EHC 15

3 0 0
                                    

KDEN'S POV

Matapos nung pagpitik ni leira sa noo ko ay Hinndi na ko nagsalita, tinuon ko na lang ang atensyon ko sa discussion. Mabilis naman na natapos ang unang subject kaya naman nang magtama ang paningin namin ni leira ay parang bigla naman akong na awkward kay leira.

Nilalaro ko ang hintuturo ko habang panay linga sa paligid dahil hindi ko malaman ang gagawin ko. Kakausapin ko ba siya o hindi? I mean nakapag usap naman na kami ng maayos e, ilang beses na din yun sabe ko sa isip ko. Nilingon ko naman siya pero nasa labas ng bintana ang tingin niya kaya naman hindi na ako nagtangka na magsalita pa.

"GUYS ! WALA DAW SI MAAM, GAWIN NA LANG DAW YUNG RESEARCH NIYO NG GRUPO.. PAG USAPAN NIYO DAW" sigaw ng president namin kaya naman natuwa kami.

"YESS ! HHAAHAHA !!

"WOOHOOOOOO !!

"YEEEYYY !! WAAHHHH "

Agad na nagkagulo sa room dahil sa masayang balitang yun, ang kaninang tahimik na mga estudyante ay parang mga preso na ngayon na nakawala sa kulungan. Pero bilang estudyante, imbes na magsipag puntahan kami sa mga grupo namin napunta ito sa kwentuhan ng grupo.

Nasa ganon naman ako na sitwasyon nang mapatingin naman ako sa ballpen ni leira na nalaglag, nakatingin naman siya sakin kaya iniwas ko ang tingin ko. Kunin mo mag isa mo yan

"Pakuha naman " malumanay na sabe niya. Napalingon naman ulit ako.

"Tibay ah, nasa harap mo lang oh " sagot ko atsaka ko iniwas ang paningin ko sakanya

"Dali na, papulot lang naman e" sabe niya na parang obligadong obligado talaga na pulutin ko yung ballpen niya

"Napaka ano mo naman- " napabuntong hininga na lang ako at padabog kong pinulot yung ballpen at tsaka inabot ito sakanya. "Oh eto na abno !" abot ko pero napatanga naman ako sa ginawa niya dahil bigla niya na lang hinablot sa kamay ko yung ballpen at imbes na mag thank you siya, e ngumiti lang siya sabay talikod.

Kahit kelan abno

Sisisgawan ko pa sana siya pero bigla naman sumingit si lenard para mangasar

"Sweeeeet hahaha, Kita ko yooonn " pangaasar ni lenard, napatingin pa ako kay leira kaya nakita ko siyang tumingin pa muna sakin bago pumunta dun sa mga kagrupo niya tsaka ako bumaling ke lenard

"Dati bang baliw yung bespren mo na yon? Hindi manlang nagpasalamat" iritiang sabe ko at saka ko inayos ang mga gamit ko

"Ganon talaga yon, ang weird pero parang ayos lang"

"Anong ayos don? Walang matinong tao na ganon. Tsaka weird talaga siya yun yon" sagot ko habang nililigpit ang mga gamit ko

"HHAHAHA Hindi kasi, i mean may iba siyang way para mag thank you.. Yun yung sinasabe ko na ayos lang" Sabe niya "Ang alam ko nasabe ko na sayo to e" dagdag niya kaya naalala ko yung pagbigay niya sakin ng chuckie.

"D-Dun yun sa sorry, tsaka pwede naman kasi na magsabe na lang ng thank you o sorry.. May nalalaman pa siyang pabigay bigay" mahabang sabe ko.

"E sa nahihiya daw siya sa ganon"

" Nahihiya? anong nakakahiya dun hahaha pucha para siyang di tao ah "

"Hindi nga" sagot niya kaya napatitig pa ako kay lenard

"What?"

"Gago joke lang HAHAHAHAHA" Biglang sabe ni lenard kaya naman pinakyu ko siya. Natawa naman siya nang biglang dumating si kyetan.

Everything has changedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon