Kabanata IX

27 1 0
                                    

Umaga na at maaga akong nagising, alas sais y medya(6:30am) pa lang at inagahan ko talagang gumising dahil hindi ako nakapaghanda ng gagamitin ko sa try out mamaya.

Tyaka pupuntahan ko pa pala si Belle sa Bahay nila para sabay kaming pumasok.

Nag-ayos na ako ng gamit ko at naligo, maaga pa naman kaya kumain na rin ako.

Napansin ko na may nagtext sa CP ko, akala ko tinext ako ni Kyla dahil nakatulugan ko na siya habang kausap ko siya kagabi pero si Belle pala ang nagtext.

Hahahaha, masaya ka na? napakinggan mo na, bilisan mo d'yan at sunduin mo na ako:

Napangiti ako sa nabasa ko, buti 'di na siya malungkot.

:Sakto text mo ah, pa'no mo nalaman na gising na ako?

Siyempre narinig ko na naliligo ka na sa kwarto mo hahaha:

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako na nandito na pala siya.

"Oh andito ka na pala ba't ang aga mo?", tanong ko sa kanya.

"Wala lang, masama ba?", sagot naman niya.

"Hindi naman, buti tapos na ako magbihis", sabi ko.

"Oh ba't ang aga mo rin?", tanong niya sa'kin.

"Siyempre susunduin kita", sagot ko.

"Ahh, tara na bilisan mo", sabi niya.

"May lakad ka ba? ba't nagmamadali ka ata", tanong ko.

"Wala hahaha gusto ko lang", sagot niya habang nakangiti.

Ang ganda ata ng umaga nitong babaeng 'to.

"Sandali mag wawax lang ako", sabi ko sa kanya.

"Let, 'di ka magugustuhan ni Kyla", tugon niya.

"Hah? pa'no mo nasabi?", pagtatakang tanong ko.

"Eh 'di naman mahilig 'yon sa lalaking nakataas ang buhok", sagot niya.

"Oh? totoo?", tanong ko.

"Oo kilala ko 'yon eh, maniwala ka sa'kin kilala ko 'yon eh", sagot niya.

"Sige sabi mo eh, magpapabango na lang ako", sagot ko.

"Oo magpabango ka na lang, ang baduy mo pati magwax", sabi niya.

"Anong baduy, uso kaya 'to ngayon", sagot ko.

"Basta magtiwala ka sa'kin, mamaya sasabihin ko sa'yo mga hilig niya", sagot naman niya.

"Yown! sabi mo 'yan hah", sagot ko.

Bumaba na kami at nagpaalam na kami kay Mama, tinext ko na rin si Kyla na papasok na ako baka tulog pa siya.

Hahaha textmate na kami tapos kaibigan ko na siya, medyo 'di na ako nahihiya kausap siya kasi 'di naman dapat mahiya sa kanya, tyaka baka 'di na ako kausapin non kapag nanahimik na naman ako.

Nagmamaneho na kami ni Belle papunta sa School.

"Let ano bang nagustuhan mo kay Kyla?", tanong niya ssa'kin.

"Ahh siguro lahat ng wala sa'yo", sagot ko sabay tawa.

"Wow sakit hah", sagot niya.

"Joke lang, 'wag ka na malungkot maganda ka naman eh tyaka mahal din kita yieeeee", sagot ko.

"Yieee mo mukha mo, narinig ko na 'yan ng maraming beses sa'yo sanay na ako", sagot naman niya.

"Ahmmm siguro ang nagustuhan ko kay Kyla, 'yung pagiging simple niya, maputi, singkit, mahaba ang buhok tyaka", 'di ko na natuloy dahil siya na ang tumapos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIGH SCHOOL LOVE: Way back 2004Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon