sinulat ng luha

3 0 0
                                    

Masaya ang buhay
Akala ng marami, perpekto ang aking buhay
Maraming galores
Maraming ganap sa araw araw
Maraming kaibigan
Nagagawa ang mga gusto
Nakakain ang mga cravings
Idol pa nga ng ilan
Akala nila masaya ang maging ako

Ayaw kong mag-self diagnose
Pero nadadalas na parating ganito
Depresyon ba ito
Ang bigat
Sa loob
Sa labas
Sa gitna ng dilim
Unti unting umiinit ang aking mga mata
Kasabay ang pagpatak ng mga butil ng luha

Nasaan na ba ako
Sino na ba ako
Ano na bang gusto kong direksyon
Naligaw na ako sa daang ako mismo ang gumawa
Pangarap na noong una ay kay ganda
Tuloy pa rin ang luha
Tumigil sandali
Naliligaw nga akong tunay

Paano na ako
Minsan, gusto ko na lang mawala
May iiyak kaya sa akin
May mga alaala kaya akong naiwan
Masaya o malungkot na mga alaala
Gusto ko naka-kulay asul sila
Gusto ko may magbabasa nito sa harap ng katawan kong wala ng buhay
Sana may maidulot akong maganda sa inyong mga buhay

Sana may mag-alala naman sa akin
Sana kumustahin ako ng tatay ko
Ng nanay ko
Ng mga kapatid ko

Hindi ako parating malakas
Hindi palaging matapang
Hindi palaging matalino
Hindi palaging masaya

Mas madalas akong mahina
Mas madalas na naduduwag
Mas madalas mangmang
Mas madalas malungkot

Gusto kong kumawala sa kalungkutan
Pero niyayakap lamang ako lalo nito
Hindi ko matanggal
Kaya tatakluban ko na lamang ng panibaging kasuotan
Kasuotan na pekeng kasiyahan
Ngingiti sa harap ninyong lahat
At magpapanggap sa inaasahan nyong ako

Lalong tumulo ang luha
Napatigil at nagmasid sa dilim
Magisa lamang ako
Wala akong kasama
Yayakapin ang unan
Ang luha ay papahiran
Gusto kong mamahinga
Ngunit hinahabol ako ng aking mga multo
Sasabog na ako
Ang ulo ko
Ang dibdib ko
Paalam na ba
Hindi pa
Kaya pa
Pero
Hanggang
Saan
Pa
Kaya

Gusto ko ng bumitaw
Pagod na pagod na ako

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Word LaneWhere stories live. Discover now