●CHAPTER47○

815 23 30
                                    

●A NERD CHANGED INTO A GANGSTER QUEEN○

「Rae's」(POV.)

"Hindi ako sasama sa abroad mom."

"No way! Ilalayo ka na nami---"

"Para ano? Para takasan yung nakaraan ? Hayaan niyo nalamang po ako sa kung ano ang gusto ko..."

*sighed*

Mahirap humarap sa takot. Lalo na kung hindi mo gaano kakilala ang mga nasa paligid mo.Hindi mo alam kung anong iisipin nila, at mas lalong hindi mo alam kung sino sila sa buhay mo.

Ito ang naramdaman ko pagkagising ko,

'Parang panaginip lang ang lahat ng nakaraan ko tapos paggising ko hindi ko na matandaan'

Until.... I met him ...again

Akala ko sa pangalawang pagkakataon makakalimutan ko na siya..

Makakalimutan ko na kung sino siya

Yung pagkatao niya,

Yung kunģ papaano siya magsalita,

Yung boses niya,

Yung bawat pagngiti ng kanyang mga mata habang nakatingin saakin.

'At yung kung papaano ko siyà minahal.'

Hindi ko pala makakalimutan.

Hindi ko pala matatakasan

*flashback*

"Gaano ko kakilala si ace?"  Sambit ko kay scarlet. Andami na palang nangyari noong wala ako.

Parang parehas kaming nagbago ni scarlet...parehas nawalan ng taong mahahalaga sa buhay namin.

"Malalaman mo rin." Maikli lamang niyang tugon sakin habang nakaupo siya at nakapikit ang mga mata nito.Andito ako ngayon sa bahay niya.Dito ko din nalaman ang lahat-lahat ng pagkatao ni scarlet.

Napabuntong hininga na lamang ako at saka ko kinuha ang cellphone na kung saan may litrato siya sakin.

"A-ahh..."munting daing ko dahil biglang nanakit ang gilid ng ulo ko kaya bigla ko itong hinawakan.

"Hey, what's wrong?.." saka mabilis na lumapit si scarlet at nag-aalalang tumingin sakin.

Nanunumbalik ang mga ala-alang pilit kong kinalimutan.

"W-what was t-that?..." ngunit parang sa sarili ko lang ito sinabì dahil bigla akong niyakap ni scarlet..
"Ssshhh.." doon ko napagtantong umiiyak na pala ako..

Nakakita ako ng mga eksenang dapat diko na naalala, yun yung birthday ni a-ace....araw kung kailan ko siya iniwan.

Kinagabihan sinubukan kong alalahanin ang lahat ngunit napupunta lang ito sa pagsakit ng ulo ko.

Andito ako ngayon sa park, dahil isa ito sa mga nakikita ko kaya kaagad kong pinuntahan.

"Don't force yourself."  Bigla akong natigilan at tumingin sa likod kung saan nagmumula ang tinig na ito..

Si ace....

Kunot noo akong napatitig sakanya at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala niya.

Papalapit siya ng papalapit hanggang limang metro na lang ang layo ko sakanya.

"Sino ka ba talaga?"

Pero lumapit lang siya saakin...andun na naman yung kaba sa aking dibdib.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A NERD that turns into a GANGSTER QUEENWhere stories live. Discover now