24

78 5 0
                                    


Third Person:


Iritadong napabuntong hininga na lamang si Dean at sinubukang tawagan ulit ang nobya. It has been two days. Ngunit hindi pa rin siya nito sinasagot!


"Sino ba kasi yang tinatawagan mo tol?"

Tanong ni Chance sakanya habang tinuro si Dean gamit ang tinidor.

Kasalukuyang nasa cafeteria ang magbabarkada. It was lunch time ngunit kanina pa napakabusy ni Dean sa phone.


Hindi naman siya nilingon ni Dean at inilapat muli ang phone sa tenga.


"F*ck!"

Ginulo niya ang kanyang buhok at inis na kinuyom ang phone pabalik sa bulsa niya.


Nagkatinginan naman ang tatlo at napangiwi.


"Tol okay ka lang? Sino ba yang kanina mo pa tinatawagan?"


Kinakabahang tanong ni Marvin. Nakakatakot na kasi ang awra ng binata.


"Tsk."


Suminghal lang ang binata at kumuha nalang ng tinidor at kutsara upang magsimulang kumain.


Napangiwi si Marvin dahil sa pagsusuplado nito.


Napaisip si Dean kung ano na ang nagyari sa kasintahan. Miss na miss na niya ito, and the longer she keeps him waiting the more he worries about her. Maraming masasamang senaryo ang pumasok sa isip niya.


T*ngina talaga! Nasan na ba kasi yung babaeng yun?!


Kumunot lalo ang noo niya at di alintana na hindi na pala siya kumakain. Nawalan na siya ng gana.


For the past two days he had been trying to reach her. Pumunta pa nga ito sa mansion ng dalaga upang magtanong tanong ngunit sarado ang bibig ng mga ito.


Mas lalo siyang naintriga sa katauhan ng dalaga. At kung bakit napakamisteryosa nito.


"Dean. Tol okay ka lang?"


Mahinahong tanong ni Luke sakanya. Napaangat naman siya ng tingin at inis na tiningnan ang lalaki. Hindi siya inis rito.

Naiinis siya dahil tumawag ulit siya sa dalaga ngunit iisang linya lang ang maririnig niya.


"The number you are calling is currently unavailable. Please try again later."

Affair with the Bad BoyWhere stories live. Discover now