Chapter 3

8 1 0
                                    

ACEE'S P.O.V.

Nagpatuloy si sir sa pag-arrange sa amin and sadly, napalayo sakin sina Hylene at Eiryn. But what's worse ay katabi ko pa yung lalaking nakabanggaan ko kanina!

Di ko talaga inakalang magiging kaklase ko itong lalaking 'to!

Bakit ba di ko tiningnan yung kulay ng necktie niya at mukha niya talaga ang inuna?! At least pag ganon, malalaman kong kasing grade-level ko siya! Tsk!

Kadalasan kasi na may nadadaanan akong student ay tinitingnan ko muna ang kulay ng necktie or ribbon tie nila para malaman ko kung anong grade level sila. Malay mo, makabangga ako ng grade 11 or 12 tapos parang trinato ko lang sila na lower levels at isiping bastos na bata ako...

(.> _<)

Sa kasalukuyan ay naka-upo na kaming lahat at may sinasabi pa si Sir Lee about sa school rules and regulations pero wala kay sir ang atensyon ko kundi dito sa katabi ko na si Jin. Gusto kong mag-sorry ulit nang dahil sakin, na-late siya kaso pano ba?

(.> _<)

Paminsan-minsan ay palihim ko siyang tinitingnan at ino-obserbahan ang bawat galaw niya sa kung ano ang ginagawa niya. At isang beses ay muntik na niya akong mahuli na nakatingin sa kanya kaya mas naging careful ako sa pasimpleng pagtingin sa kanya. Sa peripheral view ko ay makikita ko rin sila Hylene at Eiryn na palihim na nakatingin sakin err.. sa kanya? at ngingisi-ngisi.

Naka-upo kasi sila sa 2nd row to the last at magkasunudan lang sila ng upuan sa huling parte kaya pag tumingin ako kay Jin ay makikita ko rin yung dalawa. Pero di ko sila pinansin dahil naagaw talaga ang atensyon ko ng lalaking ito.

Ops! ops! ops! Gusto ko lang mag-sorry kaya ganito ako! Wala akong gusto diyan! Psh! Ano to? Wattpad?! May nakatabi lang na gwapo, siya na agad ang 'the one'?! ASA!

(Author: May katabi ka ngang gwapo pero baka di ka naman ang gusto! Kala mo naman ikaw ang makakatuluyan niyan?! ASA! Patayin kita dito eh!)

(.O _o)!!?

Oh ffff.. peace author, peace... sorry na heheheheheh huwag mo 'kong patayin ehehehe tuloy lang po sa pagsulat ehehehehehehehe... wait... hindi ako ang makakatuluyan niya?

(' . _.)

(Author: Tss..)

"Are you okay?" Biglang tanong sakin kaya nakawala ako sa mamumuong away namin ni 'Author' at nilingon ang pinanggaling ng pamilyar na boses na nasa tabi ko. Naka-poker face pa rin siya at nakatingin sa unahan pero yung mga mata niya ay nakatingin sakin na puno ng kyuryosidad at pagtatanong na tila mas pinapagwapo ang pagmumukha niya.

What?! Gwapo?!

Mukhang walang kwenta.

(Author: HOOOYYY! Ikaw ang walang kwenta! Kanina lang pinuri mo si Jin tapos ngayon, siya pa talaga ang mukhang walang kwenta?! ATTITUDE KA GHORL?! Mag-sorry ka na! Tutuluyan kita diyan eh!)

A-ah? Andyan ka pa pala e-heheheheheheheheheheh..

(Author: Malamang! Ako nagsusulat! Tsk! Bahala ka na nga sa buhay mo!)

(.~ -~)

"Hey..." Nagising ako sa realidad at napatingin sa katabi ko na nakaharap na sakin.

Si sir naman ay may kausap sa may pinto ng Classroom kaya nakaharap na siya at nakatuon ang atensyon sa akin. Nakikita ko sina Hylene at Eiryn na nag-uusap habang nakatingin sa parte namin na nakangiti at parang kinikilig pa pero di ko na muna sila pinansin.

The Crystal Guardian (Under Revision)Where stories live. Discover now