Chapter 59

530 22 0
                                    

Lumipas pa ang isang linggo.

Noong nahanap ni Sita ang mahika na maari na siyang magising sa umaga. Sa ibang pagkakataon, ay baka nagbunyi siya. Pero kahit simpleng ngiti ay hindi niya nagawa dahil alam niyang paglisan niya sa isla ay hindi niya kasama ang mga kaibigan niya.

Dito na pumatak ang luha niya.

"Pasenisya na kayo, Nono at Kolas," mahina niyang wika. "Kung may paraan lang sana...pero wala na."

Hinayaan niya ang sarili na umiyak habang nakaupo sa sofa sa underground. Hanggang wala nang tumulong luha sa mga mata niya, at ang naiwan na lamang ay ang kirot sa puso niya.

Dito na niya tinapunan ng tingin ang bote na may gamot upang muli na siyang magising sa umaga. Kanina lamang niya ginawa ang potion dahil balak niyang inumin 'to ngayon.

Nanigas ang kamay ni Sita like it's stopping her from picking it up. Tapos bumigat ang paghinga niya. "Kailangan ko 'tong gawin. Dapat makaalis na ako sa isla sa susunod na mga araw."

Kaya inabot niya ang bote at dahan-dahang inangat diretso sa bibig niya.

Lasang dahon 'to dahil ang sangkap nito ay karamihan mga dahon ng mga puno na matatagpuan lamang sa kagubatan malapit sa Daning. Ibang-ba ang lasa nito sa potion na para makaalis siya sa isla na lasang tsa, kahit pa may halong dugo niya, balahibo ng hara at mula ang tubig sa balon.

Tumindig na si Sita, sabay pumanik sa taas. Dumaan siya sa rebolto ni Harilama at hindi niya naiwasan na matitigan 'to. Parang nakatitig 'to sa kanya habang sinusundan ang pag-alis niya sa punya.

Napayakap siya sa sarili niya dahil bigla siyang kinilabutan bago bigla siyang napatakbo palabas.

Hindi niya napansin  na nakatingin na ang mga taga nayon sa kanya habang dumaan siya sa harapan nila.

Nagtatakbo pa rin si Sita noong lumagpas na siya sa nayon. Hindi alintana na may mga sanga na nabali dala ng malakas na ulan noong isang araw.

Dapat pupunta siya sa baybayin para tingnan ang bangka na sasakyan niya. Pero naisip niya ang kubo ni Nono. This is one place where she feels safe. Dahil dito panatag ang isipan niya.

Malayo pa siya ay nakangiti na siya noong natanaw niya ang kubo. She felt like it was a very long time since she'd been here. Kaya mas naging matulin pa ang pagtakbo niya.

Sunod nagmamadali siyang mabuksan ang kubo---pero sarado 'to.

Napaluhod si Sita sa lupa.

Magkahalong pagod at sakit ang nararamdaman niya nang bumalik sa isipan niya na hindi na siya nakatira rito. Bumigat ang mga mata niya pero walang luha na bumagsak. Instead, she stood up and calmed herself.

Huminga siya ng malalim.

Bago sinipat kung may tao ba sa paligid niya. Dito na sumagi sa kanya na dapat hindi siya bumalik rito. Paano kung may makakakita sa kanya?

Napailing si Sita.

Aktong palayo na siya noong may narinig siya sa likod ng kubo.

She froze for a second. Habang pinapakinggan ang tunog, it sounded familiar to her. Nang luminaw ang mukha ni Sita.

"Diamante!" Agad siyang napatakbo sa likuran.

Nabungaran niyang nakatitig na'to sa kanya na parang alam nito na nandito siya. Mabilis niya 'tong niyakap. Sobra niya 'tong na miss.

"Kamusta ka na?" Habang hinaplos niya ang leeg nito. "Sapat ba ang pagkain mo rito?" Gumuho ang ekspresyon niya. Alam niyang muli silang magkakahiwalay ni Diamante. "Pasensiya, hindi kita pwedeng isama paalis sa isla. Pero magiging okay ka rito dahil si Nono ay mabuting bata. Aalagaan ka niya ng mabuti."

Stranded (completed)Where stories live. Discover now