Chapter 24: Freed

654 13 0
                                    

Ryle Kerkzon Domingo's

"RYLE! Napadalaw ka yata rito? Do you miss me? Pero bago ang lahat, gusto ko lang sabihin sa iyo na may bago palang offer para sayo—"

"Ayoko na, Zairah."

Nabigla si Zairah sa aking sinabi sa kanya. Nang makabawi ay lumapit siya sa akin na niningkit ang mga mata.

"Ayaw mo na dahil iyon ang sinabi ng GIRLFRIEND mo?" May diing sabi niya.

Kahit noon pa man ay gusto ko na talagang makawala sa ganitong bahay. Pero dahil nasanay na rin ako at naging maganda ang buhay ko binalewala ko na lang dahil ito naman talaga ang gustong mangyari sa akin ng walang hiya kong nanay. Ibinenta niya ako kapalit ng malaking halaga kaya galit ako sa kanya hanggang ngayon. Pero dahil kay Shecailah, handa kong iwan ang lahat.

"Hindi, Ryle. Hindi ako makakapayag! Paano mo ito nagagawa sa akin?! Pagkatapos ng lahat, ito ang igaganti mo?! Paano na tayo magkakapera nito—"

"Maraming paraan para magkapera, Zairah pero ayoko na sa ganitong paraan. Kung gusto mo, ikaw ang tumanggap sa offer na iyon! Dahil ako? Pagod na ako sa ganitong buhay!"

"Bakit, Ryle? May trabaho ba na hindi nakakapagod? Akala mo ba kapag nagtrabaho ka ng marangal malaking pera ang makukuha mo?! Hindi! Kahit magkanda kuba ka sa kakatrabaho, hindi mo mararating ang buhay na tinatamasa mo ngayon! At dahil lang sa babaing iyon, iiwan mo ang lahat?! Para sabihin ko sayo, lolokohin ka lang ng babaing iyon! Tulad ng nanay Relia mo, pera lang din ang habol niya sa iyo!"

Mabilis kong isinandal sa pader si Zairah at hinawakan sa leeg. Halos malagutan siya ng hininga pero wala akong pakialam! Wala siyang karapatan na sambitin sa akin ang nanay ko!

"How many times do I have to tell you that shouldn't brag my mother's name in front of me! I hate my life like how I hate her so, stop mentioning her!" Galit kong sabi sa kanya. Halos kapusin siya ng hininga pero kalaunan ay napapaso akong lumayo sa kanya. Umuubo siya habang hinahawakan niya ang kanyang leeg.

"De p*ta ka, Ryle! Sinasaktan mo na ako ngayon pagkatapos ng ginawa ko sa iyo?! Akala mo ba kung hindi dahil sa akin, marangya ka ngayon?! Hindi! At bakit? Ayaw mo bang marinig kung gaano kawalang kwenta ang nanay mo?! Kaya ka niya ibinenta sa akin dahil hindi ka niya kayang palamunin! Hindi niya kayang ibigay sayo ang buhay na kayang kong ialay sayo!"

"Kahit ano pang sabihin mo, ayoko na, Zairah. Sawa na ako sa ganitong buhay! Pagod na ako sa manipulasyon mo sa buhay ko!" Nagsimula na akong maglakad papalabas ng pinto nang marinig ko ang sigaw niya.

"Wala kang utang na loob, Ryle! Sige! Sa oras na makalabas ka sa pintong iyan, babawiin ko sa iyo lahat lahat! Wala ka nang unit, bahay at kotse—"

"Wala kang babawiin sa akin, Zairah dahil ang lahat ng iyon, nasa aking pangalan. Sorry, but I have to do this. Thank you for everything and goodbye." At tuluyang umalis ng kanyang bahay.

"P*tangina mo, Ryle! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin! Hindi ako titigil hangga't hindi ka gagapang sa lupa!"

I. DONT. CARE.

Sa ngayon, si Shecailah ang gusto kong makita. Naiisip ko na siya lang ang mahalaga sa lahat. Ang pagdating niya sa buhay ko ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko. Sa kanyang yakap at halik, ako ay panatag at siya lang ang kailangan ko sa buhay.

"Ryle? Bakit ganyan ang mukha mo? May problema ka ba?"

Hindi ako sumagot, bagkus ay niyakap ko siya ng mahigpit. Ito. Ito ang kailangan ko ngayon – yakap mula sa babaeng mahal ko. Naramdaman ko na niyakap niya ako pabalik ng mahigpit.

My Love from Pornhub (COMPLETED)Where stories live. Discover now