Chapter 19

32 4 0
                                    

I like you

"Class dismiss..."

Isinabit ko na ang aking bag sa balikat habang nilalagay ang libro sa braso. Okay, so two homework and a bunch of advance readings para hindi ako kumapa 'pag hindi ko na maintindihan.

I'll get by college, I swear.

Naramdaman kong may kumalabit sa aking likuran kaya napatigil ako sa ginagawa.

"Charlize, sabay ka na sa amin?" yaya ni Angel. Naghihintay na rin sakanya ang kanyang mga kaibigan.

Ngumiti ako. "Okay..."

"Let's go!" She said enthusiastically.

It's an ordinary day again... except that I wasn't with Eissen 'cause they're busy with the games. I'm also tryna be busy for this week para hindi sila masyadong isipin. Ang loner ko siguro tingnan kaya palaging may nag-aaya sakin tuwing kakain.

"Sa kishies tayo," sabi ng isa sa mga kaibigan ni Angel.

"Ano ang sayo, Charlize?"

Pumunta kaming counter upang mag-order. I wish this week would pass by quickly. Hindi naman sa ayaw kong kasama sila pero nakakainis ding puro si Jeremy ang itinatanong nila sakin. Ano bang meron sa lalaking iyon na hindi nila kayang tantanan? He's not that gorgeous!

Okay, he is... but he's more than just a pretty face. The dude has substance and I guess that's why they are so enchanted.

"I heard naospital si Mico. Narinig niyo ba yun?"

Nanlamig ako sa narinig. How... did someone noticed us? May nakakilala ba sa amin? Sa pagkakaalam ko ay kami lang ang naroon at puro mga adult customers. I didn't think that it would reach other people. This is bad.

"May nakakita daw sa kanila. Hindi ko na alam kung sino." Mataman nila akong tiningnan. "Barkada mo si Mico, diba? Is it true, Charlize?"

I coughed to unclog my throat. "Y-Yes..."

Napasinghap sila. Mas pinili kong pagtuunan ng pansin ang pagkain kesa ang mga tanong nila. I don't like where this conversation is going. It's still not a good timing to talk about it. In fact. I don't think there will ever be a time that I'll actually talk about it with other people.

It's our business, not theirs.

"So totoo nga? Oh my gosh, that must've been a commotion. Anong nangyari?" The other girl gasped as she asked me.

I shrugged it off. "Just a misunderstanding..."

"Misunderstanding? May naospital na isa sainyo. It's just not a normal quarrel. I heard na may pinag-aawayan silang babae from the other department."

I swallowed hard. My throat is trying to act up on me.

"Anong mangyayari kung nag-spread dito sa school? Mukhang 'di magugustuhan ng dean natin 'to."

Now, I wish they'd go back on asking me about Jeremy. Ayokong pinag-usapan ang isyung iyan. Mas lalo ko lamang naaalala ang mga masasamang pangitain sa nakaraan. I need to see my therapist again for this. She said it's not good to face it then suddenly turn down on it.

"Who would even want to tell? Do you know the punishment sa mga ganyan?"

"It could lead to expulsion. Madadawit din ang school natin. Were they in their uniform?"

"Oo yata. So this could mean trouble..."

Padarag kong binagsak ang kubyertos dahilan para tumigil sila sa kakasalita. I let out a soft breath to calm myself. This is not healthy for my condition.

All I'll Ever Be(AIE Series #1)Where stories live. Discover now