Matang nangungusap
Labi na ngumingiti
Tainga na nakikinig
Ilong na lumalanghap
Isipang matalas
Pusong nagmamahal
Damdaming nasasaktan
Lungkot na panandalian
Kasiyahang pangmatagalanSimple lang sana ang buhay
Sisikat ang haring araw
Magigising sa umaga
Gagawa ng trabaho
Lulubog ang araw
Mawawala ang liwanag
Kasabay ang pagdilim
Paligid na magpapaalala
Na hindi simple ang buhayMaghahanap
Iibig
Tatakbo
Iiyak
BabangonMauulit ang lahat
Hahanap ng bago
Iibig na muli
Ipaglalaban
Masasaktan
Babangon muliMatang lumuluha
Labing ngumingiwi
Taingang naririndi
Ilong na magsasawa
Isipang irasyonal
Pusong nagngangalit
Damdaming manhid
Lungkot yumayakap
Kasiyahang nagpapaiyak
![](https://img.wattpad.com/cover/227080092-288-k655796.jpg)
YOU ARE READING
Word Lane
PoetryCollection of short poems generated from random thoughts in random arrangements.