Prologue

1.3K 57 9
                                    


Napatigil naman si Cassiopeia sa kanyang rounds kung saan kasabay pa niya sina Red at Nicole sa pag jogging sa open field nang basta nalang siyang naiwan, sinadyang hindi mapapansin ng dalawang kaibigan.

She was staring at her long time crush since she was a kid na talaga namang hindi niya inaasahang na magiging ganito ito ngayon. She's sure that he's handsome and hot pero, magiging ligwak dahil mas sobra pa ito kung makatili sa kanya.

Nangingiting napapailing nalang si Cassiopeia, she's staring at Oliver. Oliver Wilson na matagal na niyang kilala. They were classmates since pre-school to elementary, she knew him since six years old. Back when they were classmates, in their classroom, parati itong nakaupo sa likuran niya. Hindi talaga ito makulit noon, tahimik lang rin ito at walang masyadong kaibigan.

They don't talked pero sa pagkakaalala niya, kung wala itong dalang lapis, crayons o ballpen ay sa kanya ito nanghihiram. Kukulbitin lang siya nito at iyon lang ang beses na nakakapag-usap sila ending it with 'Thank you' and 'You're welcome' kapag sinasauli na ni Oliver sa kanya ang nahiram na gamit.

Cassiopeia chuckled.

"Grabe baks! May damit na 'yan pero bakat yung abs!" Narinig niyang tili ni Oliver kasabay ng mga kaibigan nito at iilang kababaihan na nanonood sa rounds na nagaganap ngayon kasama ang basketball team boys, soccer team boys at volleyball boys. Alam naman niyang marami talagang gwapo sa varsity boys, but, para kay Cassiopeia,

mas gwapo parin si Oliver.

She sighed at pinakiramdaman ang mahinang pusong tumitibok para sa bakla. 'Infatuation. Just really infatuation.' She mumbled while her eyes on Oliver bago niya naisipang sumabay na muli sa pagra-rounds. Mahirap na at baka mahuli siya ng coach nilang nakatayo lang sa field.

Cassiopeia loves basketball. It just happened that she loves it. Hindi naman siya tomboy, sa pagkaalala niya, matapos niyang makapanood ng NBA playoffs noon nung bata siya kasama ang Daddy niya ay basta nalang napukaw ang interes niya kinabukasan.

And her course? Her Mother side family owns a hotel restaurants exclusive here in the Philippines. At hindi na nawawala sa pamilya nila na may magiging chef rito. It rans in their family.

NATIGIL NAMAN ang kaninang tili ni Oliver nang makita ang isang pamilyar na babae. She's on her plain black v-neck shirt and a jersey shorts. Maayos na nakatirintas ang buhok nito at nag-iisa ngayon sa jogging.

Mabilis lang ito napadaan sa kanila.

He knew her. Cassiopeia Gomez, ang palaging muse kung saan palagi itong pinapartner sa classmate niya noon na may crush rito. At sa pagkakaalala niya, iyong lalaking iyon ay dito rin sa Saint Thomas pumasok ng college.

'Hindi naman 'yon gwapo. Mas gwapo pa nga ako dun eh.' Nasabi nalang niya sa isipan. But to what he can remember, he was a silent type classmate. Ni wala siya gaanong naging kaibigan noong pre-school at elementary siya. Dahilan narin na hindi siya komportable sa mga kaklase niyang puro bully. Pero sa classroom nila noon, siya lang ang hindi napapagdidiskitahan. He always gave those bully a glare, at talaga namang malakas ang dating niya rito noon kung kaya't takot ang mga ito sa kanya. Hindi pa naman siya lumabas pa nun sa closet niya.

Taray ha, pero glare palang 'yon. But, hindi lang iyon. He smirked.

"Taralets na mga beks. Uwi na tayo." Pag-aaya naman ni Kyle sa kanila. Lahat sila nagsitayuan na, handa nang umalis maliban nalang kay Blue na nakakunot ang noo. May tinitignan. Napapansin niya ito minsan, he's their new friend, galing Australia ito. Halata naman sa mukha, kutis at pangangatawan na may halong banyaga si Asul. Pero,

He's still not yet vocal. Sumasabay naman ito sa kanila minsan but sometimes, naabutan niya itong, nakakunot nalang bigla ang noo habang may tinitignan. But he once caught him, staring that time on Red. Red Allison Sebastian.

My Gay Boyfriend (Series 2)Where stories live. Discover now