Chapter 1

5.5K 86 4
                                    

Maaga akong nagising upang maligo at makapasok sa paaralan, tatlong buhos ng tubig sa tabo para sa katawan kong patpatin, walang shampoo maging sabon ang nagamit. Matapos makapaligo isinuot kona ang mumunting uniporme na nagmula pa sa aking panganay na kapatid, maliit lamang ito dahil may katangkaran ako kumpara sa kanya. Nang matapos mag bihis dala ang supot na naglalaman ng isang notebook at lapis, ito ay mga gamit ko pa noong nakaraang pasukan. 

Dahan dahan akong nag lalakad papalabas ng bahay dahil ayokong maabutan ni inang, kokontrahin na naman kasi ako nito sa pag-pasok ko. Sabi niya mas maigi na daw na maaga akong mag trabaho ng makatulong sa kanila kaysa sa pag aaral na dumadagdag sa gastusin naming pamilya.

Masasabi kong lumaki ako sa isang mahirap na pamumuhay pero hindi ko naman yon kinakahiya dahil marangal ang trabaho ng aking mga magulang. Labandera ang aking inang samantalang tsuper sa bayan ang aking amang. Lima kaming mag kakapatid pangatlo ako sa panganay at nag iisang nag aaral, ang panganay na dalawa ay nakapag asawa na ngunit nakatira padin kami sa iisang bubong dahil ang asawa ng dalawa ay pawang hindi nakapag tapos ng pag aaral kaya nahihirapang mag hanap ng trabaho habang ang dalawa kong nakababatang kapatid, ang isa ay tinutulungan ang aking ina at ang bunso na sakitin.

Nakatira kami sa isang maliit na baryo na kung tawagin ay Baryo Dimatinag dito sa Batangas, medyo liblib itong lugar malayo layo sa bayan, pinalilibutan ng mga kakahuyan, mga matataas na puno ng niyog at mga talahib, hindi dikit dikit ang kabahayan rito bagkus malayo sa isat-isa hindi tulad sa may bayan na tabi tabi maging ang mga tindahan pero masasabi kong presko ang hangin rito at masarap mamahinga at magmuni-muni.

"Yahooo, Tagumpay!" Sabi ko na may kasamang pagtalon nang tuluyan na nga akong makalayo sa aming bahay.

Tumigil muna saglit sa may mumunting tindahan kung masasabi pa nga ba itong tindahan dahil konti lang ang laman at tila mas marami pa ang gabok kesa sa paninda. Kinuha ko sa bulsa ang limangpiso na nahingi ko kahapon sa amang, bumili ako ng tinapay na kakainin ko sa pag pasok dahil wala naman akong binalot, dahil nga sekreto ang aking pag pasok at walang rin namang pagkain sa bahay. Pagkatapos kong bumili nag patuloy ako sa pag lalakad sa gubat, malayo layo pa ang aking lalakarin papuntang paaralan, sa may likuran pa kasi ito ng bayan. Wala akong pera pamasahe tyka madalas ding may dumaang sasakyan dito.

Medyo madilim pa sa aking nilalakaran, hindi pa sumisikat ang araw. Kung nag tataka kayo kung bakit hindi ako takot na baka may mga mapanganib na hayop rito sa kakahuyan at masamang tao, sa kadahilanan nga na dito na ako pinanganak at lumaki, alam ko rin ang mga sekretong daan na maging sina amang at inang ay hindi alam, kung sakaling makaramdam ako ng panganib sa paligid siguro mas mabilis pa akong tumakbo sa magnanakaw sa bayan. 

Ba't hindi ko naisipang magnakaw na lamang? Uy wag masama.

Nakarating na ako sa bayan at natatamaan na ako ng sinag ng araw, siguro kumulang nang dalawang oras ang paglalakabay ko patungong bayan, kung mula naman sa aming bahay hanggang paaralan dalawang oras naman.

"Dimaculangan Elementary School" Pagbasa ko sa paaralan ng makarating.

Narito na ako sa tapat o sa gate ng paaralan, pawisan na akong nakarating, ito ang unang araw ko sa pagiging Grade 6, nag sisimula na ang pag awit ng Lupang Hinirang kaya napatigil ako at nag bigay respeto nakalagay ang aking kanang kamay sa kaliwang dibdib at nag simula na ring kumanta ng Pambansang awit, naka tindig ako rito sa may gilid. Nang matapos na ang seremonya hinanap ko pa ang aking room dahil may limang section ang bawat grade.

"Grade 6 Kalapati: Andrado, Josefina D." banggit ko ng mahanap ang aking pangalan maging ang section. Nasa may pinakahuling seksyon ako napadpad dahil siguro sa mga nagdaang araw ng ako'y grade 5 pa lamang, marami na din akong absent dahil inaalagaan ko ang aking kapatid na may sakit kaya bumaba ang aking mga marka. 

Wala namang problema sa akin iyon, ang nais ko lamang ay makatapos ng elemtarya at makatungtong ng sekondarya. Nais ko din sanang turuan ang aking dalawang nakakabatang kapatid na bumasa at bumilang dahil wala atang plano si inang na pag-aralin kami.

