Chapter 6: Invite

289 26 3
                                    

Another light moment update! Hello sa inyo! Enjoy. 😁

------------

4th grade.

Tahimik pero naririnding nakikinig si Cassiopeia sa kaharap niyang kontrabidang kaklase na si Winnie. Panay pakita nito ng bagong gamit sa school na bagong bili daw sa mga babaeng kaklase na nakapalibot ngayon sa desktable niya. It's their break time, pakain-kain lang siya ng baong niyang sandwhich.

"Wow. Ang ganda nito Winnie. Where did you buy this?" Tanong pa ng kaibigan nitong si Vina.

"Mommy bought this in Hong Kong. This one too, bili din ni Mommy sa Hong Kong."

"Oh! I'll tell my Momma to buy that one for me too. Pupunta din siya with Tita Shanelle sa Hong Kong next week."

Maya-maya ay ang bidang kaklaseng si Winnie ay lumingon sa kanya. Nakataas ang kilay nito sa kanya bago lumampas ang tingin. Napailing nalang siya sabay ipinagpatuloy ang pagkain. Alam niya kung saan dumapo ang tingin nito pagkalampas sa kanya.

Sa lalaking cute na gwapo na nasa likuran niya. Kay Oliver Wilson.

Kitang-kita tuloy ni Cassiopeia kung paano nag-iba ang expresson nito sa mukha. From pagiging mataray hanggang sa bastang kumislap ang mata nito saka ngumiti. Pinaka-crush talaga nito si Oliver.

Basta nalang umalis sa kinatatayuan ang kaklaseng si Winnie bitbit ang isang pencil case na may mickey mouse design. Panlalaki iyon. Pabebe itong naglakad papunta sa likuran niya, kung nasaan ang nakapwestong upo na si Oliver.

"Ahm. Oliver." Kusang sumunod naman ng tingin si Cassiopeia. Kahit naman ang mga babaeng kaklase niya na nakapalibot sa desk ni Winnie ay naroon rin ang atensiyon.

Oliver was talking to his seatmate Christian, nakita naman ni Cassiopeia na itinuro kay Oliver na may tao ngayong nakatayo sa tabing desk niya kaya napalingon rin ito.

Cassiopeia doesn't know if Oliver is into Winnie too. Tahimik ngunit mabait kasi si Oliver. Pero minsan, minsan lang rin talaga ito umimik.

Nakangiting inabot ni Winnie ang pencil case kay Oliver. But Oliver, he didn't smile nor gets annoyed. Basta nalang niya tinitigan lang ang pencil case na inabot ni Winnie sa kanya.

"This is for you. Binili pa 'yan ng Mommy ko sa Hong Kong."

Tanging nakatitig lang si Oliver sa pencil case na ibinibigay sa kanya. Pero ilang segundo ang lumipas ay bastang umangat ang tingin nito kay Winnie. Kumurap lang ito bago magsalita.

"Thanks." Mabilis na sagot ni Oliver ngunit hindi inabot ang pencil case. Mas lalo lang tuloy lumaki ang ngiti ni Winnie bago nilagay ang pencil case sa desk ni Oliver. Basta nalang tuloy napakagat si Cassiopeia sa kanyang sandwhich. To hide her now pouting lips and frown, muling napaharap nalang si Cassiopeia ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

"Hmp! Tignan mo si Winnie, Cassiopeia. Ang taas nanaman ng kilay sa'yo." Bulong sa kanya ng seatmate niyang si Christina. "Akala mo naman crush siya ni Oliver. Eh parang ikaw nga yung crush ni Oliver eh." Dagdag pa nito.





DI KALAYUAN sa pwestong kinatatayuan ngayon ni Cassiopeia ay kitang-kita niya kung paano ngumiti at kiligin si Oliver sa kausap nitong dalawang kasamang lalaki. Mukhang classmate din naman niya ito dahil nakita niyang sabay ang mga itong lumabas ng classroom ngayon-ngayon lang.

Connected kasi ang corridor ng department nila at malapit lang rin sa department nito ang kinalabasang classroom niya.

Napailing nalang si Cassiopeia kung paano kyemeng humampas si Oliver sa isang lalaking kaklase nito. May pa kurot pa. Pero hindi katulad ng iba, ay hindi naman nagalit ang lalaking nahampas. Mukhang close pa nga ang mga ito at panay tawa at ngiti ang ginagawa.

My Gay Boyfriend (Series 2)Where stories live. Discover now