IT'S A DEAL?

246 34 28
                                    

"AFTER ALL THIS TIME–ALL THESE YEARS–YOU AND I HAVE HISTORY. I KNOW WHAT YOU THINK OF ME. YOU THINK I’M JUST A DOLL. A DOLL THAT’S PINK AND LIGHT. A DOLL YOU CAN ARRANGE ANY WAY YOU LIKE. YOU’RE WRONG. VERY WRONG. WHAT YOU THINK OF ME IS ONLY A GHOST OF TIME. I AM DANGEROUS. AND I WILL SHOW YOU JUST HOW DARK I CAN BE"-HARLEY QUINN✨

×××

LINDSEY'S POV


Hindi ako makapaniwala na pumayag akong pakinggan sya. Hindi naman siguro masama kung susubukan. Baka maganda ang sasabihin nya at makatulong sa pag galing nya.

Napangiti si Marku Hades matapos kong pumayag sa alok nya. Hindi ko inaasahan na papayag ako pero nasabi ko na. Ang kailangan ko na lang gawin ay siguraduhing maging rational sa kilos at salita ko sa susunod.

"Thank you, Lin. Maganda tong deal na ito. Hindi ka magsisisi."sabi nya na may halong kasiyahan sa boses nito.

" So what is it?" hindi ko na matago ang pagkainip ko sa sasabihin niyang deal.

"Gusto mo kong makilala at matulungan diba?" tanong nito. Tumango lang ako at hinintay ang iba pa nyang sasabihin.

"I guess if I am going to tell you my horrible dark secrets, e dapat may makuha rin ako sayo. Right?" itinaas nito ang kanyang kamay sa ibaba ng kanyang labi at dume-kwatro ulit. Waring pinag-aaralan ang mga galaw ko.

"At ano naman ang kapalit?" nag-aalangan kong sagot sa kanya.

"Tell me your secrets and I'll tell you mine." pabulong nitong sinabi habang tumitig sakin ng matagal. Nangungusap na namn ang mga mata nya.

"No, not gonna happen" mabilis kong sagot sa kanya. Tumawa naman ito at inalis ang tingin sa aking mata at bumaba ito sa labi ko.

"If that lips won't tell me any secrets, then my own lips is sealed. Take it or leave it, Lin." sumeryoso ang muka nito at muling pinagmasdan ang aking mga mata.

Bahagya kong Inayos ang aking pagkakaupo at sandali ko syang tinignan. Sinilip ko ang orasan na sa ding-ding. Magdadalawang oras na pala kaming nag-uusap. Kailangan ko ng tapusin to.

Ramdam ko na rin ang pagod. Para bang lahat ng energy ko ay nawala. Nakakapagod talaga ang trabaho kong ito.

Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko.

Hindi nmn siya makakatakas dito sa facility at ipagkakalat ang sikreto ko diba? Isa pa, hindi naman lahat sasabihin ko. At pwede rin akong mag sinungaling.

Parang nabasa nya ang takbo ng isip ko at biglaan ito g nagsalita.

"And if you're planning to create bullshit stories para may masabi kang sikreto sa akin, you better think twice. If I caught you lying, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo" maríin nyang idinagdag. Nangilabot ang aking katawan. Somehow, alam ko, tototohanin nya ang bantang iyon.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ko mahanap ang boses ko at sabay sabing, "It's a deal."

"Well then, miss Lin. We have a deal." ngumisi sya at tinignan ang orasan. "Tapos na ang dalawang oras, Lin." dagdag nito.

Mabilis kong Inayos ang asking sarili at tumayo sa aking upuan. "Very well Patient 54. See you on the other day." pormal kong sinabi sa kanya. Hindi ko na inantay ang sasabihin nito at binuksan ko na ang pinto.

Narinig ko na lamang ang mahina nitong pagtawa.

Nakalabas na ako ng pinto at agad namang pumasok sa pinto ang 10 militaries at isang doctor. Grabe, 10 malalaking tao ang nagbabantay sa kanya? Talagang mapanganib ka si Marku Hades, kailangan kong mag-ingat.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang naglalakad papalayo sa ward ni Marku Hades. Sobrang napagod talaga ako sa mga nangyari.

"Rough day?" nagulat ako ng biglang nasa tabi ko na pala si Major Scott.

"Ahm, Major Scott ikaw pala." napatigil ako sa palalakad at  ngumuti ako sa kanya. "Ano ka ba, Scott na lang. Parang hindi naman tayo mag kakilala nyan e." pangungulit nito.

Si Major Scott Ravenclaw ay ex ko nung highschool. Magkahiwalay kami dahil masyado pa kaming bata noon. Isa pa, plano na nyang pumasok sa military. Sya ang first love ko. Pero ngayon, wala na kong nararamdaman sa kanya kundi respeto bilang kaibigan.

"Nasa work tayo, syempre Major ang itatawag ko sayo. Pero sige, Scott." ngumiti akong muli para pagaanin ang bigat na nararamdaman ko. Napagod talaga ako sa pag kausap kay Marku Hades.

Bat ko na namn ba sya naiisip?

"Balita ko, ikaw daw humahawak kay Patient 54? Ingat ka Linds. Hindi basta basta si Marku Hades." payo nya sa akin habang may pag- aalala sa mga mata nya.

Hinawi ko ang buhok na nasa aking muka at isinuksok ito sa ilalim ng aking tenga. "Alam ko, Scott. I'm trying my best para di mapasailalim ng spell nya." pabiro kong sabi.

Napahawak sa batok si Scott at mukhang nag iisip kung sasabihin ba nya sa akin ang gusto nyang sabihin. Agad ko namang napansin iyon, na parang kinakabahan sya at nag aalangan. Kaya' t ako na ang nagtanong sa kanya.

"May problema ba, Scott? Balisa ka ata." agad kong sinabi iyon sa kanya.

"Linds, alam kong sinabihan mo na ako na tumigil na. Pero hindi na ba talaga pwede?" pagmamakaawa nito sa akin habang hinawakan nya ako sa kamay. Nagulat ako sa sinabi nya.

Ilang buwan na kasi ang nakalipas ng magkita kami dito sa facility. Agad nya akong kinausap noon at nakibalita kung kamusta na ako. Sinabi nya rin sa akin na hindi nya nakalimutan yung pinagsamahan namin.

Tumanggi ako noon na i-elaborate pa nya ang feelings nya para sa akin dahil wala na akong nararamdaman para sa kanya. At isa pa, kami na ni John non.

Marahan kong inalis ang aking kamay sa pagkakahawak nya. Umiling ako at yumuko. "Scott, tapos na yung sa atin. Alam mo naman na may John na ako." sagot ko habang hindi makatingin sa kanya.

Bumuntong hininga siya. "Maghihintay ako, Linds. Hanggang pwede kana." sabi nito sabay hawak sa balikat ko. Ngumiti lamang ako.

Kaunting minuto pa kami nag-usap at nagpasya na kong mag-out sa facility.

Dalí Dalí akong pumunta sa aking opisina at Inayos ang aking gamit. Gusto ko na talagang humiga dahil sa pagod.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng facility at pumunta na parking. Chineck ko ang phone ko bago paandarin ang kotse. Wala pa ring paramdam si John.

Dismayado man ay pinaandar ko na ang sasakyan ko.




NOTE‼️‼️‼️

I'll SUPPORT BEGINNER WRITERS AND FOLLOW THEM. JUST COMMENT "LOVE IT" AND I WILL AUTOMATICALLY FOLLOW YOU.

My Lover is a Psychopath Where stories live. Discover now