Chapter 4 - The Question

68 36 25
                                    


"May asawa ka na ba?"
"May boyfriend ka na ba?"

Sinasabi ko na nga ba, heto na naman kami sa mga ganyang tanong. Hindi ko maintindihan na kung bakit sa tuwing may reunion kailangan may ganyan klaseng mga tanong.

"Wala pa po eh"

"Ano? Wala pa? Aba eh bakit naman?" Sabi Ni Tita Linda

"Hindi ko rin alam, masyado rin naman po along busy ngayon para sa mga ganyan"

"Ilang taon ka na ba Mara?"

"Kaka28 ko pa lang po Tita Leonila"

"kaka28 pa lang? Lang? You're not getting any younger Mara"

"but Tita, 28 is still young"

"Look Mara, your cousins already have their own family, even your brothers. Nauunahan ka na nga ng mga pinsan mong mas bata sayo" Sabi naman Ni Tita Lorna, galing Switzerland Yan.

"Tita Lorna, Hindi naman po ako nakikipagunahan"

"Kahit pa, baka mamaya magaya ka rito sa Tita Lily mong tumandang dalaga" Sabi Ni Tito Larry

"Nananahimik ako ah. Okay lang yan Mara, sama ka sakin magzumba minsan, ako bahala" Sagot Ni Tita Lily, pinakacool na tita sa lahat kaso ayun nga dalaga pa rin.

"Binubully nyo ba bunso ko?"

"Papa!!" Sabi ko sanay yakap sa kanya, obviously I'm a papa'y girl.

And because of that nakatakas ako sa pagiinterrogate ng mga tita ko, the best talaga si papa.

He walked me inside the house and let me eat my food in peace. Naalala ko tuloy nung bata ako, kapag binubully ako nila kuya, bubuhatin ako ni Papa palayo sa kanila tapos bibigyan akong meryenda.

"Pa, thanks for saving me ha"

"Saan Kita sinave?"

"Kanina, dun kina tita, nainterrogate na naman ako eh"

"Hayaan mo na, excited lang sila sayo"

"Kahit na, Wala na po bang pwedeng itanong sakin?"

"Osige, how's work? Kamusta pagtuturo ng teacher namin?"

I smile at him, papa really knows me so well. "As usual nakakapagod, but always fulfilling po"

We talked about my work, he asked so many questions about it that I answered eagerly. Feeling ko nagttransform talaga ko kapag pagtuturo ang usapan. After I eat, I put the plates in the sink and we walked towards the garden where everyone is having fun. Inakbayan ako Ni Papa sabay tanong ng,
"Pero sigurado ka ha? Wala ka pang boyfriend?"




*Face palm*

Greatest DreamWhere stories live. Discover now