III

205 10 0
                                    

RYCA'S POV

Ilang araw na rin ang lumipas mula noong sinipa at sinapak ko si Minlard.  At ilang araw na rin akong laging nakaka-engkwentro nang sagutan o habulan, duh? I need to runaway from them, masisira beauty ko!

"Calli."

Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong natunton ako ni Vince dito sa garden.

Kumaripas ako nang takbo. Narinig ko ang patuloy niya na pagtawag, ramdam ko rin ang pagsunod niya. Hindi ko na siya pinansin dahil mas nakafocus ako sa tinatahak ko, nasa loob pa rin naman 'to ng campus pero 'di ko alam kung hanggang saan ako makakarating.

Nagpalinga linga ako dahil wala na akong malusutan.

Malas!

Napapikit ako nang maramdaman kong nasa gilid ko na siya.

"Hehe galing naman ni Insan. Nahabol mo ako?" Kinakabahan kong tanong sabay tawa ng pilit sa kanya.

"And do you think you can escape everytime I'm suppose to talk to you, Calli?" Seryoso niyang tanong habang nakahalukipkip at hindi ininda ang hingal, dahil sa pagtakbo.

Ngumuso ako. Hindi na kasi ako sumasabay sa kanya na pumasok dahil sa pinost ni Minlard sa page ng school. Post na puro sa kanya lang naman tungkol, niremove pa nila yung mga teachers and officers ng school, mga tarantado talaga eh.

"M-malay ko ba kung kakausapin mo ako para magsorry sa Minlard na 'yon!"

Umirap siya sabay lapit sakin. Kinaltukan ako.

"Sabay tayo mamayang umuwi, gusto ka raw makausap ni Zander. Tsk! 'Wag lang magkakamali yung lalaki na 'yon." Aniya sabay kaladkad sakin pabalik sa building namin. Susmaryusep, panabangi.

Pagkadating na pagkadating sa room ay binawi ko na ang braso ko sabay tinungo ang upuan, nakanguso ako.

"Uy! Nag-away ulit kayo ni Bab---este Vince? Anyari 'te?" Usisa ni Celine. Itong babae na 'to, nakakahalata na 'ko eh. Lagi-laging nadudulas.

"Ikaw ba e may gusto sa pinsan kong baliw ha?" Seryoso kong tanong sabay titig sa mga mata niyang naging malikot matapos marinig ang tanong ko.

"A-abe wala 'te! A-ano ka ba!" Namula pa ang pisngi niya sa pagsasalita, defensive!

"Siguraduhin mo lang, Lin. Kakapukin ko kayong dalawa kapag nalaman kong ikaw ang girlfriend ni Vince! Alam mo naman ang lalaki na 'yon 'di ba? Sabit sa kumag 'yon." Inis na sabi ko nang maalala na naman ang lalaking dahilan kung bakit naging hell ang pag-aaral ko rito sa school. Abay nagpost ba naman sa page niya(Hindi na ng school) ng:

'If she will face me and say sorry, I'll randomly find a girl that will be my girlfriend for a month.

P.s. My pen*s still hurting...care to ease the pain, Iza?'

That fucking jerk! Tangna niya huhu. Alam pa naman ng mga fans niya na ako ang pinaparinggan ng kumag na 'yon.

Ang bastos ng walanghiya!

As if namang hindi pa nawawala ang sakit n'on! Ang tagal na noong sinipa ko siya.

"Mabait naman si Vince! Ayaw ka lang payagan na ligawan ni Zander dahil tropapits niya 'yon, girl. Ano ka ba?"

Inis kong inayos ang pagkakaupo ko sabay irap. Nakwento ko na kasi sa kanila 'yong tungkol sa ayaw akong paligawan ni Vince kay Zander, feeling ko pa naman liligawan na ako ni Zander. Hay haba talaga ng hair ko at ang ganda-ganda ko pa.

"Eh dapat nga pumayag siya dahil kilala na niya 'yong tropa niya. Anong klaseng rason 'yong ganon?"

"Malay ko lalaki ba ako? Saka 'yon na nga be, ikaw na rin may sabi na kilala na niya 'yon kasi tropa niya, mas may alam pa siya kesa sayo. Kaya siya ang sundin mo."

Fake Girlfriend Of Minlard (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora