Chapter Three

1.3K 53 17
                                    

"Mag-iingat po kayo nanay." nakalabing saad ko.

"Oh, huwag nang umiyak, nag-usap na tayo hindi ba? babalik ang nanay at babalikan niya ang makulit na Freisha niya." tugon ni nanay na maluha luhang nakangiti at sinakop ang magkabilang pisngi ko at hinalikan sa noo.

Binalingan nito si kuya Thaddius na seryosong nakatingin lang samin.

Maagang dumating ang kuya para samahan ako dahil mag-isa na lamang ako sa pag-alis ni nanay.

"Hatid ko na kayo nay Ising." ani ni kuya na inilingan ni nanay.

"Huwag na iho.. Dito ka nalang at samahan si Freisha." sagot nito.

Nakangiting kumaway si nanay sakin, kumaway naman ako pabalik rito at hindi mapigilan ang pagtulo ng luha habang nakayakap kay kuya Thaddius.

"Nay! Yong pangako mo ah?" hikbing sigaw ko.

Huminto sa paglakad ri nanay pero hindi na lumingon. Hanggang sa nawala siya sa paningin ko ay hindi maampat ang pagtuko ng luha ko.

"Shh.. Tahan na.. Babalik rin si nanay.."

Pagpapatahan ni kuya Thaddius sakin.

"Nandito naman ako, sasamahan kita dito." RinIg kong wika ni kuya Thaddius.

"Sasamahan mo ko?" nakalabi paring ani ko.

Nakangiti itong tumango.

Tumahan naman ako dahil sa sinabi niya.

"Kahit sa paglalaro?" unti unting naglaho ang ngiti nito.

"Paglalaro?"

"Opo. . Paglalaro. Wala kasi akong kalaro matagal na kaya maglaro nalang tayo." Saad ko kaya ginulo nito ang buhok ko bago ako sumagot.

"Sige.. maglalaro tayo." Sagot nitong umiling iling pa.

"Yehey!" nakaangat ang dalawang kamay na tumalon ako.

"But... before that.. kakain muna tayo dahil gutom na ko at Alam kong ikaw rin." saad niya at nangggigigii na pinisil ang pisngi ko.

"Sige po.. Aakyat muna ako para maligo..." turan ko, hindi ko na Ito hinintay pang sumagot at tumatakbong umakyat sa taas.

Mga ilang minuto rin ako sa banyo bago lumabas at nagsuot ng pajama at isang barbie doll shirt.

Agad rin akong pumanik pababa para kumain na at alam kong naghihintay narin si kuya Thaddius.

Naabutan ko si kuya Thaddius na nakatalikod at parang may hinihiwa sa lababo kaya patingkayad akong lumapit rito at pabiglang niyakap ito mula sa likod.

Ramdam ko naman ang pag-igtad nito sa gulat na kinahagikgik ko. Nasamyo ko ang kakaibang amoy nito na kinakunot ko ng noo, mabango ito, napakabango pa nga eh.

Pero iba Ang pabango nito sa nakasanayan kong pabango ni kuya Thaddius.

"Iba na po ba ang pabango niyo kuya?" Tanong ko.

Dahan dahan itong lumingon sa gawi ko kaya agad na napahiwalay ako mula sa pagkakayakap sa inaakala kong si kuya Thaddius.

"S-sino ka? paano ka nakapasok dito? nasaan ang kuya Thaddius ko?" dahan dahan itong humarap sakin at nakita ko ang kabuan nito, unti unting nanlaki ang mata ko nang mapansing kasing kisig at gwapo rin ito katulad ng kuya Thaddius ko.

Agad akong tumakbo paitaas at kinuha ang coloring book ko na may mukha ni Prince charming at dali daling bumaba bumalik sa harap niya at tinapat ang coloring book sa mukha niya at kinumpara.

Invaded By Niles Nograles [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon