10

454 8 0
                                    

Napakurap kurap naman ako ng maraming beses bago mabalik sa realidad. Buti na na lang kahit papaano hindi masakit ang ulo ko.

"A-ahm.. H-hi?" utal utal kong sambit. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay niya. Napalunok naman ako, mali ata yung nasambit ko. Argh! Bat ka kasi nag hi eh ex mo yon, Hoy!

"W-where a-am I?" argh! Bat ba ako nauutal?! Kairita.

"In my condo, Ms.Dani" pormal na sagot niya. Oo nga naman condo niya to, halata naman. "Fixed and get your things now. Then leave" napapikit naman siya ng mariin na parang may mali siyang nasabi. "I mean, eat first then i'll deliver you in your place" saad nito bago lumabas ng kwarto.

Ano daw? 'Deliver'? Ano ako package na ihahatid?! Argh! Napasabunot naman ako sa buhok ko. Nilibot ko muna yung kwarto niya.

"Is this his new condo unit? Ah siguro nga" sambit ko sa sarili ko. Ganon parin karamihan yung mga gamit niya, may mga nadagdag din. Tsaka lumaki rin yung kwarto niya.

Tumingin naman ako sa kwarto niya if may bathroom.. pero wala. Buti na lang may salamin kaya nag ayos muna ako. Shocks! May make up pa ako. Grghh! Pag ako nagka pimples. Huhu. Wag naman sana.

Hindi na rin ako nagtagal baka mamaya isipin niya na gusto ko dito sa kwarto niya. Duh. As if. Alanganin ko namang binuksan ng dahan dahan ang pinto. Nilibot ko naman yung mata ko sa lugar ng condo niya. Ang laki talaga parang bahay na. Napako naman ang tingin ko sa lumabas sa cr. At agad na napatakip sa aking mata.

"Hindi 'ko nakita!" pagtanggi ko pero bat parang ang defensive ko? Ha? Eh totoo naman talaga! "Magbihis ka na nga. Bat ka naka topless. Alam mo namang may babae kang kasama" sambit ko habang nakatakip parin. Hindi ko alam kung pumasok na ba siya sa kwarto niya. Kaya naman dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa mukha ko.

Umupo muna ako sa countertop chair tsaka kumuha ng isang pirasong toasted bread.

"Mas maganda nga 'tong condo niya kesa sa dati" napangiti naman ako ng mapait tsaka pinagpatuloy ang pagnguya.

Lumabas naman na siya sa kwarto. Naka maroon shirt siya namay tatak ng isang sikat na brand at denim short.

"Your phone" nilapag niya naman sa mesa yung phone ko. Chineck ko if may nag message.

Liam (2)

Seah (2)

Harvey (2)

Nilagay ko na lang sa purse yung phone ko. Mamaya ko na lang titingnan kapag nasa condo na 'ko. Uminom muna ako ng tubig tsaka tumayo.

"Huwag mo na ako hatid. Kaya kong umuwi mag isa" saad ko tsaka kinagat ang ibabang labi ko. Potek wala nga pala akong dalang kotse.. So?? Mag co commute ako? Seryoso ka Dani?

"So magco- commute ka?" tanong nito na parang nang aasar.

"Ha.. A-ano--"

"Hatid na kita. Tara" kinuha naman na niya yung susi ng kotse at lumabas. Sumunod naman ako tsaka nilibot ang daan sa hallway. My eyes widened.

"D-dito k-ka?" utal utal kong tanong. Tumingin naman siya sa akin na nagtataka.

"Dominique Hill?" sambit ko ulit pero sa maayos na pananalita. Nagtatakang tumango naman siya. Dominique Hill yung name ng condo building na 'to.

"Wag mo na ako ihatid"

"Whaat? Are you serious? Mag co-commute ka talaga?" di makapaniwalang saad.

"Dito rin ang condo ko" sambit ko tsaka tinuro ang katapat ng kanyang condo niya.

Hawak hawak kona ang pinto ng condo ko nang humarap ako sa kanya.
"Thank you and sorry sa istorbo hehe" saad ko tsaka isinara ang pinto. Napasandal naman ako sa pinto hawak hawak ang dibdib ko ang bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Private RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon