Marami ang mga sinasabi niya about doon sa video na ni-send sa kin.

[Astengggg]: Hey, 1989 ka pala pinanganak? Pano?

[Hola_soy_Saros]: I don't know, pagkakaalam ko kasi talaga 2002 ako.

[Astengggg]: But this kid really looks like you. Andito rin yung mga pinsan mong sina Sav, Sam, Sunny at Sadie.

[Hola_soy_Saros]: Pero yung naalala ko lang talaga nakasama ko yan sila pati na rin si Astrid 38.

Parang tumigil ang mundo ko nang maflash bigla sa screen yung nilalagyan siya ng flesh, una talaga yung sa mukha niya.

Our Galactic Collision Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang