Chapter 2

3.3K 74 0
                                    

Tumakbo na ako pauwi sa amin baka sakaling hindi ako maabutan ng inang sa bahay ngunit ang inaakala kong iyon ay isang pagkakamali, makikita ang inang sa  labas ng tagpi tagping pintuan may malaking butas sa may ilalim kaya madaling makapasok ang mga ahas na nanggaling sa kagubatan. Noong una may pangamba ako ngunit kalaunan nasanay rin, hindi ko sinasabing madali itong iwasan bagkus madali itong naitataboy ng amang.

Nang ako'y tuluyang makalapit sa inang mababakas sa kanyang mata ang galit. Alam ko na naman ang mangyayari kaya bago ako pagbuhatan ng kamay nito ay mariin ko ng inihanda ang sarili.

" IKAW BATA KA NAPAKA PASAWAY MO! ILANG BESES KO BANG IPAPAALALA SAYO NA WALA KANG MARARATING KAHIT MAG ARAL KA, ALAM MO KUNG BAKIT? KASI MAHIRAP TAYO MADAMI TAYONG GASTUSIN SA BAHAY PATI SA MGA KAPATID MO, KUNG YANG PAGPASOK MO AY IPINAGTATRABAHO MO EDI SANA KUMIKITA KA KAHIT KAUNTI, PAG LAMON LANG ANG ALAM MO RITO " Sunod-sunod na sermon sa akin ni inang habang pinipingot ang aking tenga pakaladkad ng bahay, wala pa ang amang kaya wala pang mag tatanggol sa akin, habang ang ibang kong kapatid ay walang pakialam sa nangyayari samin ni inang nag iiwas lamang ng tingin ang mga ito pag dumadapo ang paningin ko sa kanila.

" Inang gusto ko lang naman pumasok, bukod po doon inang may pangarap po ako. " maluha luhang binabanggit ko ang katagang iyon sa kanya.

" ABA MATINDI KANG BATA KA! ANONG PANGARAP ANG SINASABI MO? LABANDERA DIN BAGSAK MO KAYA HABANG MAAGA PA EH TUMULONG KA NG MAY PANG BILI NG GAMOT ANG KAPATID MO! " Galit muli niyang turing sa akin.

" BUKAS PAG NALAMAN KONG PUMASOK KA SA ESKWELAHAN HUMANDA KA SAKIN, TATAMAAN KA TALAGA! " Pagbabanta ni inang sa akin.

" Opo inang. " Sagot ko upang hindi na humaba pa.

" Mabuti at nagkakaintindihan tayo, magsaing ka na darating na ang amang mo. " Pagu utos ni inang sa akin matapos bitawan ang tengang kanina pang pinipingot. 

Hawak ko ang kanang tenga dahil ramdam ko pa ang sakit nito, pinunasan ko rin aking mata dahil may tumutulong luha. Habang sinusunod ko ang utos ni inang kinuha ko ang bigas na wala pang isang kilo, alam kong kulang ito para samin dahil ang iba kong kapatid ay may mga anak na pakakainin din pero kahit ganon pinag hahatian namin iyon. Pag katapos kong hugasan kinuha ko ang pang gatong sa likod ng aming bahay at nang mailagay ko na dumiretso ako sa aming nag-iisa at maliit na kwarto upang mag palit ng damit dahil hanggang ngayon suot ko parin ang uniform. 

Habang nag bibihis narinig kong muli ang tinig ng inang para sa akin. " JOSEFINA! " Sigaw na pagtawag nito mula sa labas. 

" Inang bakit ho? " Balik tanong ko.

" Kailangan ng labandera ni Mareng Sussi bukas na bukas agahan mo, pumanta ka doon kailangan don ang labandera hindi ako makakapunta dahil may labahin pa ako, isasama ko ang kapatid mo at masyadong marami iyong naiwan. "

" Opo inang " Sagot ko.

" Wag mong subukang tumakas at pumasok bukas kundi malilintikan ka sakin, nag kakaintidihan tayo JOSEFINA? " Halata rito ang pag babanta dahil binanggit nito ang aking pangalan ng malakas.

" Oho inang." Na walang magawa kundi sundin ang pinang uutos dahil baka malintikan talaga ako.

Ilang oras ang nakalipas dumating na ang amang na pawisan kita ko palang ito sa malayo halatang tumutulo ang pawis, nasa labas kasi ako ng bahay at gustong salubungin ang amang, bumalik ako sa loob upang kumuha ng pamunas at ng nakakuha tamang tama ang pag pasok rin nito sa loob.

" AMANGGGGG!!! " Malakas na pagbati ko rito sabay yakap, hawak ang pamunas na iniabot ko sa kanya.

" Salamat Josefina. " Sabi nito nang makuha na nito at sabay halik sa aking noo.

" Kain na amang, nakapag saing na po ako. "  Pag-aaya ko sa kanya.

" Aba'y ayos yun dahil talaga namang nagugutom na ako, pag sa banas pa naman kanina sa bayan. " Ang amang ay nangangayayat na dahil kung hindi isang beses kumain sa isang araw ay hindi ito nakain kahit nasa trabaho, dahil galing sa pag t tsuper ang pinang bibili namin ng gamot ni Inday habang sa inang ay pang biling bigas. Habang sa kapatid kong dalawa na may asawa minsan lang makapagbigay kapag may raket ang mga ito.

" Parne at umupo kana Lito sabay-sabay na tayong kumain."
Anyaya ng inang sa kanyang asawa naupo narin kaming magkakapatid maging ang mga anak nito pinagsaluhan ang karampot na kanin at sardinas. Tuwing pasko lang kami nakakapaghain ng masasarap ng ulam dahil malaki ang kita ng amang, marami kasi ang namamasada upang umuwi sa kani kanilang tahanan at makasama ang mga minamahal nilang pamilya.

Nang matapos kaming kumain iniligpit ko na rin at hinugasan sa may tunggaan sa labas, doon kami naliligo at naghuhugas ng mga plato pati narin ang paglalaba sa madaling salita doon ang pinagkukuhan namin ng tubig. Nang makarating inumpisahan ko na ang pagtungga, hindi namin kayang bumili ng sabong panghugas dahil dagdag gastusin lang naman iyon kaya tamang kamay na lang ang ginagamit ko pagkuskos. 

Matapos ang pag-huhugas ipinatuyo at ibinalik sa ayos ang mga ito, alas otso na ng gabi kaya inihanda ko ang karton upang higaan kasama ang ibang kapatid, sa kwarto ang kapatid ko na may asawa at mga anak, dito naman kami sa labas nina amang at inang kahit malamok ay kakayanin, nang maisayos kona, inihiga ko ang aking bunsong kapatid na sakitin. Ako ang laging nag babantay rito kaya lalong napamahal ito sa akin kaya naawawa ako sa pagiging sakitin nito hinihiling ko sana ako na lang ang naging sakitin nang hindi niya sana nararanasan ang mga ganto, isa rin sa dahilan kung bakit gusto kong makapag tapos ng pag aaral ay upang makahanap ng trabaho at maipagamot ang bunso.Sa ilang minutong pag iisip kung paano makakapagtuloy sa pag pasok ay siya ring pagpikit ng talukap ng aking mga mata.

His Obsession [COMPLETED]Where stories live. Discover now