Kabanata VIII

24 1 0
                                    

"Tol sa'yo muna 'tong tape, itago mo ah, 'wag mo ipapaalam kay Belle na na sa'yo 'yan", sabi ko kay Prince.

"Ano ba 'to?", tanong niya.

"Basta kukunin ko sa'yo 'yan mamaya", sagot ko sa kanya.

"Okay okay, tara na lunch na", sabi niya.

pumunta na kami nina Adrian, Prince at Belle sa Canteen para mag-lunch.

"Mark 'yung libre ko?", tanong ni Prince.

"Bakit?", tanong ko.

"Diba ililibre mo ko dahil binigay ko sa'yo number ni Kyla?", sagot niya.

"Ahh oo nga sige mamaya", sagot ko na lang.

"Hoy, alam ba ni Kyla na binigay mo number niya kay Mark?", sulpot ni Belle.

"Ahmmmmm, si Kyla oh! sandali may pupuntahan lang ako", sagot ni Prince bago tumakbo papuntang likod ng canteen.

Nakita ko si Kyla, kumaway si Belle sa kanya at parang nagmadali na rin siya pumunta sa likod ng canteen.

Nakakapagtaka kung ba't niya sinundan si Prince.

Pumasok na lang kami ng canteen nina Belle at Adrian. Binilhan ko na rin ng pagkain si Prince, baka umihi lang 'yon hahaha anlayo naman ata ng inihian nong lalaking 'yon.

...

Habang nakaupo na kami ay biglang dumating si Prince at binulongan si Adrian at Belle na halatang pinaalis sila kasi umalis naman agad ang dalawa.

"Akin ba 'to? salamat", tanong niya sa'kin sabay kuha ng pagkain na binili ko sa kanya.

Lumipat sila doon sa dulong bakanteng upuan ng canteen, susunod sana ako sa kanila dahil iniwan nila ako kaso biglang dumating si Kyla na may dalang pagkain.

"Oy! Long time no see", bati niya sa'kin.

"Hi", maikling sagot ko.

"May kasalanan ka sa'kin Mark", sabi niya sa'kin.

"Anong kasalanan ko?", tanong ko sa kanya.

Kinuha niya ang CP niya bago niya sabihin ang kasalanan ko kaya naisip ko na agad kung ano 'yon.

"Ahhh 'di ako nakapagtext sorry wala kasi akong....", napatigil ako sa sasabihin ko dahil biglang tumunog ang CP ko.

Sunod-sunod na tunog.

"Wala kang?", tanong niya sa'kin.

"Wala akong load", hays CP sana sasabihin ko pero nakalimutan kong isilent.

"Ah okay lang penge na lang ako number mo?", tanong niya sa'kin.

'Di ko pwede ibigay number ko sa kanya dahil isa lang number ko at alam niya na si Paul 'yon. Pero bakit niya tinitext 'yung number ko ngayon na inanaakala niyang si Paul?

"Hindi ka pa ba nagugutom? Kain na tayo", sabi ko sa kanya, sabay subo ng pagkain.

"Ah mamaya na, sige mamaya mo na ibigay tinitext ko lang 'yung kaibigan mo", sagot niya.

"Sinong kaibigan?", sagot ko.

"Si Paul", sagot niya.

HIGH SCHOOL LOVE: Way back 2004Where stories live. Discover now