16

453 11 2
                                    

"Sabay kana sa'kin" nakangiting sambit ni Harvey.

Aangal na sana ako nang narinig ko na ang mga kantyawan ng karamihan may iba pang nag kuha ng phone at itinutok sa amin.

"I'll text your p.a to drive your car in your condo"

Tumango na lang ako at ngumiti. Sinubukan kong lumingon at nakita ko ang mga ngiti nilang nangtutukso.
Napatingin naman ako sa pwesto ni Zai.

Bat parang ang talim ng tingin niya?

"Bye Dani uwuuu"

"Ingat kayu yieee"

"Kakilig"

Nasa gitna na kami ng byahe. Nagsasalita lang ako kapag sinasagot ko ang tanong niya. Ewan ko pero wala talaga akong ganang makipag usap. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta.

Napagtanto ko na lang kung saan nung huminto kami sa tapat ng sikat na restaurant. Nagulat ako ng ilagay niya ang kanyang kamay sa bewang ko. Tiningnan ko siya pero ngiti lang ang ibinigay niya.

"Harvey" tawag ko sakanya habang kumakain. Tumingin naman siya sa akin, hinihintay ang sasabihin. "Harvey--"

"Okay lang kahit hindi mo ubusin yan. I understand"

Umiling naman ako.

"No. Hindi 'yon" wika ko. Naalala ko yung sinabi ni Seah sa akin. "Harvey.. I hope that you don't give malice to every lunch or dinner i accepted with you. You're a good man and i thank you for everything you did to me" huminga ako ng malalim. "Harvey.. hanggang friends lang ang maibibigay ko, hindi na yun lalagpas"

Nakita ko ang paghigpit niya sa paghawak sa baso. Hindi siya nagsasalita. Hindi niya rin ako tinapunan ng tingin. Alam kong nasaktan ko siya sa sinabi ko pero kung hindi ko sasabihin, kelan pa?

"Siya parin ba?"

Natigilan ako sa tanong niya. Siya pa nga rin ba?

Hindi.. Hindi ko alam.

"Silence means yes" narinig ko ang mahina niyang pagtawa pero yung tawang 'yon ay may halong sakit.

"I'll go. I texted my driver to fetch me"

Good thing, pagkalabas ko ay andoon na si kuya Jed sa tapat. Hindi naman siya nagsalita pagkapasok ko hanggang sa nakarating na kami sa condo.

Why I feel tired today?

Nakapikit lang ako habang nakahiga, trying to relax my mind when my phone rang.

Seah calling...

"Hmm?" bored kong wika

[Anong 'hmm' Hoy! For your information i cancelled my next scheds for you! I thought you have a problem. Pero parang wala naman pala!] sigaw nito sa kabilang linya.

"Ang sweet mo naman. Sana all"

[Hoy! Lasing ka na ba? Akala ko ba sa bar mag no-nomi?]

"Papunta na ko jan. Bye"

I ended the call.

I wear purple bodycon dress with silver strappy high heels. I just put a light blush on and liptint.

Pagkapasok ko sa loob ng bar nila kuya Ziren ay sobrang daming tao. Naninibago ako dahil hindi naman ako pumupunta sa bar ng walang dahilan. Ang last ko na punta dito ay yung pakikipag hiwalay ko.

"Problema mo gurl?" sigaw ni Seah, masyadong maingay kaya kailangan sumigaw para magkarinigan.

"Hindi ko alam" sagot ko tsaka sunod sunod na tinungga ang alak.

Private RelationshipWhere stories live. Discover now