Chapter 4

2.8K 77 5
                                    

" Simple lang naman ang magiging trabaho mo roon. " Nambibiting pahayag nito.

" Kanina kasi habang namamalengke ako nakita ko yung dating kong kaibigan. " Nag kukuwento ito patungkol sa nangyari kanina ng ito'y umalis at iniwan akong mag isa rito.

" Nagkwentuhan kami tapos naikwento rin kita sa kanya sabi ko baka may alam itong trabahong na babagay sa edad mo yung bang hindi ka masyadong mahihirapan. " Pag papatuloy sa naumpisahan kwento. Hindi ako nagsasalita at mariing nakikinig rito, natingin sa kanyang mga mata, nagpapahayag na seryoso akong malaman kung ano bang trabaho ito.

" Tapos sabi niya may alam daw siya pwede ka niyang maipasok, doon rin daw kasi ito nagta trabaho. "

" Ano po bang trabaho iyon? " Hindi ako makapag hintay na malaman, niinip ako masyado.

Iniperz yan?

" Mag ta trabaho ka lang din naman bilang kasambahay, mayordona kasi iyon don at talagang madali kang makakapasok " Sa wakas ang kanina ko pang gustong marinig ay nasagot na.

" Mabuti po kung ganon. " Natuwa ako sa aking narinig at sa wakas maaari akong makapag ipon ng pera para sa pag aaral.

Maraming akong naisip na bagay at gagawain pagkatapos kong mag kasweldo kahit hindi pa ako nag uumpisa. Nakakatuwa lang talaga, pero nabawasan ang saya ng may kasunod pang sinabi si Aling Sussi.

" Pero syempre dahil magiging kasambahay ka doon maninirahan ka na din sa kanila -- " Isang katahimikan ang bumitaw sa akin.

" Pero libre naman ang tulugan roon maging libre ang pagkain, sa madaling salita magta trabaho ka lang, susundin mo lang mga pinag uutos ng magiging amo. " Maayos na rin iyon hindi ko na kailangang bumili ng pagkain ang magiging sweldo ay maaari na maipada ko na lang sa kanila at magtago ng pera para idagdag sa ipon kung sakali. 

" Salamat po Aling Sussi pero itatanong ko muna kay amang at inang kung payag sila. " 

" Sya sige ineng balitaan mo ko pag pumayag sila, punta ka na lang dito para masamahan kita sa kumare ko at bahay na pag ta trabahuan mo. " Kailangan ko munang sabihin sa inang ang bagay na ito bago mag desisyon, payag naman ako sa trabaho inaalok dahil marangal naman ito ngunit sa kabilang isipan sinasabing hindi ko kayang iwan ng mag isa ang bunso baka pabayaan ng mga ito iyon. Baka kasi hindi rin ako payagan ni amang, kung si inang lang ang aking tatanungin sigurado akong papayag yun dahil malaking tulong iyon kung sakali.

" Salamat po sa masarap pagkain Aling Sussi, sige po mauna na po ako. " Nag paalam na akong umuwi dahil baka gabihin ako pagdating sa bahay. 

Inihatid ako nito sa labas ng kanilang gate at iniabot ang perang bayad sa paglalaba, sobra ang binigay nito sa akin, ibinabalik ko ngunit ayon rito para sa akin na raw ang sobra at ipangbili na lang ng mga gamit, hindi ko sana iyon tatanggapan ngunit ayaw nitong kunin ng aking inaabot kaya hinayaan ko na, sa bayan muna ako pupunta para makabili ng bigas bago umuwi.

Alas sinko ng makaalis ako kina Aling Sussi, sumakay na ako ng tricycle, madali lang akong nakasakay dahil hindi naman liblib ang kinatatayuan ng bahay nila.

Nagbawas ng sampung piso sa pera upang maipamasahe.

Nang makarating sa bilihan ng bigas, bumili ako ng dalawa't kalahating kilo nito pagkatapos muling naglakad sa pila sa kanto pauwi, ng magkalalakad sana may nakita akong maliit ng tindahan, mga hairpin at hairclip ang mga ito, natuon ang aking atensyon sa kulay rosas na clip, may disenyo itong bulaklak sinadya ang maliit na bulaklak upang hindi matakpan ng husto ang clip.

" La magkano po ito? " Dahil nga sa nagandahan ako, nilapitan ko ito at tinanong, itinuro ko pa ito para malaman kung alin ang aking tinatanong. Matanda na ang may-ari, halata sa mukha nito labis na pag ta trabaho, medyo lawlaw na rin ang mga balat nito sa katawan. Magtatanong lang naman sana ako, wala sa plano ko ang bumili.

Lumapit ito at kinuha ang bagay na aking tinuturo, ng makuha sa kinalalagyan, kinuha naman nito ang maliit kong palad, ang aking anang kamay.

Nakabukas ang aking kamay kaya ng makuha nito, ipinatanong ang clip at isinara ang palad na nagangahulugang...

" Regalo ko na sayo nak. " Nagulat ako ng binigay nito sa akin ng libre pero kung tutuusin maliit na halaga lamang iyon, sinabi nitong wag ibalik sa kanya kaya kalaunan tinanggap ko rin.

Lubos ang aking pasasalamat rito, tuwang tuwa ako naglalakad habang lumulukso.

Hindi napansin ang mabalis na pag andar ng magarang sasakyan patungo sa aking direksyon.

Ang aking buong pansin ay naka tuon lamang sa hawak kong clip. 

Napansin ko lang ang sasakyan ng palakas ng palakas ang pagbusina nang nagmamaneho. 

Dahil sa labis kong gulat hindi ko maigalaw ang aking binti paalis maging ang mga mata'y naka tutok sa unahan kung saan nandun malapit sa akin, mahigpit rin ang pagkakahawak ko sa clip.

Sa mga sandaling iyon lahat ng pangyayari kanina'y pumasok sa aking isipan pati na rin ang mga masasayang kaganapan sa kanyang buhay, tila isang buod nang lahat ng naganap sa aking buhay.

Kalaunan pumikit ako at sanabing ang katagang...

" Dito na pala matatapos ang buhay ko hindi ko man lang nasabi na mahal ko sila. " Yun din pala ang huling salitang maibibigkas ko na may kasamang ngiting nababahiran ng kalungkutan. 

Ang sandali ito, naramdaman ko ang unahang bahagi ng sasakyan sa aking balingkinitang katawan.

Ramdam ang lakas ng pagkakabangga hanggang naging paralisado lahat ng bahagi ng aking katawan, bago tuluyang maipikit ang aking mga mata nakita ko pa ang lalaking kalalabas lamang ng kotse nito at nagmamadaling papalapit sa akin, hindi klaro ang nakikita ko sa mukha nito pero masasabi kong makisig at may maipagmamalaki.

Tuluyan na nga akong nilamon ng kadiliman hawak ang isang bagay na ngayon lang ako nakatanggap.

Itutuloy...

Don't forget to follow me and VOTE if you like this Chapter. Thank you. ❤

His Obsession [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant