03

108 9 7
                                    

inis na binato ni seonghwa ang kaniyang cellphone. hindi niya alam kung bakit ba siya nagagalit eh si hongjoong naman yung kausap niya.

"sinabi ko naman ba kasing tulungan ako? hindi naman diba?" tanong ni seonghwa sa kisame ng kaniyang kwarto. maya-maya pa eh sunod-sunod na katok ang nagpabangon sa kaniya.

nang buksan niya iti ay mukha ni jongho ang bumungad sa kaniya na may dala-dalang dalawang supot na naglalaman ng iba't ibang mga pagkain.

pinapasok siya ni seonghwa at agad namang sumalampak si jongho sa lapag ng kwarto nito. malambot at komportable kasing maupo sa lapag ng kwarto ni seonghwa dahil na rin sa carpet na pinalagay niya noong nagrenovate siya ng kwarto niya.

inabutan siya ni jongho ng isang canned soda at maliit na ngiti lamang ang isinukli nito sa kaniya.

"nag-away kayo ano?" tanong ni jongho. naubo naman si seonghwa dahil sa pagkakasamid. "hay nako, ang tatanda niyo na pero daig niyo pa bata kung mag-away. nabasa ko naman na yung chat niyong dalawa, don't worry."

"eh bakit kailangan mo pang tanungin kung nag-away kami?" tanong ni seonghwa na puno ang bibig dahil sa pagkaing nginunguya niya.

"i just have to make sure," sagot ni jongho. "hindi naman ako kasing talino ng deity ko para malaman ang lahat. kurot nga lang ang napunta sakin eh. alam mo ba?"

"hindi."

jongho rolled his eyes. "i feel like hindi ko talaga deity si athena."

kumunot ang noo ni seonghwa.

"bakit naman? dahil ba hindi mo siya kasing talino?"

umiling si jongho. "feeling ko hindi lang siya. i meam she's an all-rounder goddess. that's not a doubt. pero may kakaiba pa rin kasi akong nararamdaman eh."

"a force?" tanong ni seonghwa na kumuha ng plato sa kusina para ilagay ang maliit na cake na dala-dala ni jongho. "whatever it is, you're still a dmeigod. at dapat i-treasure mo yon kahit sino pa man ang maging deity mo. but i'm sure na proud sayo si lady athena kahit anong mangyari."

"eh ikaw," napatingin si seonghwa sa kaniya. "may hunch ka ba kung sino deity mo?"

nagkibit-balikat si seonghwa. "i don't know. halos dalawang taon ko na ring hinihintay na lumabas ang demigod ability ko. ni hindi ko pa nga maabot ang divination eh."

kumuha ng slice si seonghwa sa cake at binuksan ang tv.

"watching you guys from afar, habang nag-te-train kayong pito sa olympus; mukha akong kawawa. i mean, i know to myself that my blood is gold ang hindi ko lang malaman eh kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano bang abilities ko. or who my deity is."

frustrated na nilunok ni seonghwa ang cake na kinain niya. maya-maya pa eh bigla siyang namilipit dahil sa sakit ng ulo.

"AHHHH!" malakas na sigaw ang lumabas sa bibig ni seonghwa. si jongjo naman eh hindi alam ang gagawin.

hanggang sa hindi na nagalaw si seonghwa.

unclaimed | ateezWhere stories live. Discover now