Prologue

2.8K 65 1
                                    

Pinahid ko ang mga luhang walang pakundangang namalisbis sa pisngi ko habang tinatakbo ko ang kahabaan ng napakalawak na subdivision na ito.

Mas binilisan ko pa ang pagkilos dahil alam kong sa mga oras na ito, alam na niyang umalis ako. Muling kumirot ang puso ko nang maalala ang nangyari, kung paano sila naghalikan sa mismong harap ko. Kung paano niya ako niloko.

Sana sinabi niya nalang na ayaw na niya sakin at kusa naman akong aalis sa puder, hindi ko naman ipipilit ang sarili ko kung nagsasawa na siya. Dahil kaya ko ring kalimutan lahat sa kanya.

Sana hindi ko nalang siya nakilala, Sana bumalik nalang sa dati ang buhay ko. Kahit mag-isa at tanging si nanay Ising lang ang nagmamahal sakin atleast, hindi ako nasasaktan ng ganito.

Hindi parin ako matigil sa pagtakbo sa madilim na bahagi nitong lugar at nagmamasid sa mga tao sa paligid dahil baka may mga tauhan niya ang nandoon at mahuli ako. Nasa parke na ako ng subdivision ng may marinig na mga mabilis na pag-andar ng kotse.

Agad akong napatago sa isang punong-kahoy at napapikit nang rumagasa ang mga kotseng iyon at parang nagmamadali. Tahimik akong nanalangin sa panginoon na sana ay matulungan niya akong makaalis at makalayo kanya.

Alam kong ang kotseng iyon ay lulan ng mga tauhan niya.

Sumilip ako at nang makitang wala na sila ay nagpatuloy ako sa pagtakbo sa tagong parte doon. Medyo may kalayuan ang gate dito.

Hinihingal ako nang marating ang gate at kagyat na nagtago sa isang sulok ng isang bahay malapit doon at  sumilip kung may mga guwardiyang nagtatanod.

Ganoon nalang ang  panlalaki ng mata ko nang makita ang mga tauhan niya na nakaabang na sa labasan. Hawak ang kani-kanilang baril habang alerto at tila may inaabangang dumating.

Nakagat ko ang labi na nanginginig sa sobrang tensyon na nadarama. Tanging itong gate lang ang labasan nitong subdibisyon at kailangan ko munang dumaan sa kanila bago tuluyang makalabas.

Muli kong isinandal ang sarili sa dingding at pumikit.

Ano nang gagawin ko. Kailangan kong makalabas at makaalis sa lugar na ito at makalayo. Gusto kong bumalik sa dati kung saan namumuhay kami kasama ni Nay Ising  ng simple pero masaya.

Hindi yong ganito, yong mas nangingibabaw ang sakit. Akala ko kapag nahanap ko na ang prince charming ko, we will live happily ever after kagaya ng mga kinukwentong love stories sakin ni nanay sa tuwing matutulog na ako.

Pero pinatunayan niyang mali ako, na hindi kagaya ng mga kwentong iyon ang buhay ko. Na kahit anong gawin ko, walang magmamahal sakin ng totoo dahil kahit sariling mga magulang hindi ako kayang mahalin, kahit kilalanin bilang anak.

Para sa lahat Isa akong kahihiyan na pilit tinatago.

"Niles.." anas ko nang sa pagdilat ko nang mga mata ay ang nakakapangilabot na itsura nito ang bumungad sakin.

Nanginginig ito, nagngangalit ang panga at malamig ang tinging ibinibigay na senyales na galit ito, galit na galit habang nakatayo sa tapat ko.

Sinubukan kong umalis pero isinandal nito ang kamay sa magkabilang gilid ko.

Napasinghap ako at maang na nakatingin sa kanya ng suntukin niya ang dingding malapit sa mukha ko. Nanginig ako sa sobrang takot na nadarama at napaiyak na lamang sa bigla.

"Do you really think you can escape?" mahina pero may diing anas nito sa nandidilim na mata.

Napayuko ako at humikbi dahil natatakot ako sa susunod nitong gagawin. Haplos nito ang kamaong dumudugo habang kalmado pero maawtoridad ang bawat galaw nito.

"I really hate the game hide and seek sweety." aniya pa at tinignan ako ng buong tiim. He moved closer na mas kinasiksik ko sa kinasasandalan ko na para bang maitatago ako nito.

"I hate seeking..." He whispered down my ears that made me shiver.

"Because the longer the chase, the more crazier I become to own you." banta nito.

"A-ayoko na.. I want to go home." tugon ko sa gitna ng hikbi.

Iniwas ko ang leeg ng puntiryahin nito iyon.

"You're home now.. with me."

"Gusto ko kina nay Ising. I-ibalik mo na ako doon. Ayoko na dito, ayoko na sayo. " wika ko at umiiyak na tinignan siya. Mas dumilim naman ang anyo nito sa sinabi ko at may mababanaag na kislap ng sakit sa mata nito habang napatingala na lamang pero kagyat lamang iyon at muli ako nitong tinignan ng may ngising nakakapangilabot.

"No.. " matatag nitong sabi.

"You. Are. Mine and there's no way for you to escape Freisha. Akin ka at walang pwedeng umangkin sayo kundi ako lang. I waited long enough just to finally have you and no one can stop me from owning  you even yourself. You have no choice but to be with me. Subukan mo lang ulit akong layasan ng ganito at makikita mo ang kaya kong gawin." mariin nitong wika at hinawakan ako sa ng mariin sa braso bago kinaladkad.








©Eushiba

Invaded By Niles Nograles [ON-GOING]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz