Judith

38 6 14
                                    

Actually deadline talaga ita-title ko, kaso mas cute 'yong judith kaya judith na lang.

So ayon na nga, balak ko ipasa Losing to Win manuscript kasi gusto ko money. Sino ba hindi? Sakalin ko magsabi ng hindi.

Char. No to animal cruelty po ako.

Anyway dahil nga sinapian ako ng confidence ni Felicie, ayon #inspired ako. Wait—

Kilala niyo ba si Felicie? Kung hindi pa, basahin niyo na Losing to Win! 'Wag nang patumpik-tumpik pa. #PromotionThatWorks

Char. Tagline 'yan ng NU, gaya-gaya lang ako. #EducationThatWorks.

Anyway, mukhang maliligaw na naman tayo ng usapan kaya heto na. (Siguro kung vlog 'to, may nag-comment na sa baba kung saang minute ang tunay na ganap para mag-skip na 'yong iba.)

Continuation tayo. Bilang babaeng tulog noong nagpaulan ng kasipagan, ayon mas inuna ko pagtulog kaysa sa pagsusulat kahit #inspired ako.

S'yempre, kagaya niyo rin ako, marupok.

Time check: 1:16 pm.

'Yan, mga ganiyang oras ako madalas makatulog. Kasalanan ko bang nakakaantok sa tanghali? Hays.

Ang sabi naman kasi ng writer ko ring friend na itago na lang natin sa pangalang Kawaian, ay hindi raw kami magugulat kapag nag-post ng deadline ang Psicom. So ayon, pa-easy easy lang ako. Pakain-kain lang ng Patata habang nakatutok sa'kin ang electricfan na may lihim yatang pagtingin sa'kin. Gan'yan-gan'yan lang ang ganap sa'king life, tapos kapag inantok, tutulog dahil katabi ko lang si Kama na mapang-akit. Tapos kapag bet na magsulat, saka lang susulat layk walang Judith na epal-epal.

Alam niyo 'yon, pa-chillin layk a villain muna ako.

Kaso, tinamaan ng magaling.

Ayon, habang kasalukuyan ako noong nagu-unfollow ng mga toxic sa Twitter, nakita ko ang tweet ni Kawaian.

Hindi ko na maalala 'yong exact tweet basta ang na-gets ko lang ay andyan na si Judith ng Psicom. Oh noes.

Asan ang hindi magugulat do'n gh0rl? Hanggang June 15 na lang, ang galing.

E nasa kalahati pa lang ako, malayo pa sa katotohanan, yet here I am, nagra-rant.

O 'di ba, napakalupet.
.
.
.
.
.

Zzzzz.

Tama ang nakikita niyo. Nakatulog ako. Arghhh! Pakisampal po ako ng sampo pliyaaas.

Time check ulit tayo: 1: 16 am na!

Hala. Legit. Eksakto o! Kung kailan ako nag-start noong tanghali, 1:16 din ako nag-start ngayong gabi. Oh noes.

Something's magical. Char. Magical mo pwet mo, patulog-tulog ka!

Lintek na 'yan, continuation ulit tayo.

So ayon na nga, nagising ako kanina mga alas-kwatro. Pero syempre nagmeryende muna ako saka nag-prayer meeting something. Nakasanayan na kasi naming mag-pray sama-sama (Char. 'Di nasama si Papa e, sad) tuwing Tuesday, tapos praise and worship sa Friday. So ayon na nga, mga alas-otso pa yata ako nakapagsulat ulit ng Losing to Win.

Sabi ko sa sarili ko araw-araw na ako maga-update para matapos na. Para by 15, makapagpasa na ako. Syempre, natuwa ako noong araw kong sinabi 'yon (June 1) kasi gh0rl, nakapag-publish nga ako. Kaso, pangalwang araw which is kahapon, ayon wala update kasi 'di ako satisfied sa kinalabasan. Binura ko lahat. 2k+ words ang binasura ko kasi patapon.

'Di naman masakit.

Tapos kaninang umaga (June 3), sabi ko susulat ulit ako. Hmm. Ayos naman, nakapagsulat ako sa Losing to Win bago magsulat dito sa Rants, 2k+ words na rin siguro 'yon.

Konting edit na lang, pwede na i-publish. Pero dahil tamad akong mag-edit kaninang tanghali at mas inuna ko ang pahihimutok dito, ayon, nakatulugan ko siya.

So edit-edit ng Losing to Win, kaso tinamaan ng magaling. Nagloko si Wattpad at ang sinulat kong 2k+ words ay ayon. . .

Na-delete.

Wow. Amazing. Hanglupet. Gusto ko magNae-Nae bigla nakng.

Tipong napa-walling na lang ako while imitating ateng sinabon-ko naman-pero-bakit-gano'n.

Bakit gano'n?!

Wattpad, bakit mo ako niloko?! Ang sakit-sakit.

Lubos na nasusugatan ang puso at hindi makagalaw,
mi_michiah.

*****
Date written: June 3, 2020

Update: Hindi ako nakapagpasa pero napasa ko sa wattys2020, hmm. Oks na rin

Uthoughts Ng Poet: PotathoughtsWhere stories live. Discover now