Chapter 11: Why should I care?

988 17 0
                                    

Shecailah Torres's

MABILIS lumipas ang mga araw pero ang routine ko hindi nagbabago. Bahay at eskwela lang ang inaatupag ko dahil after ng encounter namin ni Ryle mas lalo akong naganahan mag-aral. Hindi sa pagiging competitive kaya lang hindi lang matanggap ng ego ko na may isang taong kaya akong higitan kahit obvious naman na hindi naman masyadong nag-aaral tulad ng ginagawa ko. Oo na, sobrang judgmental ko pagdating sa lalaking iyon. Asar talaga ako sa kanya pero still, crush ko parin siya. Hindi ako showy na tao kaya imposible naman na malalaman niya na crush ko siya.

At ngayon, malapit na naman ang finals namin. 40% lang ang midterm at 60% naman ang finals kaya todo kayod ako sa pag-aaral. Kung puwede lang na hindi na ako matutulog sa gabi, gagawin ko talaga kaya lang hindi kaya ng katawan ko.

"Anak huwag mo namang lunurin ang sarili mo sa pag-aaral. Aanhin mo naman ang katalinuhan mo kung mapapadali naman ang flight mo papunta sa heaven. Hindi mo naman kailangan na magkaroon ng latin honors para patunayan ang sarili mo sa amin at sa ibang tao. Dahil para sa amin ng Popsy mo, ikaw ang number one at proud na proud kami sa iyo." Minsang pangaral sa akin ni Momsy.

May punto naman talaga si Momsy. Pero nasanay na ako sa ganitong sistema dahil mula pa noong bata ako, mahalaga na sa akin ang mga awards at honors na aking natatanggap. Mas lalong nadagdagan ang confidence ko sa tuwing marami akong achievements.  Maraming nagsasabi na 'Grades doesn't define who really you are. It's just numbers and nothing else.' Pero hindi ako doon naniniwala.

Oo, numero lang iyon pero malaking epekto iyon sa isang estudyanteng katulad ko. Hindi ba nila naiisip na maraming nadedepressed dahil lang sa mga numerong iyon? Hindi ba nila alam na maraming mga kabataan ang pinapagalitan dahil lamang sa mababang marka na kanilang nakukuha? Ang hindi alam ng karamihan ay ang mga numerong iyon na makikita sa mga classcards ay naglalarawan din kung ano ba talaga ang isang kabataan sa loob ng eskwela. Kung mababa, patunay lang iyon na tamad ang isang estudyante. Pariwala sa buhay at walang pakialam sa halaga ng edukasyon. At kung mataas naman ang nakuha, that means masipag mag-aral at may pagtanaw sa sakripisyo ng mga magulang para lamang mapag-aral sila. Kaya hindi ako naniniwala na ang mga numerong binibigay ng mga guro ay walang silbi sa buhay.

"Cai, may echichika ako sayo!" Salubong sa akin ni Richel nang makalabas ako ng library.

"Ano yon?"

"Katatapos lang ng meeting ng mga professors sa Conference room. Tapos narinig ko ang sabi ni Prof. Galupo na may acquaintance party daw before finals natin!" Excited na sabi ni Richel.

Dire-diretso lang ang aking tingin sa daan. Masyadong occupied ang aking isipan kaya hindi pumapasok sa aking isip ang mga sinasabi ni Richel.

"Hoy, ano? Sali tayo?" Doon lang ako napahinto at kuno't noong tinignan si Richel.

"Ha?"

"Kita mo! Hindi talaga nakikinig sa akin!"

"Sorry. Ano bang sinabi mo?"

"Sabi ko kung sasali ba tayo sa acquaintance party next week."

Inayos ko ang aking salamin, "I'm not interested. Isa pa, mahirap magbigay ng exams si Atty. Almeria kaya instead na magparty ako, magmumukmok na lang ako sa bahay at mag-aaral. Kung gusto mo, ikaw na lang ang sumali, Rich."

Lumabi sa akin si Richel, "Bahala ka. Rinig ko pa naman kay Atty. Almeria kanina kung sino daw ang sasali sa acquaintance party, may dagdag points daw sa final grades."

Diritsong tinignan ko sa mata si Richel. Matagal ko siyang tinitigan at inimbistigahan kung nagsisinungaling nga ba siya. Dumapo ang aking tingin sa kanyang ilong kung medyo gumagalaw iyon pero hindi. Hindi nga siya nagsisinungaling.

My Love from Pornhub (COMPLETED)Where stories live. Discover now