Kabanata 27- Trust

18 2 0
                                    

Nyx' POV

Madilim na at nandito pa rin ako sa gubat.Nakaupo at nakasandal sa itaas ng puno. Tuluyan nang huminto sa pagdurugo ang sugat ko ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang kirot nito.Pumikit ako at dinama ang malamig na pang gabing hangin.

Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?

Bakit kailangan kong danasin lahat ng 'to?

Mag isa sa dilim.Sugatan at naghihingalo.Ano bang nagawa ko sa mundo at ganito ang balik sa akin?


Pwede bang maglaho na lang ako sa hangin?Dahil hindi ko na kaya.Pagod na pagod na ako..

Dumilat ako at pinunasan ang sulok ng aking mata.Tumingin ako sa maliwanag na buwan.Ilang araw na lang at pupula na ulit ito.Wala na akong pakialam kung makabalik man ako o hindi.Kung dito na magtatapos ang buhay ko ay malugod ko itong tatanggapin.Pero bago mangyari yun ay dapat ko munang mahanap si Henriette.Sya na lang ang natitirang pag asa ko upang mabuhay.Sya ang dahilan ng patuloy kong pakikipaglaban kahit katawan ko na mismo ang sumusuko.

Natigil ang pag iisip ko nang may marinig akong kaluskos sa paligid.Humigpit ang hawak ko sa punyal habang pinapakiramdaman ang paligid.Iginala ko ang paningin at mula sa malayo ay nakita ko ang mga bampirang palinga linga sa paligid.May iilan ding nagpapalipat lipat sa mga puno.

Shit.

Oras na ba ng pangangaso?!

Nasagot ang tanong ko nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang may nabuhay sa loob ko.Kasabay ng paglitaw ng mga pangil ko ay ang paglinaw ng paningin ko.Parang biglang lumakas ang kanina'y naghihingalong katawan ko.Dali dali akong bumaba sa kinaroroonan ko at naghanap ng mabibiktimang hayop.

Mabilis naman akong nakahanap kaya agad natugunan nito ang matinding paghahanap ng aking lalamunan.Pinunasan ko ang dugong dumaloy sa bibig ko at ibinato ang walang buhay na usa.

"Nyx.."

Nabaling ako sa boses ng babaeng tumawag sa aking likuran.Nakita kong nakatayo si Adrasteia na malambot ang ekspresyon habang nakatingin sa akin.

"Anong kailangan mo?" malamig na sabi ko nang tuluyan na akong humarap sa kanya.

"Gusto kitang makausap."

"Ano pa bang tawag mo sa ginagawa natin ngayon?" pabalang na sagot ko.

"Marami kang dapat malaman.Hindi kita pipilitin kung ayaw mo pang sumama ngayon.Pero naroon lang kami sa bahay ni Hecate."

I laughed without humor.

"Bakit nyo pa ako kailangang kausapin na sumama kung pwede nyo naman akong pwersahin.O baka naman....natatakot na kayo sa akin." tumawa ako.

Hindi sya umimik at nakatitig lang sa akin kaya nagpatuloy ako.

"Immortal kayo at malalakas na bampira samantalang ako ay isa lang hamak na mortal na naligaw sa mundo nyo.Kaya bakit kayo matatakot?" tumawa pa ako lalo.

"Nyx..makinig ka muna sa sasabihi--

"Bullshit.Makinig?" suminghap ako at bumaling sa kabila."Mas nakakatakot pa ang makinig ngayon kesa mamatay.Alam mo ba yun?"

"Nyx..Pag isipan mo ng mabuti.Sa bahay ni Hecate.Maghihintay kami." aniya pero hindi ko na sya tinapunan ng tingin.

Narinig ko ang dahan dahan nyang paghakbang paatras at ang mabilis na pag alis nya sa harap ko.

The Vampire Tales (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon