II

235 8 0
                                    

RYCA'S POV

Nakasimangot ako habang nasa kotse ni Vince. Paano ba naman kasi! Sinabi niya kay Zander na 'wag daw akong liligawan. Malay niya 'di ba, may gusto na sa akin si Zander tapos hahadlangan niya? Napakaepal niya kahit kailan.

"Usapang lalaki 'yon, bakit ba kasi nakikinig ka no'n? Tsismosa ka rin eh."

Ibig ko siyang batuhin ng liptint ko. Leche! Malay ko bang 'yon ang pinag-uusapan nila noong pagkababa ko sa sala. At bakit nga naman nila pag-uusap iyon? At bakit ayaw niya akong paligawan kay Zander? If we like each other naman, what if kami talaga ang para sa isa't-isa? Joke.

"Eh syempre narinig ko pangalan ko!" Giit ko sabay sama ng tingin sa kanya. Siya naman ay nakatitig pa rin sa daan. Papunta na kaming school, lagi kaming sabay kung pumasok kasi habilin na rin ni Mama sa kanya. At dahil ubod ng bait 'tong pinsan ko, ayon...sinakyan ang habilin ni mama.

"And so?"

Nagpapadyak ako. "So-so mo mukha mo. Epal ka sa love life ko. Wala ka kasing love life kaya ka ganyan!"

Nagulat ako nang bigla siyang bumaling sa akin at masama ang tingin.

"Totoo naman 'di ba? Wala ka pang napapakilala kina Tita pati kina Mama. Baka naman maging matandang binata ka niyan?" Pang-aasar ko.

Napakapit ako sa seatbelt dahil tinulinan niya ang pagpapatakbo! Parang may hinahabol na ewan ang loko. Aba'y mamamatay ako rine!

"May girlfriend na ako!" Biglang sigaw niya nang makapagpark na sa school. Bumaba agad ako ng kotse para habulin siya.

Nanlalaki ang matang hinablot ko ang braso niya.

"Sino? Uy---'di na siya torpe. Sino naman ang malas na babaeng 'yan? O kung babae man?" Makahulugan kong tanong sabay halukipkip. Nakasabit sa kabilang balikat ko ang sling bag ko, hindi na ako nagdadala nang malaking bag, nasa locker ko na lahat ng books and notebooks ko eh.

"Siraulo, syempre babae! Kilalang-kilala mo." Makahulugan niya ring sagot at tumakbo. Iwan ba naman ako sa mga estudyanteng ang sasama ng tingin sa akin. Ang lalaking talagang 'yon, walang kwenta!

Kahit conscious sa mga taong nasa paligid ay tinunton ko pa rin ang building namin. Maraming mga nagtsitsismisan at panay ang tingin sa cp nila, pipicturan ba nila ako? Gusto ko kasi maganda ako roon kaya pwede ng wacky or fierce ang mukha pangmodelo.

"Look who's here" nakahalukipkip na mukhang tilapya ang sumalubong sa akin sa loob ng room. Sarap ulamin.

"Uy! Hi tilapya." magiliw na bati ko sabay kaway at ngiti ng peke.

Sumulyap siya sa braso ko at kamay na puro band aid, ngayon ka lang nakakita ng band aid lady o baka sobraang ganda ko? May malaki pang band aid na nakatapal sa dumudugo kong parte ng katawan, baka gusto mong isampal ko sa 'yo 'yon? Lumilipad pa, with wings kasi.

"T-tilapya?" Nagugulat na tanong niya sa'kin. Ay hindi ba tilapya name niya? Hula ko lang 'yon, akala ko tatama eh.

"Oops, my bad." I covered my mouth to pretend that I've mistaken her name.

"Nagpakita ka pa talaga 'no? Nakakarami ka na sa Minlard namin ah! Una, sinipa mo 'yong *toot* niya. Pangalawa, sinuntok mo siya! Anong susunod? Ibang klase rin 'yang pagpapapansin mo 'no? Masyadong hard..." umiiling-iling ngunit masama ang tingin sa 'kin.

Narinig ko ang pagsinghap ng iba, siguro ay wala sila kahapon doon sa show namin ni Minlard...hays, naalala ko na naman si Zander.

"Eh ano naman sa 'yo ate girl? Gusto mo bang gawin ko sa 'yo ang pangatlong 'di ko pa nagagawa sa Minlard NIYO?" Nakangiti pa rin ako. Nakakangawit ha, lalo na't hindi tunay.

Fake Girlfriend Of Minlard (Complete)Where stories live. Discover now