Chapter 1

3.3K 69 5
                                    

"Miss, excuse me."

She looked behind her and saw a nice looking gentleman. "Yes?"

He smiled. "I'm Pancho, your tour guide from Azul & Mar Resort, sabay tayo nagtungo rito sa Verde Island."

She nodded even tough she couldn't remember him.

"May mga turista kasi na gustong magtungo sa Isla ng Dima di Lubay, mga 30 minutes lang mula rito. At pwede pa kami sumakay ng isa pang turista. They saw you and suggested na pwedeng ikaw na ang sumama kung gusto mo lang." He pointed from a near distance---isang bangka na kulay yellow na may bulalak na design. Dito may tatlong turista na, babae at lalaki na nasa late 40s, at isang lalaki na nasa late 30s.

"Dyahe naman..."

"Miss... parehas lang kayong turista kaya bakit ka mahihiya?"

Napaisip si Sita. Sasama ba siya o hindi? Paano kung hahanapin siya ng pamilya niya na narito lang sa paligid ng Verde Island?

"Did you say only 30 minutes from here?"

He smiled again. "Yes, Miss. Tapos we can stay for 15-20 minutes and then balik tayo rito sa Verde Island.

"Paano ang bayad?"

"Kasama sa package tour 3-4 persons kaya libre ka na."

She flashed a wide smile. "Okay, I'll go. Magpaalam lang ako kay Lia."

Maglalakad na sana siya patungo sa kapatid na si Lia when she noticed that he had left her, nagusot ang noo niya, dahil ang tanging gusto lang naman niya ay magpaalam bago umalis. And he couldn't wait for maybe three minutes.

Naiinis na sumunod siya patungo sa bangka. Tapos she forced a smile dahil sinalubong siya ng mga turista ng matatamis na mga ngiti. They did look familiar, kasabay niya nga ang mga 'to noong umalis sila ng pamilya niya sa resort na tinutuluyan nila.

"Hi," she greeted them. "Salamat at pinasama ninyo ako."

"Oo naman," sabi ng nag-iisang babae na turista, "napansin kasi namin na mag-isa ka habang nakatitig sa kawalan. Masyado ka pang bata para mag-isip ng malalim."

"18 ka pa ba?" tanong noong matandang lalaki na asawa ng babae.

"No, I'm 19."

"Bata pa nga... ka edad lang natin," biro ng babae. "Ako pala si Donna, ito ang asawa ko si Max at alalay namin si Rick."

"Nice to meet you, I'm Anasita Cleasanta or just call me Sita."

Habang nasa gitna sila ng dagat ay nag-uusap sila kung ano lang ang maisip nila, nothing personal only general things like food, vacation destination and other stuffs na sa tingin nila ay interesado ang isa't isa. Maliban sa politika na iniwasan nila lalo pa't maiinit ang ganap rito: Marial Law was lifted, the presidential election and the inauguration of President Marcos.

Nangiti si Sita. Kung ganito lang sana ang takbo ng vacation ng family niya, iyong masaya lang sila habang nagkukwentuhan but it didn't go according to plan kasi naglitanya naman ang Papa niya. Okay lang naman kay Sita kung sa bahay lang nila pero hindi habang nagbabakasyon sila. He again reminded her to shift to a pre med course para maging doktor siya. But she's not interested dahil mas gusto ni Sita maging lawyer kaya nga kumukuha siya ngayon ng Political Science.

Sa sobrang inis ay iniwan niya pansamantala ang pamilya niya sa cottage sa Verde Island, nagpaalam naman siya kay Lia, her younger sister, na magpapahangin lang siya dahil alam niyang hahanapin siya ng Mama niya. At least, may masasabi si Lia dito upang hindi 'to mag-alala.

May kunti siyang regret that she didn't tell them that she's going on this trip pero naisip niya na wala pang five sa hapon ay makakabalik na sila sa Verde Island.

Stranded (completed)Where stories live. Discover now