●CHAPTER44○

512 13 1
                                    

●A NERD CHANGED INTO A GANGSTER QUEEN○

「Xindrey's」(POV.)

Andito kami ngayon sa aming klase ng bigla na lamang kaming nakarinig ng sigawan sa kabilang room na malapit saamin.

"What's that noise?" Tanong nila daexine na ngayon ay nakikipag unahan sa mga ibang estudyante dito sa amin upang alamin kung anong nangyayari.

"That nerd! Nagsisimula ng gulo dito sa paaralan natin!"

Nang marinig namin yun kaagad na din kaming nakipag siksikan patungo sa kung saan nanggagaling ang ingay.

Sa field

Nagulat kami ng makita na namin kung sino ang sangkot dito sa gulo.Pero mas nagulat kami saaming nakikita ngayon,hindi lamang kami nila daexine ngunit lahat ng nakakasaksi ngayon.

Si scarlet  na puno ng dugo sa buong katawan niya.

Habang nakaluhod sa harapan ng apat na babaeng nagtatawanan.

Nang makita ko ang timba na may lamang dugo sa gilid ng apat na babae, ewan ko kung anong dugo ito ngunit bigla na lamang sumagi sa isipan ko na binubully siya ng ibang mga estudyante dito sa loob ng paaralan dahil ang iba dito'y di nila kakilala kung sino ang binabangga nila.

"Scarlet!" Kaagad na sigaw namin ngunit bago pa kami makalapit unti-unti siyang tumayo at unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo na parang walang nangyari!

"Yun na ba yun?" Kalmadong tanong niya at saka ngumisi sa apat na babae sakto lang na nakapagpahinto sa tawanan nila.

"Kulang pa yun sayo ha?" Sagot ng isa at yung iba naman tuluyam ng hinawakan si scarlet sa magkabilaang braso àt yung isa naman hinawakan ang buhok nito upang mas iangat ang mukha niya sa kaharap niya.

Lalapit na sana kami ng sinenyasan kami nung kasama ni scarlet which is clark na huwag  at hayaan na lamang namin siya.

Hindi maipagkakaila ang pag aalala namin.Ano ba kasi ang nangyari?

「Clark's」(POV.)

Papunta na sana kami sa aming klase ng biglang may humila sa kamay ni scarlet na ikinagulat ko.

"What are you doing!" Sigaw ko sa babaeng nanghila kay scarlet ngunit hindi niya ako pinansin at dere-deretso lamang ang paghila nito sakanya hanggang sa field.

Tiningnan lamang ako ni scarlet na hayaan ko lang at sinunod ko na lamang siya.

Naku! Mapapa trouble pa yata si queen  dito.

"Ang mga kagaya mo ay nararapat sa ganito!" Saka ulit siya binuhusan ng dugo. Ngunit nanatili lamang kalmado ang mukha niya habang nakapikit ngunit ramdam mo ang itim na awrang dumadaloy ngayon sakanya.

Ayan na naman siya

Alam kong pinipigilan mong manakit  ngunit hindi mo ito mapipigilan queen.

Sa susunod na buhos sana ay bigla niyang pinigilan ang kamay ng isa sakanila na nakahawak sa timba kasabay nun ang pagbukas ng kanyang mga mata habang nakatingin ng deretso sa mata ng babae na wari'y pinapasok niya ang pagkatao nito.

"I told you, don't mess with me." Saka niya ito ginawhan ng galaw na si scarlet at ng kahawak niya lamang ang makakaalam , ngunit hindi ito nakaligtas sa paningin ko bagkus alam ko ang galaw na yun.

Ang paghawak niya sa kamay ay ang pasimpleng pag bale na pala niya ito na magiging sanhi ng pananakit at pangingirot na konektado sa buong  katawan niya, ang galaw na yun ay isa sa mga itinuro saamin ni master khan. Hindi mo ito masusundan o mahahalata ngunit mararamdaman mo nalang ito pagkatapos.

A NERD that turns into a GANGSTER QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon