Chapter 2: Friend Request

7 0 3
                                    

Uziel's POV

PAGKATAPOS akong sampalin ni Suezanne ay nakaramdam ako ng kahihiyan. Maraming mata ang nakatingin sa akin. Para kaming mag jowa na nag away. Tsk.

"Humanda ka sakin,Sue!" sabi ko sa sarili ko.

Matulin akong naglalakad papalabas ng canteen. Agad akong napatigil nang  makita ko si Annika na hilahila ang buhok ni Sue.

Napa-aray si Sue sa ginawa ni Annika. Si Annika lang naman ang isa sa mga malditang babae dito sa campus. Kung anong gusto niya ay dapat nasa kanya. Kinatatakutan siya ng halos lahat ng babae dito. Pero mas kinatatakutan niya ang barkada naming si Olliver. Kaya pasalamat siya at nasa Japan pa ito nagbabakasyon.

Lumapit ako dahil naaawa na ako kay Sue. "Hey, what are you doing to my girl?"

Ewan ko kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon. Napahinto si Annika sa paghihila sa buhok ni Sue.

"W-what?! Your girl?Come on,Uziel.Don't be a fool." aniya.

"Oo,may problema ba?"sagot ko at inayos ang buhok ni Sue. Nagbulong bulongan na ang mga estudyante sa ginawa ko.

"Yan diba yung sumampal kay Uziel?"
"OMG! Baka nga mag-on sila ni ateng ghorl!"
"Bakit kaya niya sinampal si Uziel kanina?"

Lumingon si Annika sa isa sa mga babaeng nagbubulungan at nagtanong.

"Anong sinampal?"

"A-ah k-kase kanina sa canteen hila hila ni Uziel yang si ghorl. T-tapos nag usap sila then sinampal si Uziel ni ghorl. Hindi namin----"

Humarap ako kay Sue sabay sabing, "Sorry na babe, hindi ko sinasadya. Patawarin mo na ako. Hindi ko na uulitin. Ayaw kong mawala ka sakin. Mahal na mahal kita." At niyakap si Sue.

Sue's POV

NAPATULALA ako sa sinabi ni Uziel. At mas lumala pa iyon ng sabihin niyang mahal niya ako at niyakap pa! Sheyt! How to be calm!Ang bango bango niya!WAHHHHHHH!

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin  at nilingon ko ang mga kapwa kong estudyante na pinalibutan kami.

"Ha ha ha! Are you kidding,Uziel? Kayo ba ng babaeng mukhang frog na iyan?" maarteng tanong nito.

"Hoy! At sinong mukhang palaka sa atin ha? Yang mukha mo ngang mas malala pa sa palaka. Kung makalagay ng lipstick parang wala nang bukas! At kung makalagay ng make-up parang clown na handang magpatawa!" sabi ko sa pinakamalakas na boses ko.

Alam kong may natatawa sa sinabi ko. Mismo ako nga natatawa na pinipigilan ko lang para hindi masira ang mood ko HAHAHAHA!

"Anong nangyayari dito?"

Alam kong boses iyon ni Gwapito at agad kong nilingon. Sheyt! My knight in shining armor! Waahh!

"C-casper!" nauutal na sabi ni palaka girl.

"Yes? Is there any problem here?" maawtoridad na tanong niya.

"Wala,pre. Hehe." sagot ni Uziel.

Tiningnan niya ang kamay ni Uziel na nakaakbay sa akin kaya sinuway ko si Uziel na tanggalin niya ito. Pero hindi siya nakinig sa akin.

"Okay,then. Better proceed to your classes." sagot nito at tumalikod sa amin.

Nakita ko pang inirapan ako ni Annika pero binalewala ko nalang siya!

Hays! Baka nagselos si Gwapito ko!Arrgh! Ito naman kaseng si Uziel eh!

Nang mag lunch time na ay sinamahan ako ni Lucette na kumain sa canteen. Ayon parin ang mga matang nakatingin sa akin. Grrr! Ba't ba kase yun ginawa ni Uziel?!

CUATROWhere stories live. Discover now