Chapter 2

17 1 0
                                    

ACEE'S P.O.V.

Nang makita ko sina Hylene at Eiryn sa labas ng Classroom namin ay lumapit kaagad ako sa kanila. Halatang masaya ang pinag-uusapan nilang dalawa dahil sa malapad na ngiti ni Eiryn na parang nag-iimagine ng kung ano at si Hylene naman na tumatawa.

Ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawang 'to?hmmmm.

Nung tuluyan na akong makalapit sa kanila ay dun ko lang narinig ang pinag-uusapan nila.

"Grabe talagaa yung kagwapuhan niya! Nakakahulog ng panty!" Sabi ni Eiryn habang nakatingin sa malayo na parang nag-iimagine pa.

"Hahaha Jusko! First day na first day, mamimingwit? Hahahahaha!" Komento ni Hylene at ngumuso naman si Eiryn at tinarayan ito.

Si Eiryn Nile Romez ang pinaka-creative sa aming tatlo. Kaya naman napakalawak ng imagination niyan pati tao, iniimaginine niyan.

Di naman siya malandi pero masasabi nating ma-appeal siya like sa sobrang ganda niya, as in SOBRANG GANDA, at yung attitude niya, halos lahat na lalaki na makasalamuha niya, hulog sa kanya pati babae nahuhulog din. Pero kahit na may nagkakandarapa sa kanya, di niya ito pinapatulan. Pwera na lang kung bet niya ang isa HAHAHAHA. And truth be told, sa dalawang lalaki pa lang siya nahuhulog.

Si Lyna Hylene Talizo naman ay yung pinaka-sociable sa aming tatlo. Halos lahat ng tao sa campus, kilala niya at nakakasalamuha niya. Isa sa dahilan ay tumatakbo siya bilang isang Grade Level Representative ng School Council at siya yung Chairman. At isa pa ay napaka- DALDAL niya. Mahilig magkuwento ng kung anu-anong kina-iinterasan niya kuno kaya paminsan minsan off-topic na yung usapan.

Minsan Joker rin daw siya pero wala sa hulog yung mga joke niya kaya tawa na lang kami kahit di namin gets. At least nag-effort magpatawa kaya respect na lang HAHAHAHHA.

At ako naman si Acee Kian Cruz. Ang pinaka-mabait saming tatlo. By 'MABAIT', I mean the OPPOSITE. Medyo maldita ang pag-uugali ko at pala-away ako. Attitude kumbaga. Pero nagiging ganyan lang ako pag nakakita akong may gumagawang mali at INTENSYON na gumawang mali. Lalo na sa oras na may sumisira sa mga kaibigan ko. Minsan nang nabigyan ng issue si Eiryn dahil 'nilandi' daw yung boyfriend ng isang ateng at sinubukan kong lutasin ang issue at teh, di naman pala mag-jowa, kung maka-selos at magbintang, kala mo asawa kaya ayun, napahiya siya sa sarili niyang kagagahan. Di na talaga siya magiging crush ng 'boyfriend' niya kuno.

Mabait naman talaga ako to be honest, lalong lalo na sa mga kaibigan ko at kay Mama. Mahaba kaya ang pasensya ko. Basta huwag lang isiping simutin ito dahil kung naubos ito, guguho ang mundo.

Another fact about me is that I'm a silent person. Tahimik lang ako sa tabi pero nakikinig ako. Ang maingay lang ay yung utak ko kaya eto. Minsan lang akong magdaldal kung kailangan HAHAHAHAHA.

Balik tayo sa kuwento...

Kahit na nakalapit na ako sa kanila ay di pa rin nila ako napapansin kaya....

(- - ,)

Pumunta ako sa likuran nilang dalawa nang walang ingay para di nila napapansin ang presensya ko at dahan-dahan akong pumunta sa gitna nila at pabiglang inakbay sila.

"SINO 'YANG PINAG-UUSAPAN NIYO?" Napatalon sa gulat silang dalawa. Tawa lang ako ng tawa dahil sa sobrang pagkagulat nila, pati expression ng mukha nila NAKAKATAWA.

HAHAHAHAHAHAHA

"ACEE!!" Inis nilang nilingon ako at binatukan.

"Aray! Naman eh! Ginulat lang kayo, batok ba naman ang ganti?!"

The Crystal Guardian (Under Revision)Where stories live. Discover now