Kabanata 1- Blood

56 5 0
                                    

Nyx' POV

Lunes ng umaga maaga akong pumasok sa University na pinapasukan ko bilang freshman.

Pansin ko ang dami ng mga estudyante dito ngayon sa school grounds.Nagbubulong bulungan sila na animo'y mga bubuyog.Dinig na dinig ko rin ang impit nilang tili.Luminga linga ako sa paligid pero wala naman akong makitang kakaiba.Napangiwi ako at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa unang klase ko.

Nang makarating ako sa room sa second floor panay pa rin ang bulong bulungan ng mga estudyante.Umupo ako sa puwesto ko sa pinakalikod. Pagkaupo na pagkaupo ko umupo agad sa tabi ko si Samara.

"Oi.Nakita mo na ba yung asawa ko?" kalabit nya sa akin.

"Sino naman yang malas na napangasa---

Natigil ako ng batukan nya ako.

"Aray ha! Aray!" sabi ko habang hinihimas ang ulo ko.


"Ina mo naman kasi e. Makinig ka nga ng mabuti."

Umirap naman ako at sumandal sa upuan habang nakahalukipkip.

"Yung bagong estudyante.. usap usapan ngayon. Grabe  sobrang hot nya. Naku kung nakita mo lang para syang artista." aniya at nagtwinkle twinkle pa ang mga mata nyang nakatanga sa kawalan.



Yun lang pala.




OA kasi..


"Anong year na kaya yun? Sana maging kaklase natin."

Dumating ang prof namin at bumalik na si Samara sa upuan nya. Buti naman. Ang ingay kasi ng babaeng yun. Akala mo tindera sa palengke.

"Before we start I want you to meet your new classmate." sabi ng Prof saka ito umubo.


Awtomatikong napabaling ang mga ulo namin sa pintuan. Pumasok ang isang lalaking matangkad. As in matangkad talaga. Itim na itim ang buhok nito at sumasayad ang bangs sa mata. Nakasuot sya ng itim na polo,itim na pants,itim na belt,itim na sapatos,itim na relo,itim na bag at itim na kwintas.


ano kayang paborito nyang kulay?


"Please introduce yourself."

Naglakad sya papalapit sa harap habang nakabulsa ang isang kamay.

"My name is Kalem." aniya.


Napanganga naman kami sa haba ng speech nya. Nag umpisa na naman ang bulong bulungan ng mga babae at iilang tili. May pahampas hampas pa si Samara sa braso ng katabi nyang nerd.


Kawawang bata tsk tsk tsk



Tumikhim ang prof namin at iminuwestra ang bakanteng upuan sa tabi ko na pinaglalagyan ko ng bag ko.

Naglakad sya papunta dito kaya naman tinanggal ko na ang bag ko bago pa nya itapon. Meron kasi syang kakaibang aura.Parang hindi pa sya ngumiti buong buhay nya. Bungal kaya sya?



Pero infairness gwapo naman sya.Maputi ang balat nya na bagay na bagay sa kanyang maitim na buhok.Perpekto rin ang pagkakahulma ng kanyang panga.May pinkish na labi, matangos na ilong at makakapal na kilay.Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang kanyang singkit na mga mata na may gunmetal na kulay.


Tumingin sya sa akin at hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako.


Taena


The Vampire Tales (Editing)Onde histórias criam vida. Descubra agora