Chapter 7

9 1 0
                                    

ACEE'S P.O.V.

Days passed and the first week of school ended. It's now Sunday Morning and I'm just laying down on my bed habang hinihintay sila Hylene at Eiryn.

Gagala sana kami ngayon pero tumanggi ako kasi tinatamad ako kaya tatambay na lang sila dito samin. Kahapon rin sana kaso may family bonding si Hylene at nalipat ngayon. Habang hinihintay ay naligo muna ako ng saglit.

Habang tinutuyo ko ang katawan ko sa harap ng salamin, napansin kong medyo nago-glow yung birthmark ko. Tiningnan ko ito pero nawala na ang liwanag. Tiningnan ko ulit sa salamin pero di na ito lumiwanag.

(.O     O)

(.>     <)

(.O     O)

Weird...

Habang paulit-ulit kong tingnan ang birthmark ko ay biglang kumalam ang tiyan ko.

Ahh... gutom lang pala iyon.

Hays... kala ko kung ano na. Gutom lang pala ako.

Dinalian ko na ang pagtuyo sa aking katawan at pagbihis. Pagkatapos ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina at doon nakita ko si Manang Rosa na naglilinis ng lababo.

"Goodmorning po, Manang Rosa!" Bati ko at umupo na sa bilog na silya sa may Kitchen Counter.

"Oh! Magandang umaga rin hija," Bati ni Manang Rosa Pagharap niya sakin. "Gutom ka na ba? Sandali lang at ipaghahanda rin agad kita," Sabi ni Manang havang pinagpatuloy ang paglilinis niya niya.

"Take your time lang po hahaha," Sabi ko at tiningnan ang orasan.

8:36 pa lang at 9:00 yung napag-usapan nilang pagpunta dito.

And knowing them, Filipino time ang ganap nung dalawang 'yon. Hays...

Maya-maya ay nagsimula nang magluto si Manang ng Sinangag with Scrambled Eggs at sa amoy na nalanghap ko ay kumalam nananman ang tiyan ko.

"Asan po si Mama?" Tanong ko.

"Umalis para mgtrabaho. Nagmamadali nga umalis kanina kasi may importanteng meeting daw," Sagot naman ni Manang Rosa.

Usually, pag Sunday ay day off ni Mama para magpahinga pero ngayon ay mukhang importante talaga ito para hindi tanggihan ang meeting. Pero kung aalis man si Mama pag Sunday ay sasabihin niya sakin beforehand.

Biglaan yata...

"Mhmm," sagot ko na lamang.

*PHONE RINGS*

Narinig kong tumunog yung cellphone ko kaya dali-dali ko itong tiningnan at nakitang tinatawagan ako ni Mama.

"Ma! Napatawag po kayo... May naiwan po ba kayo?"

[Huh? Wala naman. Nakalimutan ko lang ipaalam sayo na aalis ako.]

"Eto na almusal mo, hija," sabi ni Manang Rosa habang linalapag sa harapan ko yung pagkain.

"Thank you po," pasalamat ko. "Ano po ba meron? Emergency po ba iyan sa trabaho niyo?" Tanong ko uli kay Mama sa cellphone.

[Hahaha hindi naman ito tungkol sa trabaho ko. Kinontact kasi ako ng kalapit kong kaibigan noong magsisimula pa lang akong magtrabaho, si Clariza, dahil napadaan daw siya dito sa bayan natin at matagal-tagal na rin nung huli kaming magkita kaya eto ako ngayon at kasama siya.]

The Crystal Guardian (Under Revision)Where stories live. Discover now