EHC 13

6 0 0
                                    

KTAN'S POV

"Bilisan niyo!" sigaw ko sakanila.

"Mauna kana inamo, excited ka masyado e" singhal ni kayden, tapos saka siya bumaba ng motor niya at kinuha yung isa pang helmet para kay leira.

"Suotin mo, tas humawak ka ng maayos" sabe pa ni kayden tas saka siya sumakay ulit sa motor niya. Pinanood ko pa muna makasakay si leira bago ako tuluyan na unahan sila na umalis.

Pag parada ko palang sa parking lot ay tanaw ko na agad ang mga estudyante na papunta sa event. Marami sakanila ay may mga dalang snacks, unan at kahit ano na pwede nilang gamitin pampalipas ng gabi.

Yap, pwede mag over night ngayon pero kailangan meron kang gamit.

Pagdating sa lugar kung san gaganapin ang event ay agad na sumilip ang ngiti sa labi ko dahil sa ganda ng pagkakaayos ng event na to. Meron isang malaking torch sa gitna na gawa sa metal at kakaunting kahoy..  At ang pinakamalupet dito ay nasa gitna kami ng track and field ngayon, yung oval kaya naman sobrang ganda ng dating..  Nakapalibot kaming lahat sa torch na nasa gitna.

Lumapit ako sa mga tao at naupo sa isang tabi, nakangiti akong pinagmasdan ang karamihan habang nagkakatuwaan at nagkwekwentuhan sila. May mag jowa, may grupo ng babae, at may grupo din ng mga lalake.

"Yah, this is for you man" biglang sabe ng isang lalake. Binibigyan ako ng malaking tela para meron ako maupuan na malinis. Ngumiti naman ako at kinuha yon "Enjoy the night arraso? " dagdag niya kaya naman tumango na lang ako at saka nagpasalamat sakanya.. Inayos ko ang tela sa pwesto ko at saka ako komportable na naupo, maya maya naman ay nakita ko na sila kayden at leira na naglalakad. May distansya sa pagitan nila pero makikita mo ang pagtatalo pa din nila dahil sa kumpas ng kamay ni leira.

Tinitigan ko lang sila habang naghahanap sila dahil wala akong balak tawagin sila. Masyado silang maingay at magulo nakakairita lang haha. Nahiga ako at ginawa kong unan ang dalawang braso ko, pinagmasdan ko ang kalangitan pero biglang humarang dun ang mukha ni kayden.

"Nagpahanap ka pa talaga e no? "

"Alam ko naman na mahahanap niyo ko e" sabe ko sabay bangon. Kasama niya pa din si leira kaya naisipan ko na pagtripan sila. Nilipat lipat ko ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa mailang sila. Naunang mag reak si leira pero di ko pinansin, tumawa lang ako at muli silang tinitigan.

"Kayong dalawa" binitin ko yung sinasabe ko sabay titig sakanila.

"W-what?"

"Ano?! "

Sigaw nilang dalawa kaya natawa ako, sakto naman na nakita ko si lenard kaya agad kong itinaas ang kamay ko para tawagin siya.

"Kanina pa kayo? " tanong niya agad nang makalapit siya samin.

"Hindi naman,  kakarating lang din namin" sagot ni kayden, naupo naman agad si lenard tapos saka sila nagtuloy sa pag uusap nila. Naririnig ko sila pero wala akong balak makisali hehe.

Lumipas ang ilang minuto nang biglang may magsalita. Ang kaninang mga estudyante na nagkwekwentuham ay agad na natahimik at natuon ang atensyon sa nagsasalita sa gitna.

"Good evening sainyo, maraming salamat sa pagpunta niyo." pag uumpisa niya, siya yung president ng student council "So ngayong gabi mag uumpisa ang lahat ng activities sa school natin, at ang una dun ay ang opening ceremony of course, then the theater club.. Tapos sports then sunod sunod na yun"

Sa lawak ng paligid ay rinig na rinig pa din ang pagiging sabik ng lahat sa mga activities, agad na nagbulungan ang iilan habang ang iba naman ay napangiti dahil sa kanilang mga narinig.

Everything has changedWhere stories live. Discover now