4

657 18 0
                                    

The remaining days before i left, me and Zai spent it. We watched movie, eating, we go out wearing our disguise outfit.., and more things. We make the days worth it.

And here is the day.

"Ngayon na ba? Why days flies so quick? Argh! I hate it" malungkot na wika ni Zai. I hugged him tightly, he did it, too.

"Ganon talaga. Pero bat ba ang drama ha? Eh parang hindi naman 'to nangyari dati? Mas malayo pa nga sa Bulacan yung shino-shoot namin eh" pagpapagaan ko sa loob niya.

"Kahit na! malayo ka nga lang sakin tas maisip ko lang na iba na yung hanging malalanghap natin.. Ahhh! It sucks!" iritableng saad nito

"Ay ang oa na ah!" natatawang wika ko tsaka kumalas na sa yakap

"Ahm pa storbo lang ho sa emote emote scene hehe" singit ni Jelai "Eh ma'm aalis na po tayo habang maaga pa para po iwas sa traffic" saad nito

Tumango ako at pilit na bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Zai pero ayaw niya, mahigpit. Tiningnan ko siya at tinaasan sya ng kilay.

"Loveee" tawag ko habang ginagalaw galaw yung kamay ko. Binigyan niya lang ako ng nagtatakang mukha.

"Why?" patay malisya na wika nito habang nagpapadala din sa paggalaw ko sa kamay namin, para tuloy kaming bata.

"Aalis na po ako" paliwanag ko.

"Oh? Ano naman? Alis kana" tiningnan ko naman yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

"Yung kamay nyo po kasi nakahawak parin sa kamay ko. Hindi po ako makaalis" paliwanag ko

"May nakalimutan ka" paalala nito

"At ano po yun? Na double check ko naman na yung mga dinala kong gamit. Kaya ano yung nakalimutan ko po ha?!" tanong ko

"Yung napagkasunduan natin" sagot nito. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.

"Chat, face time, pictures.. Yun na yun diba? Ohh diba ang galing ko, natandaan ko" saad ko tsaka kumindat. Umiling naman siya. "Meron pa?Hmm?" kunwaring nag iisip habang nakalagay ang daliri sa gilid ng noo at nakatingin sa taas.

"Yung sinabi ko na gagawin ko before you leave" paliwanag nito. Tiningnan ko naman siya ng nagtataka

"Ah yeah! Sorry, i forgot. Pero ano pala yu--"

Hindi ko naman natapos ang pagsasalita ko dahil binigyan niya ako ng smack na kiss sa lips. Nag init naman ang pisngi ko sa ginawa niya.

"Ahh. Kiss. Kiss pala. Ok, tapos na. So, aalis na po ako ha?" patay malisya kong wika pero sa totoo lang gusto ng lumabas ng puso ko sa dibdib ko. Iba talaga ang feeling.

Pinakawalan niya naman na ang kamay ko at tumingin sa akin.

"Our deals ah?" pagpapa alala nito sa mga napag kasunduan namin. Tumango tango naman ako habang nakangiti. "Kakain ka sa tamang oras palagi ah, ok?" dagdag nito. Tango naman ulit ako. "Update me ah? Tell me if ever there will be a problem,ok?" dagdag nito tsaka binuksan na ang pinto ng condo niya.

"Opo! I'll eat on time, update you, chat, face time, send pictures.." pag rerecite ko sa mga deals namin.

"I miss you" wika nito.

"Miss agad? Eh andito pa naman ako. Sus, mamaya mona 'ko i-miss" natatawa kong saad. "Sige na bye bye na love" pagpapa alam ko habang nag wa-wave sa kanya, ganon din siya. Pero napahinto naman ako dahil may nakalimutan ako. Nagtataka naman syang tumingin sakin dahil tumakbo ako sa kanya pabalik, buti na lang naka sneakers ako at hindi mahirap tumakbo.

Pagkalapit ko sa kanya ay hinalikan ko siya sa pisngi. "Take care always, i love you" pahabol ko tsaka na tumakbo. Hindi ko na nakita yung expression ng mukha niya, hindi rin siya nakagalaw eh. Kinilig din. Hihihi.

Private RelationshipWhere stories live. Discover now