Simula pa lamang ay may utang na
Hindi alam paanong paraan pa
Animo'y hawig ng nasa biblia
Na pagsilang, may sala ng minanaIpinanganak ang taong mahirap
Lumalaki ang ilang nangagarap
Sino sa kanila ang matutuloy
Kung wala na ni dugong dumadaloyHindi na alam saan pa tutungo
Wari'y kay pait na ng ating mundo
Naghahanap saan ang tamang landas
Na sa hirap, marami ang lumampasMalayo pa ang dapat ipaglakbay
Itutuloy pa rin kahit may saklay
Madalas, sa iba ang buntong sisi
Ngunit ang may sala rin ay sarili
![](https://img.wattpad.com/cover/227080092-288-k655796.jpg)
YOU ARE READING
Word Lane
PoetryCollection of short poems generated from random thoughts in random arrangements.