Chapter One

2.1K 44 5
                                    


"Freisha! halika na at baka magkasakit ka pa pag nagtagal ka pa sa ulan." rinig kong sigaw ni nanay Ising hindi kalayuan.

Masayang nilingon ko si nay Ising habang nakaabang sa pinto ng bahay.

"Mamaya na po nay Ising, gusto ko pang maligo." Masiglang sagot ko at tumalon talon pa dito sa bakuran nitong malawak na hacienda namin habang dinadama ang ulan na pumapatak sa mukha ko.

Ang sarap talagang magtampisaw sa ulan. Iba sa pakiramdam ang malamig na tubig na ibinibigay nito. Nakakapawi ng lungkot ko at sumasaya ang pakiramdam ko.

Maganda sana kung may kalaro ako habang naliligo kaso wala eh. Wala akong nakikitang tao rito.

Tanging kami lang ni nay Ising ang magkasama sa malawak na lupain na ito.

"Freisha, hindi na pwede. Magkakasakit ka na sa ginagawa mo." Sermon nito kaya wala na akong magawa kundi ang lumapit na rito.

Agad naman ako nitong sinalubong ni nanay ng tuwalya at nilagay sa ulo ko. Siya narin ang nagpatuyo nito habang patuloy akong pinasasabihan.

"Naku! Bata ka bakit ba ang hilig mo sa ulan?"

"Masarap po sa pakiramdam eh." pag-amin ko. Eh sa ang gandang pagmasdan ng ulan eh. Lalo na kapag pumapatak Ito sa lupa at mga dahon sa mga puno. Naiinggit ako at parang magkakasakit pa yata ako kung hindi ako maliligo at panunuorin lang ito.

"Oo na. Itong batang ire." nakangiti ito sa akin.

Kumuha ulit si manang ng isa pang tuwalya at itinapis sa katawan ko.

"Umakyat ka na sa taas at nang makapagbihis ka na." wika nito at tumalikod na. Pinunasan ko naman ang sarili at ang buhok na sobrang basa pa. Mamaya na ako papanik sa taas kapag medyo tuyo na ako at hindi na mababasa ang sahig

"Pupunta mo na akong bayan Freisha ha? Kaya dumito ka muna." Napasimangot naman ako sa sinabi nito.

"Aalis na naman po kayo?" malungkot kong wika.

"Oo, dahil naubusan na tayo ng suplay ng pagkain kaya kailangan munang mamalengke ni nanay. Naiintindihan mo naman iyon Freisha diba?" paliwanag nito. Tinignan ako nito at ngumiti.

Malungkot naman akong ngumiti bilang tugon rito at yumuko.

Ang totoo, gusto ko sumama. Gusto kong makita kong anong itsura sa labas at bakit may naririnig akong ingay doon na umaabot rito. Batid kong masaya doon kaya nais kong makapunta don.

Kahit kailan kasi hindi ako nabigyan ng pagkakataong makalabas at tanging ito lang ang parating nakikita ko.

Masyado kasing malayo ang lugar na ito sa sibilisasyon pero kahit papaano naririnig ko mula sa bintana ng kwarto ko ang ibat-ibang klase ng ilaw na nandoon at Nong minsang tinanong ko si nanay kung bakit hindi ako pwedeng lumabas at tanging siya lang ang pwede, parati nitong sagot ay para raw sa kaligtasan ko.

Pero hindi naman iyon ang pakiramdam ko, pakiramdam ko may hindi Ito sinasabi sakin.

Hindi ko naman namamalayang nakalapit na si Nay Ising sa akin at marahang hinawakan ang baba ko

"Pagpasensyahan mo na kung hindi kita pupwedeng pagbigyan sa gusto mo anak ah? Alam kong matagal mo nang kahilingan ang masilayan ang labas pero hindi talaga pwede eh. Sana maintindihan mo ang nanay ha?" naiiyak man ay sinubukan kong pigilan at tumango na lamang bilang tugon rito.

"Sige na gumayak ka na sa taas at baka magkasipon ka pa." wika nito kaya pumanik na ako.

Nakatanaw lang ako kay nay Ising mula sa bintana ng kwarto ko habang pinagmamasdan itong kinakandado ang tarangkahan. Tumila na ang ulan at aalis na ito papuntang bayan.

Invaded By Niles Nograles [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon