Chapter 29

22 1 0
                                    

Pandora's Box

Hindi pa rin matigil ang kabog ng puso ko. He knew what? What was that talk all about?

Bumalik ako sa loob habang iniwan siyang nakatayo dun. He's confusing me more... what should I do? Kasasabi ko lang na hindi ko alam ang dapat kong maramdaman para sa kanya. Dahil hindi ko naman talaga alam.

So, why the heck would he do that? More importantly, why did he have to kiss me? Again?

Napahilamos ako. Argh!

"Oh, Charlize!" tawag ni Jeremy sakin nang makita ako.... somehow, I'm blaming him for what happened. "Tapos na kayo?" 

I glared at him. Of course, he knew that he'd be there. Hindi ako makapaniwalang pinaubaya niya ako kay Mico nang mag-isa gayong andito ang jowa ng lalaking yun... not to mention that his girlfriend is a psycho.

"Para saan yan?" tanong niya sa masamang tinging ipinupukol ko. 

"Hindi ka bumalik sa labas," malamig kong sabi. 

He responded with a shrug. "He said he wanted to have some alone time with you."

"But you know it's wrong," pagod kong sambit. Ngayon ay kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko. What did Mico mean when he said that he knew all along?

I don't like him! Or maybe I do... Ah! Hindi ko alam.

"What is?" He drank his cup after he spoke.

"He has a girlfriend..."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Wala naman kayong ginagawang masama. Nag-usap lang naman kayo diba?"

Napahilamos na lang ulit ako ng mukha dahil sa kanyang sinabi. Kung pag-uusap ba ang matatawag dun ay walang nilalang ang maniniwala. He freaking kissed me and took advantage of my confusion. That's not how you talk!

"Charlize?" nanghihinalang tawag niya. Nakita ko namang sumingkit pa ang kanyang mata. "Anong nangyari sa labas?"

"Something that shouldn't have happened," I whispered... harap-harapan niyang pinaparamdam sa girlfriend niyang hindi niya ito mahal.

Nanlaki ang kanyang mata. "Anong ibig mong sabihin? Anong ginawa niya sayo? Sinapak ka ba?"

"No!"

"Then what?"

"Nevermind." I sighed. I waved my hands in front of him gesturing that it's nothing. "Just... hand me one of those beers."

Inilayo niya sakin ang isa nang akmang aabutin ko. Ano na naman bang problema niya? I'm having an existential crisis right now... saka pa dumagdag si Mico at mas lalong ginulo ang sitwasyon. O ako ba ang nagpagulo?

"Kumain ka nga muna..." He clicked his tongue at me before he passed me a plate. "You're weirding everyone out. Sumapi ba si Ian sayo at sabik na sabik ka sa alak?"

"Hindi ko na alam," ang tanging nasabi ko. Kumuha ako sa nakalatag na pagkain. "What did you tell them?"

I was pertaining my sudden burst of randomness and decided to back away from them a few minutes ago. Wala akong sinabing kung ano at umiwas sa kanila habang may hawak na alak.

"That you're losing it and no one should bother you," Aniya habang minamasid ang mga pagkain dahil hindi siya makapili kung anong kukunin.

Siniko ko siya sa tagiliran habang may nginunguya. "Thanks, bro."

"Don't mention it..." Saka niya ako nginitian.

Kaya pala hindi nila ako pinagkakaguluhan ng mga tanong... I appreciate it. Gusto ko na lang manahimik sa isang gilid. Pero kapag ginawa ko naman yun ay mababaliw naman ako sa kaiisip. I don't know where I should stand anymore. 

All I'll Ever Be(AIE Series #1)Where stories live. Discover now