"Josefina hinga ng malalim" kausap ang sarili, huminga ako ng malalim at pinusan ang noong pawisan na sa paglalakad at baka siguro na din sa aking kabang nararamdaman. Narito na ako sa pintuan sumilip muna ako, marami na ang magiging kaklase kong nasa loob, inayos ko ang ang aking sarili at humakbang pauna ng tuluyan ng makapasok tumingin ako sa paligid nag hahanap ng  upuang bakante, ang ibang bata ay nakatingin sa akin ng may disgusto ang mga mata, mayroong tumgin sakin mula ulo hanggang paa, at ang iba ay walang pakialam at patuloy ang pag uusap.

Nahihiya akong umabante papuntang likuran ng may nakita akong bakanteng upuan katabi ng isang batang babae.

"Umalis ka ayaw kitang katabi." sabi sa akin ng ako'y paupo pa lamang na may kasamang irap, iniligay niya ang kanyang bag sa upuan na kanina'y nasa sahig lamang.

Ngumiti ako at sinabi " Ahh sige, pa-pasensya na " pag hingi ko ng paumanhin.

Nagtungo na lang ako sa may likuran lahat bakante ang upuan roon, kaya napag pasyahan ko doon na lang. Ibinaba ko ang supot na pinaglagyan ko ng notebook, nasa may gilid ako tabi ng bintana para makita ko ang kaganapan sa labas. Nang tamarin inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng klase, marami ang bago sa aking paningin at iilan ang mga dati kong kaklase.

Ang ingay na kanina'y malakas ay unti unting humina dahil narito na pala ang aming guro, nakatayo ito sa harapan.

"Good Morning Grade 6 students " Pagbati nito samin.

"Good Morning ma'am." Balik bating pahayag namin habang nakatayo.

"You may sit down." Pagkatapos niyang banggitin iyon ay nag si upuan na kami.

" Bago tayo magumpisa ang mga lessons papakilala muna ako I'am Mrs. Anna Ramos. " Sinulat nito ang kanyang pangalan sa black board upang makita at malaman namin ang tamang spelling.

" Isa isa rin kayong magpapakilala para malaman ko kung sino kayo, sige start tayo sayo ineng, dine kayo magpakilala sa unahan ah. " Tukoy nito sa babaeng nasa unahang baitang.

Halatang masungit ang magiging guro namin ngayong taon.

Nang nasa likurang linya na kung saan narito ako, nag uumpisa na akong kabahan, nanlalamig ang aking mga kamay at nanginginig dahil hindi ako sanay sa ganito at nang ako na, tumayo ako at nagumpisa ng humakbang papuntang unahan lalong kumabog ang kaba sa aking dibdib ng lahat ng tao roon ay nakatingin ang iba may pandidiring tingin at ang iba ang may pagtakip ng ilong, nakatingin lamang ako sa aking dalawang palad na naka kislop.

"Ako po si Josefina D. Andrado, 12 years old." sabi ko sa unahan habang nakayuko ng tumingin ako sa kanila halatang wala silang pakialam na malaman ang pangalan ko, ng matapos ang pag sasalita bumalik na ako sa aking pwesto, ng maka upo nakahinga na ako ng malalim at unti unting nawawala ang kaba na nararamdaman kanina 

Sanay na ako sa ganitong pag trato sa akin hindi ko naman sila masisi dahil alam ko sa aking sarili na hindi maganda ang aking amoy  maging ang aking pananamit wala rin akong pambiling pabango at kung meron man nais ko na lamang ito ibili ng makakain. Ganito ang turingan dito pag mahirap ka wala kang kakayanan upang mag reklamo dapat handa ka sa mga masasakit na salitang binabato sa iyo ng maraming tao.

Nag umpisa na klase hanggang sa mag recess at dumating na nga ang oras ng tanghalian, nag silabasan ang iba para kumain ang iba naman inihahanda ang kani kanilang balutan habang ako inilabas ang tinapay na kanina'y binili ko lamang sa tindahan hindi ako lumabas kanina nang oras ng recess dahil narin sa nahihiya ako. Walang nais tumabi sakin sa pag kakaalamang walang makukuha sa akin at wala rin akong maipag yayabang sa kanila.

Oras na ng uwian malungkot ako ngunit nangingibabaw ang tuwang nararamdaman, malungkot dahil wala akong maituturing na kaibagan dito at saya dahil natapos ang araw na ito na nakakuha ako ng matataas na marka sa mga pretest na ginawa at quizzes sa iba't-ibang subjects. Habang naglalakad ako palabas ng paaralan may nadaan akong kumpulan ng kababaihan ang iba roon ay aking nakita sa klase. 

"Clara diba kaklase mo yan? Pasabi umaalingasaw ang amoy hah! HAHAHAHAHAHA" sabi nito sa kaibigan at sabay nilang tawanan. 
" Eww ayoko nga ikaw na lang magsabi tignan mo nakakadiri" sagot nito rito na talagang may pandidiri kasama. 

Marami pa akong naririnig na ibang bulungan sa kanila ngunit ang iba ay hindi ko lubusang marinig at maintindahan, pinabayaan ko na lamang silang mag usap dahil kailangan ko ng makarating samin at sigurado akong may sermong nag hihintay ang sakin.

His Obsession [COMPLETED]Where stories live. Discover now