MIH-23

8.6K 215 10
                                    

Red's POV


"Para saan kaya ang meeting na ito, Ma'am?" tanong ni Dana sa tabi ko habang may hawak na tablet.


"We'll find out later." sabi ko na prenteng naka-upo sa tabi niya.


Nakatanggap ako kanina ng tawag galing kay Dana. Sabi niya may meeting daw with the president of the organization of all the clothing lines here in the Philippines. Well, sa loob ng isang taon eh isang beses lang naman nagkakaganito. I have an idea about this meeting.


We were in a hall.


Ilang sandali ay nakita kong pumasok ang speaker para sa meeting na ito. May mga kasama itong mga may-ari rin ng mga clothing line dito sa Pinas. Napakunot ang noo ko ng naging pamilyar sa akin ang isang babae na kasama nila. Umayos ako ng upo at hindi tinanggal ang mga titig sa kanya. Nang nakalapit na sila ay roon ko na napagtanto kung sino ang babaeng iyon.


Kezeniah.


Oh damn, pareho pala kaming nasa field na ito. Bakit pa ako nagulat? Naka suot siya ngayon ng isang sleeveless fitted dress na kulay acid gray at nakalantad ang mga mapuputing hita nito na mayroong slit sa gilid. She looked like a model with a perfect body, perfect height, angelic face, and the attitude was so fucking off-limits. Hindi na ako nagtaka pa kung bakit naging girlfriend ito ni Perseus, kahit sino sigurong lalaki ay pinapangarap na magkaroon ng girlfriend na kagaya niya.


Oops, sa mga lalaki lang na nagbabase sa physical appearance.


Umupo ito sa harapan at hindi siguro ako nito nakita rito pero expected naman siguro niya na nandidito ako ngayon sa meeting na ito 'di ba? Alam niya na may-ari rin ako ng clothing line.


Ilang sandali ay nagsimula namang mag-salita ang speaker sa stage.


"We're raising a fashion show. Since the fashion show, last year was postponed and we know that all of you are ready for this, right? So the fashion show for this year will be on the last week of this month. To avoid the cognition of each design, kindly show the sketches first beforehand your models wear the dresses. The adjudicators we already picked for this event came from different countries. We already picked the clothing lines who'll join the event. Mr. Ducas will announce the 10 clothing lines who'll join." mahabang saad ng speaker.


As I'd expected. Last year, my clothing line won kaya dapat this year manalo ulit. I was confident though. Nagsimulang ini-announce ni Mr. Ducas, the co-founder of this event, ang sampung clothing lines na sasabak sa kompetisyon.


"Zendee, Duchovny, Acosta, Altaf, and lastly the clothing line who won the last event, Red." Tawag niya sa limang natira.


Nakita ko ang paglinga-linga ni Kezeniah kaya napangisi ako.


I'm here, bitch.


Nang nagtama ang tingin ay nginitian ko siya ng peke. Nakita ko kung paano kumurba ang kilay nito pataas kaya mas lalo akong napangiti. Galit na galit? Gusto manakit? Hahaha!

My Instant HusbandWhere stories live. Discover now