Chapter 18: Just friends

672 13 13
                                    

Shecailah Torres's

HINDI ako manhid. Parang may nag-iba sa pagitan namin ni Ryle. Ayokong pangalanan iyon dahil hindi naman ako asyumera kaya binalewala ko na lamang. Pagkatapos ng pagkatapos ng aming finals, ginawa niya akong tutor niya. Seryoso siya? Sa talino niyang iyan, hindi niya na kailangan ng tutor! Pero mapilit si kuya kaya napapayag niya ako sa ganoong bagay. Pero ang ending, hindi naman talaga ako nagtuturo sa kanya, pareho lang kami nag-aaral sa library tuwing may vacant time.

Kaya lang, hindi naman talaga puro pag-aaral ang inaatupag niya kapag nasa library kami. Ewan ko lang kung sinasadya niya minsan iyong paghaplos niya sa aking braso, iyong paghawak niya sa kamay ko, at iyong pagbulong minsan sa aking tainga na nakapagpatayo ng aking balahibo. Kaya minsan iniwas-iwasan ko siya kasi ang sagwa talaga. Hindi ako sanay sa mga ganoong bagay.

Pero dumating ako sa punto na akala ko talaga may something. Gaya ng sinabi ko, hindi ako ang klaseng tao na asyumera kaya lang hindi ko talaga mapigilan na isipin sa ganoong paraan. Pero kalaunan, napagtanto ko na hindi maganda ang mag-assume kasi masakit, bes! Gaya ngayon...

"She.."

Napabaling ako kay Ryle. May kaakbay siyang babae na medyo chinita at matangkad. Cute ng face niya na kabaliktaran sa akin. Tuloy ay parang gusto kong manliit kasi ang ganda ni girl.

"Bakit?"

Nasa parke kami ngayon. Niyaya niya akong mag food trip kasi blow-out daw dahil mataas ang kuha namin sa finals. Sumaglit lang ako sa milk tea na cart para bumili pero pagbaling ko, may babae na siya. At mukhang magjowa sila sa lagay na iyan.

"Si Karen pala." Pakilala niya sa kanyang kasama, "Pinsan ko."

Napataas ang kilay ko nang makita ko kung paano sumimangot ang babae. Halata naman na hindi niya pinsan dahil kung makadikit sa kanya ang girl, malapit nang magkapalit ang katawan nila. Bumuntong huminga na lamang ako bago ko inilahad ang aking kamay sa babae niya.

"Hi, I'm Shecailah." Bati ko, "Nice to meet you."Masiglang saad ko, "I wonder kung sa mother side o sa father side kayo naging pinsan kasi ang layo ng face niyo." And I grinned.

Pareho silang namula sa sinabi ko. Siguro kasi hindi nila inasahan na pagdudahan ko sila.

"Sa mother side."

"Sa father side."

Panabay nilang sabi na mas lalong ikinapula nilang dalawa. Hindi ko napigilang humalakhak sa harapan nila. I know it was rude but I can't help it. Kung sana kasi isa lang ang nagsabi para hindi naman sila nabuking. Ayan tuloy, nagmukha silang tanga sa harap ko na ikinatuwa ko naman. Nakita ko kung paano ako pinanliitan ng mata ni Ryle pero wala akong pakialam.

"Ciao! Enjoy your date, lovers." Paalam ko sa kanilang dalawa habang may ngiti sa labi pero kinukurot naman ang puso ko.

Akala ko kasi moment na namin ito.

Pero hindi pala..

May iba palang dahilan kung bakita nandito kami..

Nakakainis siya! Kung gusto niyang makipagdate sa iba, sana hindi niya nalang ako sinama dito! Nang hindi naman ako umasa sa wala. Letse!

"Ate! Ate! Si Ryle Domingo ba iyon?!" Tanong sa akin ng isang babae na siguro ay kaedaran ko lang din.

Tumingin ako kay Ryle na ngayon ay nagsusubuan sila ng babae niya. Naka shades siya at naka-wig para hindi siya makilala. Nasa public place kami kaya maraming may makakilala at may makakita sa kanya rito. Hindi katulad sa university na walang pakialaman doon ang mga tao kung kilala ka o hindi. At dahil kontrabida ako ngayon, sisirain ko ang date niya.

My Love from Pornhub (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon