Kabanata 13 - Abduction

24 4 0
                                    

Nyx' POV

Araw ng linggo walang pasok kaya naman maagang nagpaalam sa amin si Dad at Amanda na may katransakyon silang kikitain ngayon.

Nagtatrabaho si Dad sa isang kilalang kompanya ng bakal bilang CFO yan ang sabi ni mommy sa akin noon.Pero bukod doon ay may mga business pa daw ito na hindi ko na pinakialaman.

Nanonood kami ng Disney Movie sa sala ni Henriette nang tumawag si Samara.

"Oh." bungad ko.


"Oi Nyx..labas naman tayo."

"Hindi ako pwede.Walang kasama si Henriette." tamad na sabi ko.

"Boba. edi isama mo."

"Bilin ni Dad na hindi kami pwedeng lumabas ngayon."



"Hay naku..sandali lang naman tayo e. Isang oras lang..Boring dito sa bahay."



"Dito hindi naman."



"Edi wow." aniya at pinatayan ako.



Tsk.

Nang mag aalas dose na pumunta ako ng kusina at magluluto na ng lunch namin. Naglabas ako ng isda sa freezer para iprito.Yun lang kasi alam kong luto.


Habang nagpiprito ang isda tumunog ang doorbell.


"Henriette! May tao sa labas.Pakitignan nga!" sigaw ko mula sa kusina.

Narinig ko naman ang pagtakbo ni Henriette patungong pinto.

"Sinong dumating Henriette?" tanong ko habang nasa kusina pa rin at nagluluto.

Walang sumagot kaya inulit ko ang tanong ko.


"Henriette! Sinong nandyan?"

Wala pa ring sumagot kaya napabaling ako sa sala saglit bago patayin ang apoy ng niluluto ko.Inalis ko ang apron ko at nagpunas ng kamay bago naglakad patungong sala.

Nakita kong nakabukas ang pinto pero wala si Henriette.

Lumabas ako ng bahay at nanlaki ang mga mata kong nakatingin kay Henriette na wala nang malay at buhat buhat ng isang lalaki patungo sa isang itim na van.

"Henriette!!" sigaw ko at tumakbo palabas.


"Saan nyo dadalhin ang kapatid ko?!!!" sigaw ko habang tumatakbo.

Mabilis na naisara ng lalaki ang pintuan ng van at humarurot ito paalis.

"Henriette!!!!!!" malakas na sigaw ko habang hinahabol ang van.

May nilipad namang maliit na piraso ng papel na nagmula sa bintana ng van kaya napahinto ako a kinuha ito sa lupa.



"Kung gusto mong makitang buhay pa ang kapatid mo sumunod ka sa akin sa mundo namin."

-Orpheus


Nanginginig ang kalamnan ko sa laman ng maliit na papel.


Hindi.


Beitris' POV

Napahinto ako sa paghigop ng kape dito sa isang coffee shop dahil sa pagtunog ng aking telepono.


Tinignan ko ang tumatawag at nakitang si Nyx ito.

Ibinaba ko ang tasa at agag sinagot ang tawag.

The Vampire Tales (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon