Chapter 5:YES

4 1 1
                                    

Sue

Natapos ang araw na badtrip ako. Malamang! Pano ba kase, sinabihan ako ni Uziel na...na.. MAOT AKO?!

Anong akala nya sa akin, di nakakaintindi ng bisaya? Psh. Tumira kami sa Davao nung 8 years old ako lumipat kami dito sa Manila nung nag highschool na ako.

"Babeeeeeee." Lumapit si Uziel sa akin.

Hinarap ko sya. "Ano?" Hindi naman ako galit sa kanya. Eh pano kung di nya pala alam ang meaning nung phrase na yon. Psh.

Nag pout na naman sya. "Galit ka sa akin? Sorry na. Hindi ko naman kase alam ang totoong meaning non. Si Wolf kase e."

Ang cute nya tingnan! HAHA! Parang bata na nanghihingi ng lollipop.

"Sige na nga. Bati na tayo." sabi ko.

"Talaga? Sige. Ihahatid na kita pauwi." sabay kuha sa bag ko.

Pinigilan ko sya. "Huwag na. May lakad kase kami ni Lucette eh."

Tiningnan lang ako ni Lucette. Wala naman talaga kaming lakad ngayon. Ayoko lang makita sya ni Papa na hinatid nya ako. Baka magka issue naman ako.

"Sa susunod nalang, Uziel? Okay lang ba?" tanong ko.

Tumango lang sya at lumabas. Lumapit naman si Lucette sa akin. "Anong may lakad tayo?"

"Oo. Meron. Tara na lumakad na tayo at nang makauwi na tayo." sagot ko sa kanya.

Magcocommute pala ako ngayon. Hays. Ako lang mag isa. Sana naman ay makasabay ko si Casper. Magkaiba kase ang routa namin ni Lu kaya di kami magkakasabay.

"Omg! Speaking of may lakad us. Samahan mo ako sa mall! Bibili ako ng notebook para sa club na sasalihan ko!" biglang saad ni Lu.

Nilingon ko sya at nagtaka bakit kailangan ng notebook para sa club.

"Suezanne, kailangan ng notebook para sa attendance at incase na may mga important reminders, doon mo isusulat."
Para bang nabasa nya sa utak ko na may itatanong ako.

Tumango nalang ako. Sumakay kami ng jeep patungo sa mall.

Nagpunta kami sa isang sikat na bookstore. Habang namimili si Lu ng notebooks ay pumunta muna ako sa may mga panindang pens.

Kumuha ako ng isang Sharpee marker at nagsimulang i calligraphy ang name ni Casper. Busy naman ang mga saleslady kaya go lang.

"Tadaaaa!" mahinang sigaw ko.

"Casper..." may biglang nagsalita sa gilid ko. "Is that Casper Ondray Lauron?" tanong nito.

"H-ha? Hindi no!" Nagsmile lang sya at kumuha ng dalawang G-Tech na ballpen.

"Hoy! Kilala mo yon? Pogi ha." biglang sulpot ni Lu.

Umiling ako. "Hindi may tinanong lang sya."

"Okay. Babayaran ko lang to tapos kumain tayo sa Jollibee!" ani Lucette.

"Ha? Wala na akong pera. Sana pala kinuha ko ang sukli ni Wolf." sabi ko.

"Sus ano ka ba? Libre ko!" At nagpunta na sya sa counter.

HABANG kumakain kami sa Jollibee. Biglang napaubo si Lu. Nilingon ko kung saan sya nakatingin.

Haaaaaay.

Kakapapasok palang nina, Casper,Wolf,Olliver,Uziel at...

YUNG LALAKI KANINA SA BOOKSTORE!

Halos lumawa ang mga mata ng ibang estudyante na kumakain dito sa mga lalaking nakita nila.

"Diba taga Pinecrest sila? Aaahhh! Ang gagwapo!"

"Alam ko names nila hihi."

"Anoooo? Sabihin mo na!"

"From right to left, Uziel,Wolf,Casper,Olliver at si Grant!!!

Ano daw? Grant? Baka sya yung lalaki sa bookstore kanina. Hmmm.

"Basta akin si Wolf!!! Aaack!"

"Si Casper akin! Haaays."

"Umaasa kayo dyan, may mga girlfriend na yan, sa mukhang yan, wala? Hay nako."

"BAAAAABBBBEEE!" Ooh. Here he comes.

"Oh diba sabi sa inyo."

"Yuck, ang cheap naman ng pinili nya."

"Siya ba girlfriend ni Uziel?"

Yan ang mga narinig ko habang papalapit si Uziel sa akin. Ako, CHEAP? Asa sya.

"Hey." Ani Wolf. Kumikinang naman ang nga mata ni Lu. Hay nako.

"Uhm, hello. Kakain kayo dito?" tanong ni Lu habang nakatitig pa rin kay Wolf.

Tumango naman si Casper.

"Dito lang ako kakain. Sasamahan ko si babe. Hehe." Biglang tumabi sa akin si Uziel.

"Babe? Did I got it right?" Nagsalita si Grant. Habang pabalik pabalik ang tingin sa amin ni Casper.

Oh noes. Baka ma misinterpret ni Grant to.

Magsasalita pa sana si Grant nang bigla ko siyang hilahin papalabas ng Jollibee. "Excuse us muna. Brb."

Nang sinigurado kong malayo na kami sa kanila ay hinarap ko si Grant.

Ampota. Ang taas naman nya! Kailangan ko pang tumingala para lang magka eye to eye kami.

"What's your problem?!" Halata sa tono nito na nairita sa bigla bigla kong paghatak sa kanya.

"Sorry talaga. Pero I just want to clarify something." sagot ko.

"And?" Magsasalita sana ako nang bigla naman nyang ibinuka ang kanyang bibig. "Wait. Are you a two timer? Pinagsabay mo ba si Uziel at Casper?!"

Oh no no no. Please.

"Hoy! Hindi a! Let me explain first before you jumped into conclusions!" mahinang sigaw ko.

He raised his hands and said "Okay,okay. Go. I'm listening. But,please hurry up. Gutom na ako."

I explained to him everything. Na pumasok lang talaga sa isip ko na i calligraphy ang name ni Casper don at ang pagtawag ni Uziel sa akin ng "babe" sa walang kadahilanan.

"Aww. Okay. Tara na? Baka kumakain na sila nagugutom na talaga ako." Hinawakan nya ang kanyang tiyan.

Medyo kulot ang buhok ni Grant. Maiitim ang mga mata,matangos ang ilong at kissable ang lips. HAHAHA! And of course, best asset nya? His height.

We were about to enter the Jollibee nang napahinto si Grant at hinawakan ang kamay ko.

"Marianne..." ani Grant habang nakatingin sa isang magandang babae. Ang sexy nya at lantaran ang kanyang mapuputi at mahahabang legs. Halatang model ito.

Tumikhim ako at kaswal na lumingon kay Grant. "Grant, sino sya?"

"Oh. You don't know me. Well, I am Marianne Tegama. Grant's ex-girlfriend." She said while extending her hand to me. "And you are?"

"Sue. Suezanne..."

She cut me off. "His new girlfriend?"

Ampota.

Nilingon ko si Grant at sasagutin ko na sana si Marianne "Uhm, n..."

"Yes, she is my girlfriend." Grant smiled widely. Nilingon ko si Marianne at halatang na shocked sya. "Now, will you please excuse us."

The f just happened?!

CUATROWhere stories live. Discover now