Chapter 9: Encounter

461 32 5
                                    

-OLIVER-

TAHIMIK LANG AKONG SUMUNOD sa mga baklita. Muli kaming sasabak sa pag suporta sa aming merlat friends. Championship na nila and that was already expected to their department na road to Championship ang mga ateng. At ako naman bilang pinakamaganda sa aming friendship, dapat present talaga ako today. Baka akalain pa ni Cassiopeia sinumpong ako ng aking regla.

Hindi na ako imbyerna sa kanya dahil sa nangyari noong isang araw. Hindi ko naman talaga kayang magalit sa merlat na 'yon ng matagal. Well, wala naman siyang alam so bakit ako mag-iinarte? Low-key muna ako dapat, low-key.

"Ay! Doon tayo, baks! Daming jowable oh. Let's go!" Sumunod naman kami kay William. He's right, madami ngang fafa ang makakatabi namin. Wow nemen, eng gendeng view nemen sa paligid namin.

Malapit lang yung puwesto namin sa bench nila Cassiopeia, syempre naman no, ang maganda, dapat malapit lang rin sa maganda. Para sight na sight agad, ganern yun bes.

Hindi nagtagal nagsimula nga yung game. Saglit naman akong tumingin kay Blue na nasa tabi ko. Kung tahimik ako mas tahimik siya. Well, sino ba naman ang hindi mapapatahimik, eh wala yung future jowa niya. Isang hindi katanggap-tanggap ang nangyari during semi-round kahapon at nagka-injury ang merlat. At kita mo nga naman tong si Asul, kunwari pa eh kita ko naman siya kahapon na parang si The Flash, sinundan si Red mismo sa clinic.

Ang hirap din talaga ng may denial na friend.

"You okay, Blue?" Agad naman siyang lumingon sa akin. At ang gaga, tinaasan pa ako ng kilay. Bwisit na'to. Nagtanong lang naman ako, ang taray nanaman.

"Of course, I am. Mukha ba akong hindi okay?" Suplada talaga nito. But I just smiled at him.

"If I know, you're not okay because of what happened yesterday. Denial ka lang, Blue pero hindi mo'ko maloloko kung anong ginawa mo dun sa chakang merlat na may gawa sa injury ni Red." I smirked at him sabay ladlad ng aking precious fan. Yeah right, may dala akong pamaypay. Hindi naman mainit dito ng todo sa gym pero trip ko lang talaga tong dalhin tong pamaypay ko. Dalagang Pilipina to eh, ang dami pa namang fafa sa paligid.

"Then, keep your mouth shut, bakla. Baka gusto mong ibuking din kita sa merlat mo kung anong pinangagawa mo sa mga---" Saktong nahagilap ko ang dala kong sandwhich at sinungalngal sa bunganga niya.

He glared at me, at dahil palaban ako at maganda, I glared back at him too. Akala nito ha, "We both have secrets, baks. Sige ka, sumbungan tayo gusto mo?"

Hindi naman siya nagsalita pa pero inarapan pa ako. Bwisit na'to.

"Sayang wala si Red 'no? Gusto ko pa naman sang magpapicture dun, brad. We're not from the same school, kahit pangremembrance lang sana. Crush na crush ko pa naman 'yon."

"Well, you're uncluky today, brad. Kay Cassiopeia Gomez at Nicole Domingo ako mamaya. I already approach my close friend from their department para makalapit sa kanila mamaya."

"Woah, I'll join you later then. Kay Cassiopeia ka, kay Nicole ako."

Akmang sisipain ko na sana ang likuran ng kinauupuan ng dalawang pogi sa harapan ko pero naunahan naman ako ng isang paa--

"Hey! Who did that?!"

Nagkunwari naman akong hindi nakatingin sa dalawang poging lumingon. Pero hindi ko lang din talaga inaasahan ang ginawa ng isa ko pang friend ditey sa tabi ko. Haaay naku nemen.

"I did. May nakita kasi akong daga pre. Pasensiya na..." Nagtataka naman ako ng bigla akong tinuro ni Angelito. Ngumiti ito sa akin, isang nakakagagang ngiti. "Ito kasing kaibigan ko, takot sa daga. It was infront of him. It was the rat I was supposedly kicked. Pasensiya na."

My Gay Boyfriend (Series 2)Where stories live. Discover now