Chapter 50

544 23 0
                                    

Kasarapan ng tulog ni Sita noong nagising siya dahil parang may humahampas sa pinto niya. She thought for a while it was just part of her dream but when she looked outside her window.

Nabungaran niya si Urda. At kasama nito si Awan Ignacio.

First time na nasa labas ng pintuan niya 'to at tiyak niya hindi good news ang dala nitong balita sa kanya. It was only then she remembered---ang alay.

"Ibig sabihin nakatakas 'to!" Kulang na lang isigaw niya 'to, mabuti na lang nasa loob pa siya ng bahay niya kaya hindi 'to umabot sa tenga ni Awan Ignacio.

Binuksan niya ang pinto. Umaasang magla-landing ang kamay nito sa pisngi niya.

Pero hindi 'to nangyari. Sa halip, pumasok si Awan Ignacio na paika ika bago sinara ang pinto kaya naiwan si Urda sa labas.

"Sita, ang alay nakatakas!" Litaw ang ugat sa leeg nito.

"Ano?!" Nakapagpractice na siya na parang tunay ang reaksyon niya.

"Ayon, pinahabol ko na sa mga kalalakihan."

Hindi alam ni Sita kung tama ba ang narinig niya o sadyang inaantok pa siya. "Nakatakas sa isla?"

"Tumakbo siya..." She paused. "Mabuti na lang naabutan ko siya kung hindi, tiyak na nakasakay na siya ng bangka."

"Pero hindi siya makakaalis kahit ilang bangka pa ang sasakyan niya."

"Hindi ko pala nasabi sa'yo na sinuka nito ang kinain niya. Itong si Donna naman patanga tanga pa rin kahit ang tagal nang ginagawa 'to. Kaya bukas pangunahan mo na ang ritwal ng mga kababaihan upang hindi na siya makakaalis sa isla." Mas kalmado na ang boses nito.

Tumango si Sita.

"Tulungan mo na silang maghanap sa alay," utos nito bago tumalikod at bumalik sa punya nito.

Naiwang na estatwa si Sita.

"Paano na abutan ni Ignacio ang alay samantalang sa umaga ang dapat pagtakas niya?" Bumigat ang paghinga niya. Nais niya munang makatiyak na tunay ang naiisip niya. Kaya agad siyang lumabas upang hanapin ang alay bago pa maunahan siya ng iba.

Nakasalubong niya ang isa sa humahanap at ayon dito hanggang ngayon ay hindi pa nila 'to nakikita. Dito na naisip ni Sita ang Daning. Nagbabakasakali na bumalik 'to rito.

Kaya nagmamadali na siyang tumakbo patungo sa Daning.

She was not mistaken. Nasa loob 'to ng tent habang dilat na dilat ang mga mata nito. May mga kalmot at mantsa ng dugo ang mukha nito.

"Sabi mo ikaw ang bahala sa humahabol sa akin!" Noong nakita nito si Sita.

"Ginawa ko iyon..."

"Hindi!"

"Bakit anong nangyari?"

"Inabutan ako sa baybayin ng isang matandang babae."

"Galing siya saan?"

"Kararating lang niya sa isla noong nagkasalubong kami."

"Ang babae ba ay mahaba ang buhok na may kulay itim at abo?"

"Oo, at ang ganda pa ng bihis niya parang turista ang dating."

Nagusot ang noo ni Sita.

Hindi maaring si Awan Ignacio 'to dahil ni minsan hindi pa niya 'to nakita na nagbihis na mukhang turista. Nang bigla niyang naalala ang picture na nakita niya sa punya nito.

"Nagpakilala ba siya sa'yo?" tanong ni Sita.

"Oo, dahil ang una niyang pakilala ay turista siya kaya kinausap ko siya at humingi din ako ng tulong. Ang pangalan niya si Nicanora Ignacio."

"Nicanora Ignacio." Ang alam ni Sita apelyido ni Ignacio ang Ignacio. Ang Awan ay pinuno sa salita ng  mga taga isla. "Kaya maaring Nicanora nga ang pangalan niya." Bumilog ang mga mata niya. "Teka... nagkita kayo sa umaga?"

"Oo, diba sabi mo sa umaga ako umalis."

Feeling ni Sita bibigay ang mga binti niya. "Ibig sabihin kaya niyang magising sa umaga."

"Ano?!"

Hindi kumibo si Sita habang pilit hinihimay ang natuklasan niya.

"May isa pa pala iyong rock formation sa baybayin kamukha noong babae."

"Si Ignacio nga ang nakita mo," she finally said. "Paano ka pala nakatakas sa kanya?"

"Inalok niya ako ng pagkain kaya doon na ako nagduda na masama siya. Noong tinanggihan ko siya ay agad siyang nagalit kaya ayon tumakas ako. Buong araw ko siyang tinaguan. Pero noong nakatulog ako sa sobrang pagod... Doon na niya ako natagpuan. Nagkasakitan kami. Malakas pa rin siya kahit matanda na. Pero nakatakas pa rin ako kasi nasipa ko siya sa binti."

Tumikom si Sita.

"Ano ang gagawin natin ngayon?"

"Hindi ka na makakatakas sa isla dahil tiyak wala na ang mga bangka ngayon."

"Ibig sabihin mamamatay na ako?!"

"Walang mamatay!" Napakumo si Sita. "Kung gusto mo talagang makatakas ay lalanguyin mo na lang ang dagat hanggang makaabot ka sa Verde Island."

"Nahihibang ka ba? Ang layo nun!"

"Pwes... mamamatay ka."

"Ano bang problema mo?"

Nais na lang ni Sita na komprontahin si Awan Ignacio. Wala na siyang oras na tulungan pa ang alay. "Umalis ka bukas ng umaga. Tulad nang sinabi ko lumangoy ka lang kung gusto mo pang mabuhay."

"Pero..."

"Kung gusto mo pang mabuhay,'' diin niya.

Hindi na'to nagprotesta.

"Kukuha lang ako ng pagkain. Dito ka lang. At ito..." Tinanggal niya ang panyo na ginawa niyang tali sa buhok niya. "Gamitin mo 'to sa sugat mo."

Umalis na siya.

At nakahinga lang siya ng malalim noong nakalayo na siya sa Daning. Dahil kailangan niyang mag-isip.  At wala siyang ibang nakikita kundi ang mukha ni Awan Ignacio. "Ang tagal na ni Ignacio na niloloko kami. Wala siyang kasing sama. Pero tapos na ang paghihintay ko. Maniningil na ako kay Ignacio."















Stranded (completed)Where stories live. Discover now